NA-TENSE si Raiven nang pagkalabas niya ng elevator patungo sa parking lot ay naramdaman na naman niya ang pagtayo ng mga balahibo niya sa batok. He remembered that was exactly how he felt the night he met that woman. Alam niya ang pangalan ng babae pero kahit sa isip niya ay hindi niya iyon binabanggit. Hindi siya tanga para hindi maramdamang g**o ang hatid nito sa buhay niya kung pagbibigyan niya ang babae.
Umiling siya. Napa-paranoid lang siguro siya dahil sa gabing iyon siya magpo-propose kay Julia. Nasabi kasi ng kasintahan niya sa kanya na balak nitong magpunta sa Amerika nang ilang linggo para bisitahin ang ate nito na doon na nakabase. Kaya naisip ni Raiven na mag-propose kay Julia bago ito umalis.
Maybe what he was feeling right now was a sign that he should forget about that temptress. Dahil kahit ilang beses niyang murahin ang sarili ay may mga pagkakataong sumasagi pa rin sa isip niya ang babae. Pero oras na para tuluyan na niyang alisin ito sa isip niya, lalo na at nagdesisyon na siyang magpakasal.
Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan niya. Ilang metro pa lang ang layo ni Raiven mula roon ay napahinto uli siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang babaeng nakatayo sa gilid niyon. Damn, speaking of the—
Biglang lumingon sa kanya ang babae at matamis na ngumiti. Muntik na siyang mapaatras nang tila may sumuntok sa sikmura niya at napatitig lang siya sa mukha nito. “Hi there!” bati sa kanya ni Lauradia.
Natauhan siya at napakunot-noo. “What are you doing here?” naiinis na tanong ni Raiven. Inilang-hakbang niya ang pagitan nilang dalawa. Kahit na naiinis siya sa biglang pagsulpot ng babae ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang suot nitong tight fitting dress na halos pangalawang balat na nito sa pagkakalapat niyon sa katawan nito. She looks like sin incarnate.
Tumawa si Lauradia. It was the same chuckle that made his nerves tingle and his muscles taut. “Ano sa tingin mo?” balik-tanong ng babae sa nanunudyong tinig.
Ipinilig niya ang kanyang ulo para hamigin ang sarili at magmukhang maawtoridad. Tinitigan niya ang babae sa paraang madalas niyang gamitin sa mga tauhan niya kapag may ginawang mali ang mga ito. “I don’t have time to play mind games with you, woman,” malamig na sikmat ni Raiven rito.
Mukhang hindi naman natakot sa kanya si Lauradia. Sa halip, tinawid nito ang distansiya sa pagitan nila at hinaplos ang braso niya. Napaigtad at napamura siya. “What are you doing here?” gigil na tanong niya.
Umangat ang isang sulok ng mga labi ng babae. “I just want to see you.”
Nakakunot-noong nagpalinga-linga siya. Kapag may nakakita sa kanya na may kasama siyang babae at hindi naman ang nobya niya ay magiging paksa siya ng tsismis. Ang malala pa kapag nakarating iyon sa media ay magiging laman din siya ng mga balita. Bumuga ng hangin si Raiven at lumayo kay Lauradia. “Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo pero wala akong panahong makipaglaro sa `yo, okay? Go home and don’t bother me anymore.”
Mabilis siyang umikot patungo sa driver’s seat at binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Pero binuksan din ng babae ang pinto sa passenger’s seat at nauna pa itong pumasok kaysa sa kanya. Nakatiim-bagang na umupo siya sa likod ng manibela at pabalibag na isinara ang pinto, bago humarap dito. “Get out.”
Taas-noong tiningnan siya ni Lauradia. “Ayoko. I came all the way here to see you `tapos paaalisin mo ako agad?”
Ginulo ni Raiven ang kanyang buhok sa labis na frustration. “Ang kulit mo!”
“Kung hindi ako magiging makulit, hindi ko makukuha ang gusto ko,” determinadong sagot ng babae na nagpabalik ng tingin niya sa mga mata nito. Tila may humalukay sa sikmura niya nang mabasa niya ang kislap sa mga mata ni Lauradia. Na tila ba sinasabi ng babae na hindi niya iyon maiintindihan dahil lumaki siyang nakukuha ang lahat ng bagay bago pa niya ma-realize na gusto niya iyon. “And I want you, Raiven, from the very first time I saw you,” anito sa mas mahinang tinig. Umisod pa palapit sa kanya ang babae at akmang hahawakan siya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ni Lauradia para pigilan ito.
Huminga siya nang malalim. He must get a grip of himself. Hindi na siya dapat mag-entertain ng ibang babae dahil may Julia na sa buhay niya. “Look, I already have a girlfriend, okay?” sa wakas ay sabi ni Raiven.
May kumislap sa mga mata nito. Hindi iyon pagkagulat. Was it pain? Saglit na bumaba ang tingin ng babae at ilang segundong hindi nagsalita bago tumingin uli sa kanya. “Can’t you break up with her?”
Tumawa siya nang pagak. “Of course I can’t. Julia is a very respectable woman. I will not break up with her just because of you.”
Lalong tumindi ang sakit sa mga mata ni Lauradia. Tumiim ang mga bagang ni Raiven dahil sa tingin niya ay sobra na ang mga sinabi niya. He felt a pang of guilt in his gut. Pero bakit ba siya magi-guilty kung totoo naman ang sinasabi niya?
“Okay,” sa wakas ay sagot ng babae. He was caught off guard. At bago pa siya makahuma ay bigla na lang siyang hinalikan ni Lauradia nang mariin sa mga labi. When Raiven felt her soft lips, his body automatically tingled with hot sensations. Pinilit niyang kontrolin ang sarili at hinawakan ito sa mga braso para ilayo sa kanya.
Pero hindi niya nagawa dahil tila sinilaban siya nang maramdaman niya ang makinis nitong balat. With a harsh curse in his mind, he found himself taking control of the kiss. Napasinghap ang babae na nagdulot ng kakaibang kasiyahan sa dibdib ni Raiven. Lalo niyang pinalalim ang halik at ninamnam ang mga labi nito. She tasted so sweet and hot he couldn’t stop kissing her. He never felt like this before, this strong urge to possess someone, to take his fill until she melted to him. Ni hindi niya iyon naramdaman kahit isang beses kay Julia.
Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang maalala ang kasintahan. Mabilis na inilayo niya ang sarili sa babae. Halos sabay pa silang dumilat. At tulad niya ay humihingal din ito. Ilang segundong nagtitigan lang sila bago siya napabuga ng hangin. “God dammit! Get out!” malakas na sabi ni Raiven. Nginangatngat siya ng guilt. Nagalit siya hindi kay Lauradia kundi sa sarili niya. Naghalo-halo na ang mga emosyong naramdaman niya. And he didn’t like it.
“You’re still going to ask her to marry you?” tanong ng babae.
“Yes! Now get out!” sigaw niya rito.
Muling bumakas ang sakit sa mga mata ni Lauradia na agad ding nawala. Sa isang iglap ay nawalan ng ekspresyon ang mukha nito. “Fine.” Iyon lang at mabilis nitong binuksan ang pinto ng kotse niya at lumabas. Walang lingon-likod na naglakad palayo ang babae. Ilang minuto nang nakaupo roon si Raiven nang napagtanto niya ang huling sinabi nito.
Paano nalaman ni Lauradia na magpo-propose siya nang kasal kay Julia? Pero dahil iniwan na siya ng babae ay hindi na niya malalaman ang sagot nito. Yet, his body was still humming with awareness of her. Nanggigigil na inuntog niya ang ulo sa manibela at marahas na napamura.