"LET'S GO." "Sage, sandali!" Sinubukan niyang pigilan si Sage pero huli na siya. Nakababa na ito ng sasakyan. Her heart was beating so fast and so hard. She could feel the irrepressible panic that was slowly rising inside her. Ayaw niyang bumaba. Ayaw niya talaga! Sage can't make her! Hindi siya aalis, dito lang siya sa loob ng kotse nito. Siguro ay umuwi na lang siya mag-isa. She scrambled to open the door. Bago pa siya makababa ay nakita niyang naglalakad na pabalik sa kotse si Sage. He stood in front of the hood of the car and crossed his arms, waiting for her. Inip na inip ang itsura nito. Bumaba siya at hinarap ang gumuguwardiya sa kanya. "Sage, ayokong pumasok sa loob," matapang na sabi niya rito. Salubong ang kilay nito sa sinabi niya. "Why not?" Because she's too darn nervou