Since I am not really a fan of high heels, it makes my life easier. Medyo maputik kasi rito sa compound nina Nash at halos wala akong makitang sementadong kalsada. Umambon pa naman kaninang umaga kaya sobrang putik talaga ng lugar.
Hindi ko naman masisisi dahil nasa Pilipinas ako. Parang milagro na lang kung umaraw. Minsan nga ay umuulan pa rin kahit tirik ang araw. They said that whenever it does, may kinakasal daw na bakulaw. Filipinos are really weird sometimes, kahit na Filipino rin naman ako. I just grew up in the States until my college years.
I am wearing my black rubber shoes, a pair of jeans and a yellow blouse. I tried my best not to dirty my shoes. Tumapak ako sa damo, o kahit anong bato na makita ko pero hindi talaga maiwasang hindi madumihan. Kaya naman sa huli, hinayaan ko na lang din.
I walk at the place nonchalantly. Agad kong natanaw ang mga tropa ni Nash. Some of them are already leaving, but like what I asked of Lucas, hindi niya iniwan si Nash hangga’t wala ako.
“Ms. Architect!” bati sa ‘kin ng isa sa mga kaibigan ni Nash. His name is Jackson, and the other carrying him is Hector.
“Hello, Arkitekto!” bati rin naman ni Hector.
I smiled at them and said, “Mga lasing na kayo. Go straight home, okay? Huwag nang magbulakbol dahil madilim na.”
Like the usual, nag-salute silang dalawa sa ‘kin bago umalis. They really like calling me Architect, o hindi kaya naman Ms. Architect and Arkitekto. I do not really know why, but it does not matter to me. Kung saan sila komportable ay roon din ako.
The place is dark now dahil halos buong araw kaming naghahanap kay Lucas. Hindi naman kasi siya madalas tumambay rito maliban sa mga tropa niya. Mostly, they hang out here when there is a celebration. Pero sa pagkakaalala ko, wala namang may birthday sa mga tagarito.
“Ms. Nathalie!” At ito na naman ang nakabibingaw na boses ni Lucas. Kahit na malayo na ako sa kaniya ay para pa ring masisira ang eardrums ko sa lakas ng boses niya.
“Thank you, Lucas. Lasing na lasing ba?”
Tiningnan niya ito sa kaniyang likuran bago ibinalik ang tingin sa ‘kin. “Nakadukmo na siya sa lamesa. Kung hindi pa ‘to lasing, eh, ewan ko na lang.”
I giggled. “Thank you again. I will take it from here. You can go home now.”
He saluted before leaving. Pasuray-suray pa siya sa paglalakad pero mukhang kumpara sa mga tropa niya ay siya na ang pinakamatino. After years of hanging out with these guys, I know that he has the highest tolerance in alcohol.
Binaling ko ang tingin sa kaibigan kong gaya ng sabi ni Lucas ay nakadukmo ang mukha sa mesa. His lips are slightly open, and it looks like he has been sleeping for a while now. Lasing ba ‘to o tulog lang? Pero kung sabagay, kahit noon pa lang ay hindi naman na talaga siya umiinom nang grabe. Unlike Lucas, mahina siya sa alcohol.
Lumapit ako sa kaniya at niyugyog ang balikat niya. Like expected, he did not respond. Ni hindi nga siya naalimpungatan man lang.
I did not have a choice but to grab him by the arm. Inalalayan ko siyang makatayo para maihatid ko na siya sa bahay nila. He is heavy, pero kaya ko naman siyang buhatin. It was a good thing he woke up a little later.
“Nat?” tanong niya, inaaninaw ang mukha ko dahil medyo madilim dito sa tambayan nila. Maliit na bumbilya lang kasi ang gamit nila at mayroon lang katol para ipampatay sa mga lamok.
“Yeah, it is me. Your ever so caring best friend.”
“Anong ginagawa mo rito?”
“Sinusundo ka?” patanong na sagot ko. Sinubukan ko siyang hilahin patayo pero nagmatigas siya. “Nash, let us get you home, okay? Lasing ka na at kailangan mong mahimasmasan bago umuwi. Amanda will not just scold you, but she will scold me too.”
“I am not drunk,” he whispered.
Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya nito dahil halata namang lasing siya. His eyes ere unfocused now. He reeks of alcohol, and his ears are so red.
“Just stay quiet and let me get you to your house.” Hinili ko ulit siya pero muli siyang nagmatigas. “Nash, ano ba?” bulalas ko.
Nang hindi pa rin siya gumalaw sa kinauupuan niya ay sinamaan ko na siya ng tingin. But I was taken aback when I realized that he was staring at me intently.
Nakatingala siya sa ‘kin, and his eyes were focused on mine now. And what is it? Bakit parang nagmamakaawa siya. Or is it sadness? I am not sure. Hindi ako magaling magbasa ng ekspresyon ng isang tao. Even if this is Nash I am talking about, I still can’t get him sometimes. And this is one of the events na hindi ko siya maintindihan.
“What, Nash?” tanong ko. “I am not Madang Auring. I can’t guess what is inside your head if you do not tell me.”
I thought he is not going to answer, but what he said next made my heart pump so fast for some reason. “Pakakasalan mo ba talaga ‘yong lalaking ‘yon?”
I gaped. Kinailangan ko pang huminga nang malalim bago sumagot dahil nawalan yata ako ng oxygen sandali. “I am not. It is just a deal, but you do not need to hear it now. You need to sober up before I tell you the details.”
Hindi siya sumagot. Nakatitig pa rin siya sa ‘kin kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Is that why you are acting weird? Is it not because you are dealing with something else?”
Imbis na sumagot, he grabs one of my hands. Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa niya. He gently squeezes it, and I swear, things are getting weirder and weirder.
He is not the Nash that I know. Nash will not do this to me. He is not a sweet guy! Especially not to me. Mas gusto ko sa tuwing minumura niya ako sa kabaliwan ko at sa mga pinagsasabi ko. I prefer that rather than this. He is making my heart beats faster, and it is making me uneasy.
“Please,” he whispered.
“Please, what?” I asked, kahit na kinakabahan ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.
"Huwag mo siyang pakakasalan."
What the hell is happening to my best friend?