Chapter Three

1974 Words
Chapter Three   Chastine Mae Figueroa o Chas sa karamihan. Pang-mayaman ang apelyido pero isang hamak na babae lamang. Twenty five. Taga-Taguig. Siya ang bagong babaeng papasok sa Game Room ng Pleasure Club.   "Sure ka na ba rito Chas? Pwede kitang ipasok sa company na pinagtatrabahuhan ko. Sabi ko naman sayo baka tanggapin ka don eh. Ang galing mo kahit undergrad ka lang. Ang bilis mong natuto sa mga itinuro ko sayo. You can hack sites. Hastler sa programming. Kailangan ka ng IT world." Paalis na siya ng bahay para pumunta sa Pleasure Club. Sinusubukan pa rin siyang pigilan ng kanyang matalik na kaibigan na si Dhazle.   Limang taong gulang palang si Chas ng maulilang lubos sa mga magulang.  Nakakariwasa pa sila sa buhay noon. May sasakyan. Umaangkat ng gulay ang mga ito sa Baguio at binababa sa Maynila. Doon din namatay ang mga ito ng mahulog ang sasakyan sa bangin sa Kenon Road.   Ang tiyahin niyang si Bebang ang nag-alaga sa kanya. Minahal siya nito na parang isang tunay na anak. Napamahal din siya rito. Napakabait nito sa kanya. Tulad niya ay may nag-iisa rin itong anak na babae na hindi naman malapit ang loob sa ina at tuluyang naglayas sa kanilang poder. Magmula noon ay silang dalawa na lamang ang naging magkakampi sa buhay.   Noong una'y naipagpatuloy pa ng kanyang tiya ang negosyo ng kanyang mga magulang hanggang sa iyo'y tuluyang malugi. Bago pa maubos ang pera ay nagpatayo sila ng computer shop na siya ang nagbabantay pagkagaling sa eskwela at tuwing weekends. Doon siya nahilig sa computer. Kaya naman ng makatuntong siya ng kolehiyo ay Information Technology ang kanyang kinuha. Doon niya nakilala si Dhazle. Matalino ito at tulad niya ay mahirap din.   Nang nasa ikalawang taon na sila ay halos pumasok na siya ng walang baon. Hindi naman ganon kahina ang computer shop pero mas binibigay luho lang ni tiya Bebang ang mga gusto ng tunay nitong anak. Hanggang sa tangayin nito ang lahat ng naipon ng kanyang tiya. Napilitan na siyang tumigil sa pag-aaral. Nag-full time na siya sa shop. Pero hindi tumigil na matuto. Lahat ng latest software at mga dapat nyang matutunan sa programming ay binibigay sa kanya ni Dhazle. Hanggang sa naging self-proclaimed expert na siya.   "Sure na Dhaz. Wala na akong choice. Ang lupit ng buhay sa amin ni tiya."   Nagpatayo na rin ng ilegal na pasugalan noon ang kanyang tiya. Kapit na sa patalim. Pero nanatili pa rin siya sa computer shop.   "Isa pa. Last na talaga to. Di na ako gagawa ng masama. Sayang naman ang ganda ko." Biro niya. Mayabang pero tunay naman kasi. Maraming nagsasabing maganda siya. Morena. Matangkad. Makinis. Maamo ang mukha. Sumasali na rin siya sa mga beauty contest sa barangay para kumita. Madalas naman ay nananalo siya.   "Yun na nga eh. Maganda ka. Mag-artista ka. Mag-apply kang secretary sa isang kumpanya kung sa tingin mo hindi ka matatanggap sa IT company na pinagtatrabahuhan ko. Maraming paraan Chas oh."   "Maraming paraan pero konti nalang ang panahon. Kailangan ng mag-start ng chemo ni Tiya. Malala ang ovarian cancer niya. Hindi niya deserved tong mga nangyayari sa kanya. Hindi Dhaz. Mabait si tiya. Mahal ko siya." Bigla nalang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Alam mo sa tingin ko kaya niya nakuha ang sakit niya dahil noon kapag mahina ang kita tapos may kailangan kami ng pimsan ko nagbebenta siya nh katawan. Palagi ko nong nakikitang may kung sinu-sinong lalaking pumapasok at lumalabas sa kwarto niya. Pero nagbubulag-bulagan ako. Dhaz... ginawa para samin ni tita yon. Magagawa ko pa bang pumila sa ABS-CBN, TV5 at GMA para hintaying maging artista ko o maghintay ng resulta ng application ko? Dati ko po sana yon ginawa di ba? Pero kuntento na kasi ako sa buhay ko. Nakakainis lang kasi parang ang lupit pa rin ng buhay para sa akin. Sa amin. Minsan ko lang ibebenta ang katawan ko Dhaz. Minsan lang. Instant winner na rin ako rito kung sakali. Hindi basta-basta ang game room ng Pleasure Club."   Napayakap nalang sa kanya ang kaibigan. Sabay silang umiyak. Kahit papano'y nabawasan ang sakit.   "Ngayon ko palang din inaahon sa kahirapan ang mga magulang ko. Kung may magagawa lang talaga ako para sayo Chas. Hindi mo na kailangang gawin to."   "Tama na nga. Okay lang ako. Mayamang lalaki ang gagalaw sa akin. Mga binata naman daw. Hilingin mo nalang na sana galante. Pumayag sa halagang hihilingin ko. At sana gwapo din para di naman sayang ang virginity ko."   "Gaga ka talaga. Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang lakas ng loob mong yan." Umalis sila sa pagkakayakap sa isa't-isa.   "Kay tiya." Matipid pero malaman niyang tugon. "Pano alis na ako?"   Hinigit siya nito. "Teka lang Chas. May kailangan kang malaman."   "Ano yon?"   "Nagbalik na sa Pinas ang first love mo. Official member na ng Razz si Paolo Maria. Hay, tandang-tanda ko pa kung paano ka mabaliw kaka-replay sa mga laro niya sa internet. Minsan kang naging football fanatic."   Bahagyang bumilis ang t***k ng kanyang puso. "Hayaan mo siya. Hindi naman kami magkikita nun. Anlaki ng Metro Manila at ng Pilipinas. Goodluck naman sa akin kung magkita pa kami."   "Oo na. Ang tanong lang dyan. Hindi man lang ba nag-skip a bit ang puso mo? Alelele..." panunukso nito na may kasama pang pagkiliti sa kanyang tagiliran.   "Huh? Ewan." Pagtanggi niya. "Correction lang ah. Pa-fall palang ako sa kanya. Hindi pa ako na-in love. Ang kakaiba lang sa amin ay yung kahit malayo kami ramdam ko siya na parang nandyan lang siya sa tabi ko. Yung pag-care niya. Yung pagpapasaya  niya sa akin. Yung pagbibigay niya ng oras para makapag-usap kami. Totoo lahat. Pero niloko ko siya." Napabuntong hininga siya ng matapos alalahanin ang masasayang sandali nila noon ni Paolo.   "Sayang no. If ever na maging kayo sana ay proof kayo na kayang mabuo ang true love in a far distance. Magkabilang dulo ng mundo. Lumusot sa mga laptop niyo yung love. Sinong mag-aakalang posible yun di ba?"   "Pero niloko ko siya. Dumating yung gagong pinagkakautangan ni tiya. Pinagsasaksak siya. Napuruhan. Muntik ng mamatay. Hindi na nahanap yung bwisit na lalaking yun. Sa kauna-unahang pagkakataon nanloko ako ng tao. Yung taong nagugustuhan ko pa. Spell gaga."   "C.H.A.S.T.I.N.E!" Sabay nilang bulalas.   "Tapos ngayon may ovarian cancer naman si tiya. After one year heto na naman kami. For the second time later may gagamitin na naman akong mayamang lalaki. So bad. I'm so bad. Sana matapos na agad ang araw na to. Sorry Lord. Sorry."   Na-search niya lang sa internet ang tungkol sa Pleasure Club. Isa ito sa mga lumabas nang i-type niya ang easy money for girls in the Philippines. Hindi nga siya makapaniwalang nag-eexist ang ganong klase ng club. Sinadya niya ng personal ang lugar upang malinawan. Namangha naman sa kanyang kagandahan ang inabutan niyang bading na namamahala sa club. Inalok siya kaagad nito na maging isa sa apat na babaeng mapapasama sa Game of Pleasure. Noong una'y nagdadalawang isip siya pero lumabas na ang resulta ng mga pagsusuri sa kanyang Tiya Bebang. Kailangan na nitong sumailalim sa matinding gamutan sa lalong madalimg panahon.   Natapos sa isa pang mahigpit na yakap ang pag-uusap nilang magkaibigan. Humayo siya na may matinding kaba sa kanyang dibdib.   .........   Pagdating sa Pleasure club ay parang isang normal na pang mayamang club lang ito. The drinks. The party people. The sound. The place itself. Everything about it.   "It was good. What can I say? Nice club. Uminom nalang tayo!" Komento ni Paolo.   "Mayamang Chinese named Mr. Chen daw ang may-ari nito bro."   "I see. Kaya pala kahit may pa-game room to hindi agad mahuhuli. Maparaan yang mga Chinese na yan."   "At mamaya dito ka mabibinyagan! Kakaibang pagbibinyag ang handog ng club na to bro. Worth it! Mark my word bro! Worth it!" Tukso ni Dion.        "Kung mabubunot."   Uminom na muna sila ng kaunti at saka nakipag-party sa mga naroon. Sa loob niya ay paano kaya kung siya ang makipaglaro sa Game of Pleasure? Wala siyang larong uurungan. Walang labang aatrasan lalo na kung pleasure ang usapan. He was Paolo Maria Punzalan. Football player and certified playboy na maingat. Kailangan kasama ang maingat. Mahirap na. Siya lang dapat ang naglalaro.   Okay lang sa kanya na pumunta sa mga mamahaling club na ganito. Alam naman niyang hindi maglalabasan ng baho ang tao rito dahil magkakaantas lang sila ng buhay at pare-parehong hanap na makapagpasarap kahit na papano. That was given. Lahat ng nangyayari sa club ay naiiwan din don.        "Are you ready to hear the names who will be in our first batch, guys?"   Napahinto si Paolo sa marahang pag-indayog at paglagok ng brandy ng magsalita na ang emcee. Excited siya para sa mga mabubunot na pangalan. Sa dami ng mga lalaking naroon ay hindi na siya umaasa.   "What do you think bro? Lucky night mo kayo to?" Anas ni Dion.   "Malas ako sa bunutan eh. I don't think so. Don't worry sa tingin ko naman makakapag-uwi pa rin ako ng babae kahit na hindi ako mabunot."   "Yeah right. Ikaw pa ba?" Saka nito inabot ang isang maliit na itim na bag. "Cash yan bro. If ever na mabunot ka. Kasama nga pala dyan yung sukli mo sa sports car at condo kaya wag ka ng mag-abalang magbayad kung sakali."   "Thanks bro! But I can't feel it, di ako mabubunot." Pero sa loob niya ay gusto niya. Ibang klaseng karanasan yon kung sakali.                 "And the first lucky man was no other than, Mr. Dunhill Feiro Mondragon!"         Nasa balita kanina ang lalaking unang tinawag. Tama siya. Playboy din ito tulad niya.        "Sasamahan naman siya sa listahan ni Mr. Triv Sauler!" Pagpapatuloy ng emcee.   "Isa pang playboy. Sinuswerte yang mga negosyanteng yan ah." Sambit niya.   Sa ikatlong pagkakataon ay dumukot na sa glass bowl ang emcee. Binuksan nito ang nakabilot na papel. "Oh, this is also great." Tila namangha ito sa nakitang pangalan na nakasulat sa kapirasong papel. "And our third lucky guy was no other one..." nambitin pa ito. "Mr. Sam Walker!"   "At may reunion talaga ang mga businessman dito ah. Dito na pala ang meeting nila ngayon." Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Malas talaga siya sa bunutan.   "Oh my God! So he's here! Malamang nga naandito siya." Tila hindi na naman makapaniwala ang host sa pangalan sa papel. "Last but definitely not the least is Paolo Maria Punzalan."   "Bloody hell. That was me!" Bulalas niya.   "Yes bro! Lucky night mo!"   Agad namang lumapit ang isang magandang babaeng magga-guide sa kanya. Iyon palang pwede na, ano pa kaya ang nasa loob ng game room.   Sa isang pribadong kwarto siya nito dinala kung saan naroon ang tatlong naunang tinawag. Mainit naman siyang binati at kinamayan nila Dunhill, Triv at Sam. Pare-pareho silang may dalang bag na malamang ay naglalaman ng cash. Bayad sa club at paunang bayad sa mga babae.   "Nice to meet you brothers! I saw the three of you kanina sa business news. What a coincidence right?" Pagbibiro niya.          Hindi na sila gaanong nakapag-usap dahil isa pang babae ang pumasok. Ipinaliwanag nito sa kanila ang mga patakaran ng laro. Ang perang dala nila ay dalawang oras na ligaya lamang ang katumbas. Pwede silang umalis kung hindi nila magustuhan ang babae at ganon din ang mga 'to sa kanila.        May mga palayaw na ibinigay sa mga babaeng nasa loob ng kwarto. Naunang pumili ang tatlo kaya ang natira nalang ang sa kanya. Pagkabasa niya sa pangalan ng naiwan sa kanya ay halos mapaigtas siya.        Hinatid na sila sa second floor ng club. Napakatahimik ng pasilyo. Soundproof ang palapag na yon. Walang bakas ng ingay sa ibaba. Sa huling kwarto siya dinala. May maliit na butas aa pinto kung saan sila makakapag-usap ng babae.   Kumatok siya na may halong pananabik. Hindi na siya makapaghintay na malaman kung sino ang babaeng nasa loob at ang nasa likod ng code name nito.   "Chase Morena? Are you there?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD