Chapter- 6

2137 Words
5 years later . . . NADINE Moran is a successful architect hindi lang sa US kundi gano’n din sa Europa at Asya. Kailangan niyang mag-decide kung iiwan niya pansamantala ang career dahil kinailangan niyang bumalik ng Pilipinas para pamahalaan ang naiwang negosyo ng kanyang kaisa-isang tiyahin. She died a month ago at kailangan na niyang mag-decide, otherwise posibleng mapunta sa orphanage ang mga ari-arian nito. Isang pang term ang kailangan niya bago niya ma-claim ang multimillion dollars na iniwan nito sa mga bank account niya. Kailangan niya ring may mai-present na asawa. At hindi lang basta asawa. Nakasaad sa terms and conditions na ikakasal lang siya sa ama ng kanyang mga anak. Masakit ang ulo ni Nadine sa problemang kinahaharap. Sa laki ng iniwang mana ng kanyang auntie sa kanya, kahit hindi na siya magtrabaho ay maginhawa ang buhay nilang mag-iina. But how she can claim it kung ang terms and conditions ay napakaimposible naman yata. Bakit iyon pa ang nakalagay sa last will and testament ng kanyang tiyahin? Ang nakakainis pa ay limited ang time; just six months after she died. Halos apat na buwan na lang ang natitira at maiksi lang ang panahong iyon kaya kailangan na niyang kumilos. Agad siyang nag-file ng three months vacation pero hindi siya pinayagan. Just two months is enough, iyon ang sagot ng kanyang boss. Ilang beses siyang nakiusap dito pero hindi talaga puwede dahil sa kanya nakasalalay ang malalaking contractor na umaasa sa kanila. Agad na lumipad ng Pilipinas ang mag-iina. The twins are over four years old at dahil hindi sila ordinaryong na mga bata, nasa dugo na nila ang pagiging matatalino at palaban. Kahit sa batang edad ay magaling na ang mga ito sa conversation lalo pa at ang mommy nila ang involve. Marunong na rin silang makipag-away lalo at tungkol sa mommy nila. Ipagtatanggol ng mga ito ang ina kagaya na lang ngayon. “Hey, b***h!” “Excuse me, Ms. Pangit! My mom is not a b***h! She is a famous architect in the...” “Kids, let’s go. Don’t waste your time for this nonsense.” Saka niya pinagtaasan ng kilay ang babae. Halos hubad na ang katawan nito sa iksi at lalim ng suot nitong dress at halos hindi na matakpan ang dibdib nito. Nakapila sila sa luggage claim area at sa kagustuhang sumingit ni Ms. Pangit ay tinawag ba namang b***h ang pinakamamahal na ina. Nanghahaba ang nguso ni Vince Nyds at Vency Nhads sa inis sa mga pasahero na gustong agawin ang kanilang kinatatayuan. Kung bakit naman kasi napakaraming pasaherong gustong mag-claim ng bagahe. Gustong matawa ni Nadine sa mga anak dahil sa kasungitan ng mga ito; manang-mana talaga sa ama ang dalawang bata. Halos isang oras din bago nila natapos makuha ang apat na malalaking maleta. Sinundo sila ng family lawyer ng kanyang auntie at agad silang inihatid nito sa mansiyon nito sa Greenbelt. “Ma’am, please rest. Bukas na natin i-discuss ang last will and testament ng auntie mo.” Nagpasalamat agad si Nadine at agad na umalis na ang abogado. Ilang kasambahay ang sumalubong sa kanila. “Ma’am Nadine, welcome back po,” pagbati ng may-edad na babae. Agad naman niyang nginitian ito. “Ito na ba ang mga anak mo?” “Yes, manang.” “O siya, magpahinga muna kayo at ipapatawag ko na lang kayo ’pag ready na ang dinner.” “Thanks, manang.” *** KINABUKASAN, maagang dumating ang abogado. “Sa library po tayo, attorney.” Agad namang tumalima ito. Habang binabasa ang buong testament ay halos manlumo siya sa kabuuan niyon. Gaya ng nasabi na ng abogado ay iyon din ang nakasaad doon. “See you before the end of the terms and conditions, hija.” Saka ito magalang na nagpaalam sa kanya. Ngayon, saan niya hahanapin si Lath Montemayor at akala ba niya ay papayag ito? Mula pa noon ay alam na niyang wala sa bokabularyo nito ang salitang commitment, kasal pa kaya? Para siyang papasok sa butas ng karayom bago niya siguro ito mapapayag. Gusto niyang sisihin ang kanyang tiyahin pero ano pa nga ba? Wala na ito at hindi na mababago ang nakasaad sa will nito. Wala siyang choice kaya naman humingi siya ng appointment sa airline company na itinayo ng pamangkin nitong si JB Montemayor. Hindi naman siya nahirapan. Nang mai-forward niya ang buong pangalan niya ay agad itong nagbigay ng appointment sa kanya. Kinabukasan din ay nagtungong sa opisina nito si Nadine kasama ang kanyang twins. Wala na siyang oras at wala siyang choice. Kailangan niya ang tulong ng kanyang twins. Sa totoo lang, wala siyang plano na ipakilala ang mga ito sa ama nito o sa mga Montemayor pero wala siyang pagpipilian. “Ma’am Moran, pasok na po kayo. Nahihintay na si Sir JB sa inyo,” ngiti ng secretary nito sa kanya. “Sige, salamat.” “Hi, Ms. Moran. How are you?” Sabay lahad ng kamay ni JB sa kanya nang makapasok siya sa opisina nito. Agad naman niyang tinanggap iyon. “How can i help you, Ms. Moran?” Napatingin si JB sa dalawang cute na batang lalaki, nakatayo lang sa gilid ng ina at nanatiling tahimik ang dalawang bata. “Ah, this are my son, Vince and Vency. Kids, say hello to Uncle JB.” “Hello po, Uncle namin.” Natawa si JB sa dalawa hindi lang sa pagka-slang ng mga ito na mag-Tagalog. Ang pagiging malambing din ng mga ito ang nakatawag-pansin sa kanya.  “So, may maitutulong ba ako sa inyong mag-iina or willing ka nang magtrabaho sa akin?” “I want your help.” Ikinuwento niya rito ang lahat. Halos manlaki naman ang mga mata nito at hindi makapaniwala. “So, saan ko siya puwedeng makita at makausap?” “Not sure, Ms. Moran.” “Call me Nadine, please.” “Okay, Nadine. Hindi siya gano’n kadaling makausap. Alam mo na, palaging hectic ang schedule ng pinsan kong iyon. Siya kasi ang nag-iisang humahawak ng mga problema sa lahat ng company. But don’t worry, I will try to reach him as soon as possible.”  Matapos silang makapagpaalam ay agad silang umalis kahit ayaw pa silang paalisin ni JB. Gusto nitong yayain silang kumain sa labas at ipasyal ang mga bata pero tinaggihan niya ito. Alam niya kung gaano ito ka-busy sa opisina. *** DALAWANG linggo na ang nakalipas mula nang makausap ni Nadine si JB pero until now ay walang balita mula rito. Parang nanghihinang napaupo siya nang biglang nag-flash sa CNN News ang larawan ni Lath Montemayor at ang seksing babaeng katabi nito sa isang party last night. Masakit pa rin na makita niyang may kasamang ibang babae ito. ‘Hello, Nadine. Wala kang karapatang masaktan. Una, wala ka sa kalingkingan ng mga babaeng ’yan. Saka ikaw ang may gusto kaya ka naanakan ka ng isang casanova.’ Sinaway siya ng sariling isipan. Iniwasan na lang niyang manood ng mga balita o magbukas ng YouTube  o magbasa sa social media. Masasaktan lang siya dahil sa kabi-kabilang mga nagkalat na larawan ng binata. Isang magazine ang pumukaw ng atensiyon niya habang nasa loob siya ng isang sikat na salon sa Makati. Hawak ng anak niya ang magazine habang titig na titig ang bata sa larawan ni Lath Montemayor na nasa cover ng Forbes magazine.” “Kuya!” tawag-pansin ni Vency rito na ikinalingon nito. “Look at this man, he has the same eyes as ours.” Kakaiba ang kulay ng kanilang mga mata na gray green na agad mapapansing pagkakapareho nila sa lalaki sa cover. Bihira ang matang iyon kaya siguro hindi iyon nakalampas sa paningin ng dalawang bata. Inabot ni Nadine iyon saka binasa at halos mabitiwan niya iyon. “Lath Vincent dela Fuente-Montemayor, soon to be engage.” “No!” napalakas niyang sambit na ikinalingon ng magkapatid, gano’n din ng ilang customer sa salon. Nang matapos silang mag-iina ay bigla ang desisyong nabuo sa isipan ni Nadine. Bahala na kung magalit si Lath sa gagawin niya. Kahit sakalin pa siya nito pagkatapos ay tatanggapin niya. Desperada na siya. Nagpatawag ng sikat na reporter si Nadine sa mansiyon. Kailangan niyang mapigilan ang gagawing pakikipag-engage ni Lath. *** KINAGABIHAN after dinner, natutok ang camera kay Nadine. “I'm Architect Nadine Moran, 27 years old. A mother to twin boys namely Vince Nhads and Vency Nhyds, 4 years of age. We are here to congratulate the beloved lawyer, Mr. Lath Vincent dela Funte Montemayor. The father of my twins.” “F*ck!” Napatayo si Lath nang mapanood ang flash report. Sa halip na ipagpatuloy ang panonood ay in-off niya ang TV. Alam niyang ilang minuto lang ay uulanin ang phone niya ng tawag at hindi nga siya nagkamali. Walang-tigil sa katutunog ang phone niya sa mga call at messages na nagpapasukan doon. “What the heck!” Ano’ng gustong palabasin ng babaeng iyon? Sino kaya ang malaking taong nasa likod nito para sirain ang pangalan niya? Ang lakas ng loob ng babaeng ito na magpa-interview. Para lang sirain ang reputasyon niya. Nakuyom niya ang kamao saka tinawagan ang kanyang bodyguard. “We are going to the Philippines tonight . . .” “Pero, sir, may appointment ka . . .” “Cancel it!” Malakas ang boses niya na pati muscles sa panga ay naggagalawan. Kinagabihan nga ay lumipad sila patungong Pilipinas at sa loob ng mahabang oras na biyahe ay hindi man lang nakatulog si Lath sa kaiisip kung ano’ng gagawin niya sa babaeng iyon. Nagsasalimbayan sa utak ni Lath ang galit. Hindi isang kagaya lang ng babaeng iyon ang sisira sa kanya at hindi ang gaya ng babaeng iyon ang pipikot sa kanya. Pagkalapag ng jet plane ay halos takbuhin na ni Lath ang immigration para makalabas agad siya. Agad siyang nagpahatid sa old mansion ng mga Montemayor. “Ano ang mga ’yon, Lath?!” malakas na boses ng Kuya Dave niya. “Kuya, alam mo namang marami akong kalaban. Hindi pa ba kayo nasanay sa mga ganyang issue?” “Tigilan mo ako, Lath. Hindi mo ba nakikita ang mga batang iyon na halos kamukha mo?! Ang mga mata ng dalawang bata ay kakulay ng mga mata mo para ipaalala ko sa ’yo. Wala pa akong nakikilalang kapareho ng mga mata mo at alam mo ’yan.” Napasandal siya sa upuan. Bakit hindi niya napansin iyon? Binuksan niya ang YouTube at hinanap ang mag-iina, bakasakaling may nag-upload niyon. Hindi nga siya nagkamali, nagkalat ang interview na ’yon sa social media. Isang tawag ang natanggap ni Dave mula sa pinsang si JB. Ibinigay niya ang complete address ng mag-iina. “Go! Ayusin mo ’yan, Lath, bago pa atakihin si Mommy ’pag nalaman ang bagay na ’yan.” Kasama ang bodyguard ay halos liparin nila ang kahabaan ng Ortigas para marating ang Greenbelt. Ilang guwardiya ang humarang sa kanila bago sila nakapasok. Nagulat din si Lath na mayaman pala ang babae. She is not an ordinary woman para gawin ang bagay na ito. Lalong nag-init ang ulo niya. Pasadsad ang gulong na tumigil sa mismong harapan malaking gate ang kanilang sports car. Hindi na pinatay ang engine, agad siyang bumaba at sinensyasan ang bodyguard na hintayin siya nito. Isang unipormadong may-edad na babae ang sumalubong kay Lath. “Mr. Montemayor, please come in.” Iginiya siya nito papasok sa loob ng mansiyon. Napataas ang kilay niya dahil hindi lang ito basta mayaman. Sa palagay niya ay multimillionaire ang babaeng ito. Napansin ni Lath ang dalawang bata na nakatayo malapit sa sala at walang ngiti na nakatingin sa kanya. Nagsalubong ang mga mata nila at gaya ng sinabi ng Kuya Dave niya parehong-pareho nga ang mga mata nila. “Who are you, mister?” Salubong ang kilay ng isang batang nagtanong sa kanya. “H-Hi, I’m L-Lath. . . .” Sh*t! Bakit ba siya nauutal sa harap ng mga bulilit na ito? Nakita niyang pababa ng hagdan ang babaeng kinaiinisan. Agad na nawala ang pansin niya sa dalawang bata. Sumiklab ang galit niya at binalingan ang babae. Magsasalita na sana ito ay inunahan na niya. “What the f*ck, b***h?” Isang maliit na bagay ang tumama sa likod niya at nang lingunin niya iyon ay mukha ng dalawang batang umuusok sa galit ang nalingunan niya. “Our mommy is not a b***h!” pagsigaw ng dalawang bata sa kanya kasabay ng bagay na lumipad uli. Muntik nang masapul ang mukha niya kung hindi niya lang nailagan iyon. “Enough!” pasigaw na saway ni Nadine sa dalawang bata na ikinatahimik ng mga ito. Masamang-masama ang mga mukha nito. “Manang, please bring them to the garden. And you, Mr. Montemayor, please come to the library.” Agad na tumalikod si Nadine at si Lath na kuyom ang kamao ay walang nagawa kundi ang sundan ito. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD