When I first experience this kind of feeling, hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. It was like I was looking for it all the time; it was starting to feel like an addiction. Hindi ko inakalang mararamdaman ko ang bagay na ‘yon na akala ko ay hindi mangyayari.
Sa tuwing napanonood ko ang ibang mga babae sa pelikula na nababaliw sa tuwing ginagawa ng mga lalaki ang mga makamundong bagay na iyon sa kanila, hindi ko maiwasang hindi mapangiwi. Nagtataka ako kung bakit ganoon. Parang masyadong hindi kapani-paniwala ang mga reaksyon nila. It feels cringey.
But then, Sebastian and I did it. At first, ayoko. Call me old-fashioned, but I only want to do it with the person I am married to, and with the person I love. Gusto kong maranasan iyon sa unang pagkakataon sa honeymoon namin ng mapapangasawa ko. And now, I am thirty-six, not getting any younger.
Mukhang hindi na mangyayari ang mga bagay na pinangarap ko noong high school pa lang ako. Gusto kong makatanggap ng sweet proposal after a dinner date, masurpresa ng boyfriend ko at ng magiging asawa ko kahit na may mga anak na kami.
I was once a hopeless romantic girl. And as I got older, I realized that it wasn’t that important. As long as I am happy, ayos na ako.
As I stared at the ceiling, clenching the bed sheet and the blanket hard, I can’t stop myself from crying. Agad kong pinalis ang luha na sunod-sunod na tumulo sa pisngi ko pero hindi pa rin sila tumitigil.
I am thirty-six, gorgeous, sexy, and wealthy. Nasa akin na halos ang lahat. Ang dami kong sinakripisyo noon para lang makamit ang kung ano ang mayroon ako ngayon. Pero bakit ang bigat pa rin ng loob ko? Why am I not content with what I have?
Why am I still not happy?
Tiningnan ko ang higaan sa tabi ko at mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa unan. Hindi ko na naabutan pa si Erick kaya sa tingin ko ay may importante siyang gagawin. Mas importanteng bagay kumpara sa babaeng kailangan niya lang para makuha ang kompanya niya.
Umupo ako sa kama at paulit-ulit na huminga nang malalim. Pinakalma ko ang sarili bago tumayo at dumeretso sa banyo.
Hindi ito ang tamang oras para magdrama kung gaano kalungkot ang buhay ko. Malungkot man ako ngayon, patuloy pa rin ang ikot ng mundo. Hindi ‘to hihinto para sa ‘kin. If I won’t snap out of it, I will be left behind. May mga bagay rin akong kailangang gawin sa araw na ito, at ang una ay makausap ko si Nash.
I took a warm bath at the bathroom using the scents that the bar offers. It smelled surprisingly good and calming. Napatagal tuloy masyado ang pagbabad ko sa loob kumpara sa inaasahan.
When I was finished, nagbanlaw na ako at nagpunas. Habang pinagmamasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ay roon ko lang napagtantong may mga pasa pala ako sa katawan. Mostly my shoulder and my shoulder blades.
Mabuti na lang at may dala akong almst closed neck na sleeveless shirt. Papatungan ko na lang din ng scarf kapag nasa loob na ako ng office since malamig naman sa loob. Kapag lumabas nga lang ako, the heat would surely kill me.
Nang maayos ko ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto. The bar from last night transformed into a decent bar. Well, mukha na siyang restaurant o inn sa paningin ko, not a bar. Parang hindi ito iyong maingay na lugar na pinuntahan ko kagabi. Even the bartender is not the guy from last night. Babae na ang naroon na nakasuot ng white shirt na pinatungan ng apron.
Imbis na magtagal pa ay nag-take out na lang ako ng breakfast ko para sa sasakyan kainin. I am already too late to waste any more time here. Paniguradong nagpupuyos na sa galit si Nash dahil wala pa ako sa office.
Not that I expect him to be there first thing in the morning. Pero nagbabaka sakali lang ako. I am still hoping that he cares about me and what happened to me last night. Kung may konsensiya pa siya sa pag-iwan niya sa ‘kin kagabi, he will be there.
When I got to my company, my secretary, Ms. Julianne Zamora, is waiting for me outside.
She smiled at me and greeted, “Good morning, Architect Shatzer.” I greeted her back and waited for my schedule for the day. “Mr. Smith is inside. Inutusan niya po akong i-clear ang schedule mo for today pero hinintay pa rin po kita for confirmation.”
“Mr. Smith?” mahinang tanong ko, inaalala ko sino ang tinutukoy niya.
“Mr. Erick Smith of Synergy Architectural Firm is inside po.” Ayon sa matamis niyang pagkakangiti, mayroon na siyang ideya kung sino si Erick sa buhay ko. At least what I think she must think.
“Thank you. I will tell you what I want to do later. Don’t cancel anything yet.”
“Okay, Ma’am.”
Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa office ko. Gaya ng sabi ng secretary ko, he was inside, waiting for me. May mainit na kape sa table na kaharap niya habang nakadekwatro ang mga binti. Mukhang narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya agad siyang napatingin sa dereksyon ko.
“Architect!” bati niya sa ‘kin. Bahagyang mataas ang boses na para bang sabik siya sa kung saan. I don’t know, and I feel like I don’t want to know.
“Hello, Mr. Smith. What brought you here?” Lumapit ako sa kaniya at sinubukan siyang kamayan ngunit iba ang plano niya.
He grabs me, and kisses me on my lips, then he smiles from ear to ear. “I am here for my fiancé, of course.”
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. His voice was also extra loud na para bang gusto niyang iparinig sa lahat ang sinabi niya. I suddenly feel uneasy.
“What are you doing?” I asked.
He smiles again, then he places his lips on my ears before whispering, “It will be best for other people to know that we have a relationship. I don’t want to surprise my uncle with a sudden fiancé. He will be suspicious about it.”
Napatango-tango naman ako. I guess the deal is on now, and I don’t have to hold back. Kaya naman pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at saka ngumiti sa kaniya.
“Thank you for visiting, My Love.” Halos pukpukin ko ang sarili ko dahil sa naisip kong endearment. I should have thought something a while ago.
“Oh, before I forget.” He grabbed something from the chair he was sitting on a while ago and handed it to me. “Flowers for you.”
I grinned. This time, it was real. Gustong-gusto ko talaga sa tuwing nakatatanggap ako ng bulaklak. Sebastian did, but he stopped after a year. Kaya ngayon na lang ulit ako nakatanggap. At sobrang na-miss ko ang pakiramdam.
“Thank you!” I kissed him on the cheeks, even though no one can really see us right now. But I guess someone is here.
“Congratulations!” bati ng bagong dating gamit ang matigas niyang ingles.
Sabay kaming napalingon ni Erick sa bagong dating at napaawang na lang ang bibig ko. “Nash, what are you doing here?”
And I swear I saw the strange look on his eyes. Is that hurt? Why is he hurt? I should be the one who must feel hurt, though.