HINDI NA bumalik si Sandra sa bahay nila pagkatapos nang gabing iyon, pero nakatanggap din siya ng tawag kaagad galing kay Stella pagkalipas ng ilang araw. Katulad ni Sandra ay pinagalitan din siya ni Stella. Hindi rin ito makapaniwalang kay Sage niya ibinenta ang bahay. Pero bakit? Sage was her husband. Alam nila iyon, 'di ba? Pero bakit nila sinasabing ito ang may kasalanan sa aksidente niya, samantalang iba rin ang sinasabi ni Sage sa kanya? He always says she left him and it seemed he had no idea she had an accident two years ago. In fact, he didn't believe her. Hindi rin naman siguro magsisinungaling si Sage sa kanya, hindi ba? At sinabi rin ni Sharmaine na hindi na raw siya nagpakita sa kanila pagkatapos niyang umalis. So does that mean her sisters would lie to her? Sino ang pa