I had just graduated college when I first met Nash. If I remember it corrected, senior high school pa lang siya noon. He is not a well-behaved student as well. In fact, lagi siyang nasasangkot sa gulo. Typical high schooler nowadays.
After I graduated, nakilala ko ang nanay niya, si Amanda Dela Cruz. We both met at a charity shelter dahil pareho kaming mahilig tumulong in any way we can. Isa siya sa mga naka-close ko roon without really knowing who I am.
Halos matatanda na rin kasi ang naroon at siya na lang ang pinakabata. Of course, bukod sa ‘kin na nag-iisang halos ka-ga-graduate lang.
That is the start of our friendship.
Isa sa mga natutunan ko while growing up, walang mali sa pakikipagkaibigan sa kahit anong edad. If you are friends with someone older than you, no problem. If you are friends with someone younger than you, wala rin namang problema. At napatunayan ko ‘yon nang makilala ang pamilya nila.
One time, after service, niyaya ako ni Amanda sa bahay nila para kumain. Birthday niya noon at nais niyang mag-celebrate kami sa bahay nila. At doon ko na nakilala si Nash at ang nakababata niyang kapatid na si Nica.
Nica is the friendly type. Kahit kanino mo siya ipakilala ay talagang nag-ki-click na lang sila basta. Same goes for me. Ang dami agad naming napag-usapan kahit na kakakilala pa lang namin sa isa’t isa. But not Nash, though. He is that tough teenager, who acts like he is so cool.
Una pa lang, pakiramdam ko ay hindi kami magkakasundo. Ang ayoko talaga sa lahat ay iyong ganito umasta. Iyong ang bata-bata pa ay akala mo kaya na niyang buhayin ang sarili niya. Ito ang ayoko sa mga kabataan lately. Masyado nang mataas ang tingin sa mga sarili. Hindi na halos nakikinig sa mga magulang nila.
But as time goes by, habang tumatagal ang pakikihalubilo ko sa kanilang pamilya ay mas nakilala ko sila. Lalo na si Nash. He doesn’t act tough. He is tough. At a young age, siya na ang bumubuhay sa pamilya niya. At least tumutulong na siya sa kaniyang pamilya sa abot ng makakaya niya.
At a young age, nagtatrabaho na siya para matulungan ang pamilya niya. Siya na rin ang gumagastos sa pag-aaral niya para ang aalalahanin na lang ni Amanda ay ang gastusin sa bahay.
And I can’t help but salute him because of that.
Hindi naman kasi ako lumaki gaya nila. My parents don’t have a problem with money lalo na at nag-iisang anak lang naman ako. We aren’t really that rich either. May kaya lang kami. Pero dahil doon, late ko na natutunang magtrabaho para sa sarili ko. I only learned about it when I was on my fifth year at malapit na akong gr-um-aduate.
But that is not really the reason kung bakit naging malapit kami sa isa’t isa. I still believe at my first impression that we will not get along well because our personalities are so different.
I just happened to discover one of his secrets.
We just finished a meeting at a restaurant with my colleagues. Pauwi na sana kami noon when I saw him. He was not alone, though. He was with a bunch of guys who didn’t really look trustworthy. I don’t usually judge people by their physical appearance, but I can’t help it. Hindi kasi sila iyong tipo ng mga taong naisip kong kakaibiganin ni Nash.
Yes, he looks the tough guy that he is. Pero ang nasa isip ko, ang mga uri ng kaibigan na mayroon siya ay iyong mga naghahari-harian sa school. Kasi sa totoo lang, may itsura si Nash. He looks like the guy na pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
But these guys’ ears are full of piercings, as in, there is no place for a new one already. Miski ang kilay, ilong at labi nila ay may iba’t ibang uri ng hikaw. Round ones, pointed ones, and I swear I saw a chain connected to the piercings on the lips to his ears with one of them.
Mga nakasando rin sila kaya kitang-kita ko ang mga tattoo nila sa katawan na para bang ginawa nilang coloring book iyon. I just can’t imagine how much it hurts.
Bilang concerned citizen, at sige na, bilang isang chismosa, sinundan ko sila. I am not really scared with the likes of them since I can protect myself. Para saan pa ang na-achieve kong black belt noong high school kung hindi ko gagamitin sa mga ganitong pagkakataon?
Kung nakikihalubilo si Nash sa mga ganitong klase ng mga tao, kailangan kong siguraduhin. At kailangan ko ring sabihin kay Amanda na he is hanging out with the wrong bunch. Baka mamaya ay nagdodroga na pala siya at kung ano pang masamang gawain. His mom will not like it, for sure.
Sumilip muna ako nang pumasok sila sa isang eskinita. Muli akong nagtago nang magawi ang tingin ng isa sa kanila sa pwesto ko. That alone gives me the impression that they are really up to no good.
What the hell are you doing with those bunch, Nash? sa isip-isip ko.
“Nasaan na, P’re?” tanong ng isang lalaki na may chain sa mga piercing niya. Bahagya siyang lumapit kay Nash kaya mas tinalasan ko ang pandinig ko. Medyo bumubulong na kasi siya.
“Wala pa ‘kong pera. Katatanggap lang sa ‘kin sa trabaho na nakita ko. Bigyan mo pa ‘ko ng ilang linggo.” Surprisingly, kalmado ang boses ni Nash na para bang hindi siya natatakot sa kanila. Halos lima rin kasi silang kasama niya roon.
Natawa naman ang lalaki na sinundan ng mga kasamahan niya. Binalik niya ang atensyon kay Nash at sinimulang hampasin ang pisngi nang mahina. “Nash, Nash, Nash…”
Napakuyom ako ng palad dahil sa ginagawa niya. It looks like it doesn’t hurt, pero nakakainis pa rin kaya sa tuwing may humahampas sa pisngi ko gaya ng ginagawa niya. I will definitely snap if it is me in his place.
“Isang linggo,” ani lalaki, “iyon lang ang maibibigay ko sa ‘yo. Pagkatapos ng isang linggo at wala ka pa ring maibigay, alam mo na kung ano ang mangyayari sa pamilya mo.”
And for the first time, nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Nash. “Huwag mong idadamay ang pamilya ko rito!” bulalas niya sabay tulak sa lalaki.
Agad naman siyang hinawakan ng dalawa sa mga lalaki upang hindi siya makasugod. I almost step forward and stop them, but I restrain myself. Sa oras na may gawin silang hindi maganda kay Nash, doon lang ako sisingit.
“Huwag kang mag-alala, Nash.” Tinapik pa ng lalaki ang balikat ni Nash. Siya yata ang leader ng mumunting grupo nila. “Hindi naman kami ganoon kasama, tatakutin lang namin. Pero isipin mo ‘to, hindi mo na kailangang alalahanin pa ang maaaring mangyari sa pamilya mo kung babayaran mo agad ang inutang mo. Sinisingil ka lang naman namin sa inutang mo, ‘di ba, guys?”
Nagtanguan naman ang mga kasamahan niya. Hindi naman iyon naging sapat para kumalma si Nash. Pero hindi gaya kanina, medyo kalmado pa siya.
So, that is what’s happening here. Siya naman pala ang may kasalanan. But what these guys are doing is not acceptable, no matter what they say. They are threatening Nash already with his family.
I am starting to wonder how much he owes them, at bakit kailangan niyang mangutang sa mga lalaking ‘to. Hindi man kami close, pwede naman siya sa ‘kin mangutang. Hindi ko pa siya tatakutin nang ganito. Plus, his mom and I are friends. I am willing to help them kung kailangan talaga.
“Ibibigay ko sa inyo,” halos bulong ni Nash, “pero please, huwag niyong pakikialaman ang pamilya ko. Ako ang nangutang sa inyo, hindi sila.”
“Basta ay nagkakaintindihan tayo, P’re. Wala kang ibang aalalahanin.” Hinampas pa niya ulit ang pisngi ni Nash bago umalis. This time, medyo malakas na iyon.
Muli akong nagtago nang maglakad sila patungo sa dereksyon ko pero huli na ang lahat. Sumipol ang isa sa kanila sa gawi ko. It was a good thing he didn’t do anything with me. Pero dahil sa ginawa niya ay nalaman ni Nash na naroon ako.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
And I swear, his gaze is shooting fire.