Ang Bwisit Kong Boyfriend
The longest one shot story I've made so far. Mainam basahin kapag nasa kalagitnaan kayo ng mabigat na traffic. Pangtanggal inis, pang pagood vibes, pangalis bwisit :) i-post ko na andame na nagmessage eh pati sa text...
------------
"Ang Buwisit Kong Boyfriend" (COMPLETED)
A one-shot story by Z. Potter
xxxxx----xxxxx----xxxxx-----xxxxx
Heto na naman ako nakasunod sa kanya na parang asong ulol na sumusunod sa amo dahil may pagkaing ibibigay pagkatapos, oo sa baliw na anak ng mga mababait na taong nag-papa-aral saken ngayon. Kung hindi lang talaga sakanila matagal ko ng nilagyan ng isang kilong vietsin na aji-panda ang kapeng ini-inom parati ng lalaking sinusundan ko ngayon nang mangisay na siya at mamatay.
"Here! do this for me! Deadline? A day after tomorrow!" Sabi ng mayabang na lalaki sabay abot ng papel kung saan nakasulat yung mga dapat na gagawin ko.
"Anooooo! Isang miniature ng SOLAR SYSTEM !!!" Gulat na pagkakasabi ko habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking mukha. "Pano ko naman matatapos agad 'to?" Dagdag ko pa habang siya ay papasok na sa kanyang kotse.
"You are my tutor so you have to finish that on time!"siya na nga nag-uutos siya pa 'yong galit. Aba mahusay! Tutor nga hindi taga gawa obob kasi!
Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko sabay ngiti.
" Diyos nga 6 days trinabaho ang mundo ako pa kaya?"
"Remember it is only a miniature not the real size of the earth!!"
"Tandaan mo din na hindi lang Earth ang gagawin ko... Solar system! Isang buong solar system!"
"Basta pagbinigo mo ako! Magtatrabaho ka na para sakanya." Pabulol na tugon niya habang nakaturo ang daliri sa itaas, sa langit. Hindi siya sanay magsalita ng tagalog kaya ganyan.
Pumasok na siya sa kotse at agad na rin itong pinaandar, napakagentleman niya di ba ? pareho lang naman kasi ang bahay na uuwian namin pero hindi niya pa ako pinasabay.
Sana mabangga ang kotse niya tapos mahati ang katawan niya sa lima na labas ang bituka, liver, lungs, appendix, pancreas, , heart, utak at mga lamang loob niya na parang kagaya sa Final Destination. Pag nangyari yun.. Iyon ang the best happy ending ever ng buhay ko.
Ang sama ko ba? Kung alam niyo lang kung gaano siya kasama hinding-hindi niyo siya kakaawaan bagkus ay kamumuhian niyo din.
"Hoy panget! Saan ka pupunta?" Pang-bubully na naman ng lalaki kong kaklase na nakasandig sa dingding ng isang classroom.
"Alam mo mukhang inidoro, wala kang paki kung saan ako pupunta!!" Sagot ko sabay irap sakanya. Ano ba naman kasi bad trip pa nga ako dahil sa halimaw na 'yon dadagdag pa siya.
"Sabihin mo na kasi na crush mo ako! I love you Persephonie!" Sabi niya sabay tawa! Ang dami na talagang mga loko-lokong lalaki ngayon at ang yayabang pa akala mo kung sino.
Lumapit saken si Zylim at hinawakan ako sa balikat ko. Lakas talaga ng saltik nito, akala mo kung sinong gwapo.
"Zylim, alam na ba ng mama mo na nagdadrugs ka? Tandaan mo may OPLAN Tokhang ngayon. Sumuko ka na sa mga pulis bago pa kita isumbong kay President Digong!!!" Pataray na wika ko at patuloy lang sa paglalakad.
"Hindi ko na kailangan ng drugs kasi pag nakikita kita high na high na ako.." Malambing na pagkakasabi niya habang siya'y sumusunod saken.
"Ako nga din eh' high na high sa'yo! HIGH blood na HIGH blood na sa'yo!" Bulyaw ko sa lalaking kaunti na lang ay bibingo na saken.
"I love you Persephonie! Girl friend na kita ngayon ha'" sabi ba naman ni Zylim na akala mo mas gwapo at sexy pa kay Adam Lavigne!
"Mukha mo! Pumili ka nang mapagtitripan ha! Utaaaaaaang naaaaaa looooob wag ako!!" Sambit ko sakanya at tumakbo na ako. Mukhang hindi niya kasi ako lulubayan. Tumakbo ako ng pagkabilis-bilis, baka hindi niya alam kilo-kilometrong matatarik na bundok ang tinatakbo ko araw-araw noong nasa probinsya pa ako.
*Sa Mansion
Buti pa ang mokong painom-inom ng juice at pakain-kain ng cake na nakataas ang mga paa at parang relax na relax. Samantalang ako pagod na pagod sa pagtakbo at paglalakad kanina makauwi lang dito.
Sarap hulugan ng nuclear bomb para magulat at makaalis sa kanyang kinauupuan.
"You want a bread? May cheese yan." Teka, ako ba tinatanong niya? Nagkaroon ba ng himala?
"Persephonie! Ayaw mo?" Mukhang ako nga ang inaalok niya ng tinapay. Oh my gas! Cheese! I want chesese!! Give me that cheese!
Lumapit ako papunta sakanya, pero bakit parang nagbago ugali niya, bakit parang bumait siya? Hindi naman kasi siya ganito dati.
Habang hawak-hawak ko yung tinapay, nakanganga at bahagyang ito'y isusubo na pinipigil niya ang kanyang tawa. Bakit kaya? Mukhang may mali dito.
Kaya nama'y tinitigan ko muna yung tinapay baka may lason o kung ano pa man.. Pinagmasdan ko ito ng maigi.
"WAAAaaaaAAAaaaAhHhH! Ipis! Ipis! Ipis!" Nagmamadaling sabi ko sabay tapon ng tinapay na aking hawak. Nakapalaman kasi yung mga gumagalaw pang ipis sa tinapay BWUSEEEeEEtT! Talaga siya!
Napaakyat ako bigla sa sofa habang siya ay tumatawa na parang demonyo.
"Ikaw naglagay no'n ano!?" Tinanong ko siya habang ako'y takot na takot at nasa itaas pa ng sofa.
"Me? I don't know what you are saying! I'm innocent." Nagmaang-maangan pa siya na sumagot. Kaya pala biglang napaalok saken ng tinapay kasi may binabalak na masama.
"I don't know what you are saying! Chuchuchu nyeee nyeeee nyeee!" Tugon ko sakanya sabay talon pababa sa sofa at pumunta na sa kwarto ko. Wala akong mapapala kung makikipag-basagan ako ng esophagus sa kanya. Napapagod na akong makipagsigawan.
"Don't forget the Solar System huh! Do it tonight!" Wika niya bago ko naisara yung pinto ng kwarto ko.
Nagmamadali eh' ngayon lang kasi binigay kung kailan malapit na ang deadline gusto niya talaga parati akong nahihirapan. Gagawin ko muna mga assignments ko bago ko gawin ang sakanya.
Pagbukas ko ng zipper ng aking bag nakakita ako ng mga malalaking tipak ng bato, kaya pala bumigat yung bag ko. Letseeee! Sino naman kayang ungas at kulang-kulang ang IQ ang naglagay ng mga ito sa bag ko?
Naku!!! Baka si Zylim na naman! Nakakapang-galaiti na talaga ang mga lalaki ngayon! ! Wala ng matinong magawa!! Bwisit na bwisit na talaga ako sa kanila!!!
Nang maialis ko yung mga bato nagsimula na akong gawin 'yong mga assignments ko dahil gagawin ko pa 'yong kanya.
"All the things that you will need to make the miniature of solar system is inside this box!" Sabi ni James at may pinasok siyang isang balik-bayan box sa kwarto ko sabay alis. Grabe talaga ang letseng lalaking 'to! Di man lang kumatok di ba? Agad-agad pumapasok! Makapaglagay nga ng patibong sa susunod.
"Oo salamat po. Mahal na prinsipe..." Sinabi ko yun na parang nang-aasar. Buti naman at naisipan niyang mag-kusang loob na ibigay na 'yong mga kakailanganin ko sa pag-gawa ng bagay na dapat siya ang gumagawa.
Natapos ko 'yong mga assignments ko 7:30 pm pa lang naman, pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at nakita ko 'yong demonyong si James palaro-laro lang ng COC! Leche flan na may lestugas!! Habang ako'y hindi magkanda-ugaga sa mga gagawin, siya naman pachill-chill lang. Alam niyo yung gusto kong tapyasin 'yong ulo niya? Grrrrrrr!
"Did you open the big box?" Tanong niya saken no'ng dumaan ako sa likod niya.
"Hindi pa po! Gagawin ko na pagbalik ko sa kwarto!!" Sagot ko sakanya ng hindi lumilingon.
Pagbalik ko sa kwarto labis ang aking pag-iingat habang binubuksan 'yong kahon malay ko ba kung merong bomba sa loob o di naman kaya'y lumilipad na kutsilyo tapos bigla na lang akong matamaan at mamatay, marami pa akong pangarap na dapat makamit.
Napapagod na ako sa pagbukas ng kahon, puno ng duct tape! ano ba'to ayaw niya ng pabuksan? Pagbukas pa lang ng kahon 20minutes na jusko colored! Pahirap talaga ang lalaking 'yon.
Nang mabuksan ko 'yong kahon agad akong dumapa na nakahawak sa ulo... Para na akong baliw dito sa kwarto wala naman na kalaban pero ilag na ilag na parang sundalo. Wala naman itong laman na kutsilyo o kaya bomba, ang nakita ko lang sa loob ng kahon ay mga bola na gawa sa styrofoam, glitters, popsicle sticks, at mga...
"DaaAAaaaaGGggaaAaAaA!!" malakas na pagkakasigaw ko sabay takbo papunta sa kama at tumatalon-talon pa.
"Hahaahaha... Mwuhahahaha" si James na nakahawak pa sa kanyang tiyan habang halos mabaliw sa kakatawa. Bwisit talaga! kanina pa siguro siya nanunuod saken. Nakakapang-init nang dugo alam na alam niya talaga kung ano ang mga kinakatakutan ko. Litsi! Pisti!
"Alisin mo yan diyan James kung hindi, di ko tatapusin 'yong solar system na pinapagawa mo!!" Pabulyaw na sabi ko sakanya sabay tapon ng unan.
"Hahaha.. I thought you love rats because you also love cheese." Sagot niya. Porket gusto ko ng cheese gusto ko na din ng daga? Yan kasi pinapag-aral pambababae ang ina-atupag!!
"Remove that James!! Ano ba!! Hindi ka ba makaintindi!!" Bwisit na bwisit na talaga ako sakanya!! Napupuno na ako!!
"Wait, I'm gonna remove it but..." Nilapit niya pa 'yong kahon papunta sa kama kung saan ako nakatayo.
God help me... Patamaan niyo ng kidlat ang hinayupak na lalaking 'to!!
"JaaAaAaAammeeeEEsssSss!!!" Mas malakas ko pang sigaw wala kasi sina Tito kaya walang sumasaway sa anak nilang nakawala sa mental.
Halos maiyak-iyak na ako habang tumatalon-talon nang alisin na nga ni James yung kahon ng mga daga at isinara na 'yong pinto.
Alam niyo 'yong ALAMAT ng MAMAMATAY TAO? Kasi gusto kong maging bida do'n! gusto ko ng patayin yang James na 'yan!! Nakakapang-usok ng ilong.
Nagsimula ako gumawa ng project niya dahil iniwan niya naman 'yong mga gamit sa loob ng kwarto ko liban sa mga daga.
Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, ano pa ba ang kulang..
"WwwAahhhhhhhh! May momo!!" Sigaw ko no'ng namatay 'yong ilaw. Brownout yata pero tiningnan ko yung sa kapitbahay namin may ilaw naman. Kagagawan na naman ito ng Yokai na si James.
Hmmm tingnan natin akala mo ha' ikaw lang ang marunong ? sige..
Naglagay ako ng mouse trap doon sa may switch ng ilaw para kung io-off niya 'yong ilaw ay for sure na maiipit ang kanyang kamay lalagyan ko nga sana ng blade para siguradong masakit pero napagisip-isip ko na huwag na lang mabait pa rin naman ako 'no!
Ano kaya ang magiging reaksyon ng loko? Excited na'kong makita ang mukha niyang nakakunot dahil sa sakit.. *evil laugh
Mga ilang sandali pa...
"Oooouuuuucccchhhhhh!!!!" Malakas na sigaw ni James habang 'yong mouse trap ay naiipit 'yong kanyang daliri. Nagmadaling umalis ang baliw para tanggalin 'yong mouse trap. Wahahaha! Sa isip-isip ko tumatawa na ako ng napakalakas, 'yong mukha niya kasi parang sinabugan ng paputok na Sinturon ni Hudas. Ang saya-saya kaya!! Ahahaha!
Evil Plan Success!! And the Princess lived happily Ever After!
The End!
Ay sorry hindi pa pala, hindi pa siya patay eh kaya mukhang babalik at babalik ang mokong na 'yon hangga't humihinga siya.
Nilock ko na 'yong pinto para siguradong hindi na talaga siya makakapasok. Nagfocus na'ko sa pag-gawa ng solar system.
Pero kung ako 'yong tatanungin niyo gusto ko talaga gumawa ng sarili kong solar system kung saan walang James Klien Malik na mag-eexist at kung meron man isasama ko siya sa panahon ng mga Dinosaur para matamaan siya ng mga umaapoy na bulalakaw mula sa outer space.
"Please open the door Persephonie!" Ayan na naman siya kumakatok na sa pinto. Alam niyo yung mas napapagod pa ako sakanya kesa sa pag gawa nitong project niya. ~.~
Hinayaan ko na lang siyang kumatok ng kumatok kasi mapapagod din siya at aalis.
Kalahati lang 'yong part na natapos kasi nga 12:00 midnight na pero lumabas muna ako para kumuha ng pagkain sa kusina hindi pa kasi ako nag-dinner, di man lang ako hatiran ng pagkain ng mokong, di man lang niya ako naalalang pakainin.
"Where have you been? Nagnakaw? Tsk! Tsk!" Saad ni James na nakatambay do'n sa harapan ng pintuan nang kwarto ko, nakaabang sakin na parang may gagawin na namang masama.
Nakasuot na siyang pantulog bakit pa siya pumunta dito ? Hindi ko talaga malaman kung ano lalaking 'to kung demonyo ba siya, bampira, halimaw or may saltik lang talaga sa pag-uutak.
"Kumuha lang ako ng pagkain. Nakakagutom kasi gumawa ng project MO!" Tugon ko na may diin sa salitang MO! Nang marealize niya naman na dapat siya yung GUMAGAWA hindi ako. Pero asa naman ako! Kahit anong sabihin ko walang paki ang bwisit na lalaking yan!
"Ok!" Maikling sagot niyang nakakairita.
"Sana matapilok ka sa hagdan!" Mahinang pagkakasabi ko bago siya tumalikod at humakbang papunta sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag.
"What?" Mukhang narinig niya yata.
"Wala! sabi ko Good night na lang." Tugon ko sakanya sabay babye at pumasok na rin sa kwarto.
Haggard na haggard na ang lola niyo dahil sa mukhang engot na 'yon!
Makatulog na nga kailangan ko ng lakas para sa pakikidigma ulit bukas. Itinuturing ko na sa bawat araw na kasama ko siya ay isang madugong pakikidigma sa mga hapon, amerikano at yung lahat na kasali sa World War II! Sakanya sumanib lahat ng mga di matahimik na kaluluwa ng mga sundalong namatay at di nakapaghiganti.
---
"Nakalagay na 'yong FUNERAL water mo diyan sa loob ng bag mo!!" Sabi ko sakanya, umagang-umaga kasi ang daming utos dapat kasi siya na 'yong nag-riready ng gamit niya. Yan naghahanap ng tubig di alam kung nasaan.
"What? Funeral water?!!!" Gulat na pagkakasambit niya.
"I said mineral water! Not funeral water! Bingi!" Oh di ba nakaganti din.
Walang naisagot ang mokong dahil umiinom na siya ng funeral water este mineral water.
Nasa loob na kami ngayon ng kotse niya papunta sa school. Nakasakay lang ako dito dahil kina Tito at Tita na pinilit siyang pasabayin na lang ako.
"Stop!" Saad ng lokong si James sa driver at tumigil nga ito.
"Baba!" Sino pinapababa niya? 'yong driver? Sino na magdadrive? Hindi ako marunong magmaneho.
"Bat pinapababa mo 'yong driver?" Tanong ko sakanya na nakatingin din saken ng masama.
"Not the driver!! I'm pertaining to you!!!" Galit na galit na sabi niya, namumula at distorted pa ang mukha.
"Aheehehe heto na nga oh pababa na..." Malumanay na wika ko habang dahan-dahan na binuksan ang pinto upang makalabas na sa kotse na may lamang nangangalit na lalaki na nakainom ng funeral water.
Isinawsaw ko lang naman doon 'yong patay na ipis na inilagay niya sa tinapay na kakainin ko sana kahapon. (^^)V
Hmpft! Maglalakad na naman ako papunta sa paaralan , at ano ang sasabihin ko pag nalate na naman ako? Naglaro ng Pokémon Go? Haaay naku!! Nakakastress na! 'Yong paghihigpit ko ng sinturon sagad na hanggang bituka kailangan ko talagang magtipid para makapagpadala naman ako sa mga magulang ko.
"Persephonie! Bat nagmamadali ka? At pawis na pawis ka pa na parang iniluwa ng sawa." Saad ni Ava na nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng manga, kaibigan ko siya at umiiyak-iyak pa yan kahapon na parang guguho na ang mundo dahil nakipagbreak sakanya 'yong boyfriend niya.
"Late na ako! Hindi ka ba papasok?" Tanong ko sa kaibigan at kaklase kong si Ava na super relax at pakanta-kanta pa.
"Wala naman 'yong Professor natin kaya we have one hour to chill and relax." Masayang tugon niya saken sabay lagay ulit ng headset sa tenga niya.
Lumapit ako at tumabi sakanya.
"Ba't parang ansaya mo Ava?" Tanong ko sakanya na alam kong narinig pa din niya.
"Kasi I Taylor Swift already!"
"Anong Taylor Swift ang pinagsasasabi mo?" Pagtataka ko.
"Taylor Swift, a verb synonymous to the word MOVE ON!" Sagot niya na nagpataas biglang nang kaliwang kilay ko na umabot sa hairline.
Kaya naman pala nakataylor swift na ang gaga! Sobrang swift niya mag move on!!
"Agad-agad? Instant noodles na half cook teh?" Tugon ko naman at naupo na ako sa tabi niya.
"Eh kasi naman nakakilala ako ng lalaki yung tipong mapapasabi ka na lang ng KUYA ANAKAN MO'KO MGA BENTE! Ganern!" Sagot ng kaibigan kong patay gutom sa lalaki. May saltik din eh. May mga stars pa na nagsiliparan habang iniimagine niya yung lalaki.
"Sino ba naman ang lalaking 'yon ha? Kilala mo?" Tanong ko sakanya bago pa siya mabaliw sa pagnanasa.
"Hindi ko kilala eh' pero namumukhaan ko." Sagot niya saken at tumigil na ang pagningning ng mga bituin sa kanyang mga mata.
"Gusto mo stalk naten?" Saad ko, kahit ano pang kabaliwan niya susuportahan ko siya kaibigan ko eh. Wala kaming iwanan kahit sa paghahanap ng crush.
Para na kaming magkapatid na dalawa, 'yong tipong maghihingian ng pulbos sa tuwing uwian, nangangalkal ng gamit kahit walang paalam, at napagsasabihan ng mga hinanakit at mga sekreto.
"Sige, pero kailangan ko munang mag beauty rest. Matutulog akong maaga mamaya para mas gumanda naman ako." Tugon ni Ava sabay flip ng kanyang buhok.
"Ano 'tong naririnig kong matutulog ka para gumanda? Alam mo Ava kahit isang libong taon ka matulog di ka na gaganda!" Sabat ng kaibigan din naming si Roiland, ganyan yan binabara lahat ng sinasabi ni Ava.
"Ayan na naman siya! Maganda na ako dati 'no di mo lang talaga nakikita!!! Every creature is beautiful but not in the eyes of the insecure!" Paggalit na sagot ni Ava sakanya sabay irap.
"Pasok na nga tayo, marami pa tayong gagawin. Pagiisipan pa natin 'yong title ng thesis na gagawin natin." Suhestiyon ko, bago pa silang dalawa mag-away at mag-basagan ng bungo.
*****
BSED Major in English ang course namin kaya naman ang lakas makanosebleed sa ilong dito umagang-umaga umaagos ang dugo ko sa ilong na parang gripo. Puro kasi Englishan eh' may English Only Policy kasi may multa kapag nagsalita ka ng kahit anong lenggwahe.
"Hi! Persephonie, the beautiful girl from deep world under, the one I want to be with even my soul will suffer the torments of hell, the lady I want to get even I fight with the ferocious Cerberus of God Hades..." Bungad ni Zylim saken, nakatayo siya sa likod ng bangko na kinauupuan ko.
Ang pangalan ko kasi ay galing sa babaeng nakaupo sa tabi ni Hades, ang anak ni Demeter, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng apat na panahon. Ang pagkakaiba nga lang may "i" yung sa pangalan ko dahil sa Greek Mythology "Persephone" ang totoong spelling.
"Stop it Zylim! Don't you see I'm busy!!" Pasigaw na tugon ko sakanya pero hindi ako tumingin.
"Good Morning Class!!" Sambit ng striktong babaeng Professor namin na nakaeyeglasses, may bitbit na isang libro at naglalakad na papunta sa instructor's table.
Nagsiayos na ang lahat naupo at tumahimik na sila hindi kagaya kanina na parang palengke kung saan ang daming mamimili.
"I told you to make a poem about Gods and Goddesses yesterday. I'm expecting that you also used figures of speech in your poem. Who wants to recite the poem you've written here in front of the class?" Wika ng aming professor.
"Ma'am! Ma'am! I want to be the first one to recite my poem..." Masiglang sambit ni Zylim na parang sobrang excited.
Tinawag siya ni Ma'am at pumunta na rin naman siya sa unahan ng walang dalang notebook o di naman kaya'y kapirasong papel, memorize niya yata 'yong tula na ginawa niya.
"I dedicate this poem to my one and only Persephonie..." Nagsimula na siyang magsalita habang nakatingin saken.
"This poem is entitled SHE'S MY UNTOLD MYTH...
Oh! you are my mortal Aphrodite,
Beauty more than Psyche
The reason why I open my eyes
Every time Apollo rides on his chariot to bring forth sunrise
I want to know our future when I go to Apollo's oracle,
Like the desire of Ares to win every battle,
Everytime I see you it's like drinking the wine of Dionysus,
Drunk like I was hit by the thunder of Zeus
Even Eros didn't use his bow and arrow,
I love you as if there is no tomorrow
Every time I see you cry
I want to be Athena to think of million ways how to make you smile
You crying, I don't want to see,
'Cause my emotion goes deeper than Poseidon's sea,
Your tears are like tidal waves splashing,
The reason why I am always drowning
Our story will emulate the love of Orpheus and Eurydice,
And even Pyramus and Thisbe,
Hephaestus fire ignites by our love,
Fighting with Hercules strenght I have
Sooner, I know Hermes will give you my invitation letter,
To an event where Hera will bind us together,
Even the world of Hades wont make us apart,
You're the half of my life and my heart..."
He recited the poem with obvious emotion and proper action.
Natapos magsalita si Zylim na ang mga blockmates namin ay nakasalung-baba, kumikislap ang mga mata at parang kilig na kilig.
"Very nice Zylim, I could feel the medley of emotion written in your poem. Do you also feel the emotion?" Tinanong no'ng guro namin kaming mga blockmates ni Zylim.
"Yes Ma'am!!" Sabay-sabay na sagot no'ng mga blockmates ko. Oo sila lang hindi ako sumabay nakatingin kasi saken si Zylim at baka kung ano na naman ang isipin ng kumag.
"And for that Mr.Fortez I'm going to give you flat one (1.0) Keep up the good work." Sabi sakanya ni Ma'am.
"I just want to say thank you to my one and only inspiration. I love you Persephonie as if Cupid strikes me with millions of arrows.."
"Ayieeeee!" Sigawan ng mga kilig na kilig kong blockmates.
Hindi ako maniniwala sakanya 'no! Over my dead sexy decaying body! It was ridiculous, ludicrous and preposterous!
Nagrecite na din ako ng poem na nagawa ko at nakakuha naman ako ng 1.3 mula kay Ma'am. Nagpatuloy lang ang recitation hanggang sa natawag lahat.
****
"Sino na naman naglagay nito dito sa locker ko?" Wika ko kay Ava na patext-text lang. Nakakita na naman kasi ako ng letter na nakasiksik sa locker ko. Ano ba akala niya mailbox 'to!? Kung sino man may kagagawan nito paniguradong may isang boteng Silver Swan na toyo ang utak niya! pwede nang mag adobo.
Halos araw-araw na lang kasi, tapos topic pa namin sa klase ang parating nakasulat, malamang si Zylim na naman 'to.
Sa school si Zylim ang nambubwisit saken at sa bahay si James, oh di ba? Ang ganda ng buhay ko? Ano kwento ko na sa MMK?
"Crush ka lang yata niyan! Hayaan mo siyang mabaliw sa ganda mo!" Tugon saken ni Ava. Tapos na 'yong klase namin at papauwi na kami.
"Persephonie!!" Thinking of the devil ayan na siya paparating.
"Ano ba Zylim Lance Fortez di mo ba ako lulubayan!!" Sigaw ko at nagsitinginan papunta sa direksyon ko ang ibang mga estudyante. Sa sobrang hiya itinakip ko sa aking mukha yung libro na kinuha ko mula sa locker.
"Then why should I? Mahal kita! Gagawin ko lahat para sa'yo.." At this time mukhang seryoso na siya. May dala pa siyang bouquet of red roses at may mga kumakantang lalaki na nakasuot na damit kagaya sa isang laos na boy band. Saang planeta niya kaya sila nahagilap? Mukhang mga Alien eh!
"Can you be my girl friend?" Lumuhod siya, tumingin at itinanong iyon saken.
"Say Yeeeees!!" Sabay-sabay na sigaw no'ng ibang estudyante na pinapanood kami.
May pagpipilian pa ba ako? Nakakahiya na 'to! Gusto ko na taposin agad.
"Y-y-yes" nagdadalawang isip na sagot ko.
Agad na nagpalakpakan ang mga estudyante at niyakap naman ako ni Zylim na tuwang-tuwa dahil sa naisagot ko.
Naglakad si Ava paikot sa mga estudyanteng nakapalibot, may dalang maliit na lata at may kung anong hiningi.
"Tapos na ang palabas maghulog na kayo dito, project namin yan at fund raising." Sabi ni Ava at inisa-isa niya yung mga estudyante. " Oh ano hindi ka pa maghuhulog? Kanina kapa nanunuod! Akin na yan na hawak mong pera." Sinabi niya yan 'don sa lalaking may hawak na isang daan.
Umapaw ang pera sa lata na bitbit ni Ava, mabilis talaga siyang mag-isip kung ano ang pwedeng gawin.
"Ayyy.. Ano ba yan! Di pala totoo! Pero kinilig ako ha! Ang galing nila mag-acting!" Sambit no'ng isang Civil engineering student habang papaalis na, iba-iba kasi ang uniform ng mga estudyante dito depende sa course.
"Girlfriend na kita ngayon!" Saad ni Zylim sakin sabay hawak sa dalawa kong kamay.
"Sige Zylim ha! Mauna na kami! Marami pa kaming bibilhin, kaya bukas na lang..."
Hinawakan ako ni Ava sa kamay sabay takbo papaalis hanggang sa makalabas ng gate.
"Problema talaga 'to!" Nasabi ko na lang bigla.
"Ako nga din eh' ang laki ng problema ko.. Gusto kong maging panget pero ang hirap... paano kaya kung hindi ako sobrang ganda, yung tipong sakto lang, yung maganda lang." Saad ng hindi nagmamayabang na kaibigan ko.
"Alam mo bess, daan tayo sa botica bili tayo gamot." Suhestiyon ko sakanya para na naman kasi siyang inaabot ng pagkabaliw.
"Sino may sakit? Ikaw?"
"Ah wala, wag na lang pala... So anong balak mo sa pera na yan?"
"Eh di ibibili ng lalaki, ano ka ba!!" Tugon niya saken habang binibilang 'yong pera.
Niloloko na naman ako nito. Sumakay kaming dalawa sa jeepney ginamit namin 'yong pera na nakulimbat ni Ava sa mga estudyante.
"Hindi lahat ng maasim ay may taglay na Vitamin C!" Wika ni Ava saken sabay takip ng kanyang ilong gamit ang puting panyo na hawak niya.
Na amoy ko na rin 'yong kili-kili ng katabi niya. Nakahawak kasi 'yong babae na nakasleeveless sa may bakal na nasa itaas.
Ang lakas mga bess! Ang sarap tapyasin ng kili-kili niya sabay itapon sa bintana ng jeep.. Nakasusulasok!
"Buti pa ang cellphone niya blackberry pero ang kili-kili berry black.." Bulong saken ni Ava habang nakatakip pa rin 'yong panyo sa ilong niya.
Tama naman 'yong sinabi niya.. Kaunti na lang kasi uling na 'yong kili-kili no'ng babae. Nagtinginan kaming dalawa ni Ava at ngumiti kami ng tahimik.
Pati ba naman sa jeep sakripisyo pa ang sasapitin namin. Pagdating sa harap ng bahay nina tita nagpara na ako at bumaba habang si Ava ay lumipat sa kabilang upuan para makaiwas sa air pollution , mas malayo ang bahay niya kesa sa bahay na tinutuluyan ko.
Bago pumasok sa pinto, tingin sa baba, sa taas, sa kanan at sa kaliwa, nakita ko na kasi ang kotse ng mokong na nakagrahe na, baka nag-iwan siya ng dinamita dito sa pintuan para saken.
Clear naman ang daraanan kaya dahan-dahan na akong naglakad papunta sa kwarto..
"Eheeeem! Turuan mo na ako ng lessons niyo!" Biglang sumulpot si James na may dala ng notebook.
Mga lessons namin ang itinuturo ko sakanya, mga figures and parts of speech, at iba't ibang mythology. Ewan ko sakanya, basta yan lang ang request niya sakin. Alangan namang pang engineering wala akong kaalam-alam sa math.
Habang tinuturuan ko siya napatanong ako bigla dahil sa pagtataka...
"James, wala ka bang mga kaibigan?" Ni minsan kasi hindi ko siya nakitang may kasamang kaibigan o ibang tao. Mag-isa lang siya parati.
"I have, pero we fought because of a girl. Pareho namin siyang minahal pero siya ang boyfriend nong babae. I was very hurt pero hinayaan ko na lang sila. Hinayaan ko silang magkasama at maging masaya. But after a few days the girl admitted na mas mahal niya ako kesa sa kaibigan ko." Salaysay ni James batid ko ang labis na kalungkutan sa bawat pagbigkas niya ng mga kataga. "He was so possessive pinatay niya 'yong babaeng pareho naming minamahal ang masakit pa she died in my arms saying SAVE ME JAMES.. Simula no'n hindi ko na siya pinansin, at napunta siya sa rehab." Grabe ang sakit no'n, ang makitang malagutan ng hininga ang taong pinakamamahal mo sa iyong mga bisig.
Katakot naman ang kaibigan niya porket hindi nakuha ang gusto papatayin agad.
Ngayon niya lang yan saken nakwento, iba rin pala talaga ang pinagdaanan niya kaya ganyan siya. Kaya tandaan niyo na kahit isang kumag, mokong, gago, bwisit, bobo, tanga at shunga ay may sariling kwento din hindi lang kayo ang may istorya matuto din kayong makinig sa iba.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan at napag-alaman ko rin na hindi niya talaga gusto ang course na engineering napilitan lang siya dahil sa daddy niya.
Yung pinaka unang exam niya no'ng six years old pa lamang siya he was failed to pass, kasama niya daw no'n ang dad niya na parang gusto na siyang iwan sa kalsada dahil lamang sa hindi siya nakapasa. Simula no'n nag-aral na siya ng mabuti dahil bilang kaisa-isang anak ayaw niyang biguin ang kanyang mga magulang.
Hanggang sa nakapasa siya sa isang sikat na University dahil sa pagsusumikap, sapagkat gusto niya lamang na maging masaya at kanyang ama't ina, isinangtabi niya ang kanyang pangarap para sa kanila.
Naging mabait siya sakin ngayong gabi, napagisip-isip ko na kailangan niya lang yata ng kaibagan, ng isang taong masasandalan at ng taong mapagkukwentuhan ng kanyang mga problema at hinanakit sa buhay.
Naituro ko lahat ng lessons sakanya kaya nag-simula na akong tapusin yung solar system, inabot ako ng 11:00pm pero natapos ko rin naman 'yon. Nakatulog ako ng walang problema kasi hindi nangulit si James, hinayaan niya lamang ako.
Isang malaking problema na lang talaga ay yung kay Zylim...
****
"WaaaaAAaAAahhhhH!!! r**e! r**e! Virgin pa ako!!" Natatarantang sigaw ko, nakita ko kasi James na natutulog sa tabi ko.
Nagising din siya at agad na itinakip ang kanyang kamay sa bibig ko.
"Ano ka ba! I was just here to check if you've finished my project. Tapos dito na'ko nakatulog medyo inayos ko din kasi.. " paliwanag ni James, tapos tiningnan ko sa ilalim ng kumot kung nakahubad ako, mabuti naman at may mga saplot pa naman ako.
"Kailangan talagang ipagsigawan na virgin ka ?" Sabi niya saken sabay walk out.
Umagang-umaga na naman ganyan siya. Eh sa gusto ko anong magagawa niya?
Ano kayang ilalagay kong tubig niya.. Hmmm eh kung yung pinagbabaran kaya ng pustiso ni Manang? Para may flavor naman ang tubig niya.. PUSTISO FLAVOR. Wahahaha
****
Hindi ko nagawa 'yong binabalak kong pustiso flavored water umalis na kasi agad siya papunta sa paaralan niya. Buti naman at siya na nag-asikaso ng sarili niya.
Naglalakad na naman ako, naghahanap ng Pokemon papunta sa school... Buti pa ang pokemon may naghahanap ako kaya ? Hinahanap ba ako ng forever ko? Buti pa ang Spratly Island pinag-aagawan at ipinaglalaban... Ano ba yan umagang kay Hugot!!
Dumating ako sa school and as usual kausap ko si Ava.
"Perse! Alam ko naman na ako ang babae sa panaginip ng lalaking 'yon!" Pinaguusapan na naman namin yung lalaking crush niya.
"Tama ka dyan! Hanggang panaginip lang at hindi na magkakatotoo!" Sabat ni Roilan kasama si Zylim na papalapit sa amin.
"Yun 'yong lalaking crush ko oh!" ngumuso-nguso pa siya para maituro 'yong direksyon kung nasaan 'yong lalaki.
Nakita kong ang daming babaeng nagkumpulan, at hindi ko na nakita 'yong crush ni Ava.
"Ang pogi niya! San ba siya nag-aaral?"
"Oo nga! Magtatransfer ako kung saan siya pumapasok!"
"Sabay na tayong dalawa."
Usapan ng mga babaeng bumalik na sa kanilang room dahil dumating na 'yong Professor nila.
"Ang landi! Nauna na ako sakanila! Akin lang si baby boy!" Sambit ni Ava, na parang timang hindi niya pa nga kilala akala mo kung makapang-angkin wagas.
"Persephonie!!!" Parang boses 'yon ni James ah'
Pag-alis no'ng mga babaeng nagkumpulan nakita ko si James sumisigaw at papalapit papunta saken.
"Hindi ka nagsasabi Perse boyfriend mo na pala 'yong crush ko!!! Ang hapdi sa bituka! Lamang tiyan ko na siya inagaw mo pa..." nag-emote na si Ava, nagpunas pa siya ng panyo na parang umiiyak.
"Nasaan na 'yong project ko?" Tanong sakin ni James habang 'yong mga babae ay nakabuntot pa sa kanya.
"Hindi ko dala, akala ko kinuha mo na!" Tugon ko sakanya at napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Zylim!!!!"
"James!!!"
Sabay na sabi no'ng dalawa, ni James at Zylim na parang kilala na nila ang isa't isa. Gulat na gulat sila sa kanilang pagkikita.
"Wag mo ngang sigawan ang girlfriend ko!! At tsaka bakit ka ba nandito!!!?" Itunulak ni Zylim si James at napalayo ito.
Hindi sumagot si James bagkus ay kinaladkad niya ako papaalis sa mga kaibigan ko papunta sa kanyang kotse. Si Zylim ay hindi nakasunod dahil hinarang siya no'ng mga babaeng mukhang na love at first sight sa kagwapohan niya.
"Tulong!!! r**e! r**e! Papatayin niya ako, isasako at itatapon na lang basta-basta sa ilog!!" Naghi-hysterical na bulahaw ko habang siya ay nagdadrive ng kotse, wala ngayon si Manong driver.
"Huwag ka mag-alala masasarapan ka din!" Tugon niya saken na seryoso lamang na nagmamaneho ng sasakyan.
"Huwag James virgin pa ako, hindi ko pa kaya.." Pagmamakaawa ko sakanya.
"That's the effect of always watching p**n! Pupunta tayo sa isang restaurant. Kung ano-ano iniisip mo!!"
Grabe siya di ako nanunuod ng p**n di ko nga kilala si Maria Osawa, Sasha Grey at Mia Khalifa.. ^.^V
Kaya pala masasarapan kasi kakain kami sa isang mamahaling restaurant. Oo nga pala hindi pa siya nag-aalmusal. Tumahimik na ako dahil napahiya ako sa mga sinabi ko. Polluted na ang utak ko.
Habang kumakain kami napakaseryoso ni James, sabagay kailan ko ba siyang nakitang ngumiti? Ahhh alam ko na , napapangiti lang siya sa tuwing pinagtitripan niya ako, masaya kasi siya pag nasasaktan ako.
"Where did you meet Zylim?" Tanong saken ni James, nakatingin siya ng maigi sa aking mga mata.
"Blockmate ko siya.. Bakit nga pala kilala mo si Zylim?"
"Because siya yung kinukwento ko sa'yo, siya ang dating kaibigan ko na pumatay sa babaeng pareho naming gusto." At dahil sa sagot na yan ni James kinilabotan ako dahil baka ako naman 'yong patayin ni Zylim.
"Boyfriend mo siya?" Tanong ni James, hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa at hinaplos niya ito.
Nabigla talaga ako sa ginawa niya, bakit parang ang lambing niya ngayon?
"Oo, boyfriend ko siya."
Nag-iba 'yong ekspresyon ng mukha niya, para bang may kung ano sa naisagot ko sakanya.
Bumalik kami sa bahay hindi kami pumasok na dalawa. Nakaupo kami ngayon sa lugar kung saan ko siya tinuturuan.
"Ayoko ng mawala ang babaeng mahal ko, kung 'yong dati hindi ako nakipaglaban but now I promise to fight no matter what it takes..." Anong pinagsasabi nitong si James ? "Mahal kita Persephonie ayoko nang maulit yung nangyari dati." At niyakap ako ni James ng mahigpit, natulala na lamang ako dahil sa kanyang ginawa.
"Kapag nagmahal ka huwag mong itago kasi para ka lang nag-upload ng picture sa f*******: pero nakaprivate." Siguro yan ang dahilan kung bakit siya naunahan ni Zylim sa babaeng kanyang gusto din.
"Yun na nga eh' kaya no'ng makita kita sa probinsya niyo habang nagbabaksyon kami do'n I told my mom na sila na lang mag-paaral sa'yo kaya kinausap nila 'yong mama mo at pumayag naman ito. At kapalit no'n kinuha ko 'yong course na gusto ni dad kesa sa pagiging doctor na pangarap ko. I sacrifice my dream for you Persephonie, because all I just want is to be with the girl I really love. Ayoko nang mawalay ulit sa babaeng mahal ko... I'm gonna sacrifice the thing I like for the person I absolutely love." At mas ipinaramdam niya pa ang init ng kanyang katawan at pagmamahal saken.
Siya pala ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral ngayon, dahil sa kawalan ng pera walang balak ang mga magulang ko na pag-aralin ako sa kolehiyo mahirap lang kasi kami, parehong magsasaka ang aking ama't ina. Isinakripisyo niya pala ang pangarap niya makasama lang ako.
"Please love me back Persephonie, and sorry if I always tease you. I just want get your attention." Dagdag niya pa.
"Bakit ngayon mo lang kasi sinabi?" Tanong ko sakanya.
"I was afraid because I think I'll be crazy if I will hear your negative answer but now I am more afraid to lose you. I don't want to give up the girl I love to Zylim again." Sagot niya saken na mangiyak-ngiyak na.
"Minahal na rin naman kita James, hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ako nabubwisit sa'yo..."
"I love you Persephonie, ayoko na ulit maiwan.. Dito ka lang sa tabi ko, ako ang bahala sa'yo kay Zylim." Hinaplos niya ang mukha ko at hinawi ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko " I let you make the solar system kasi hindi lang ikaw ang bumuo ng mundo ko ikaw ang solar system ko... Mahal kita nang mas malawak pa sa kalawakan." Hindi na siya ngayon nahiya at nagsawa na sabihin na mahal niya 'ko. Ni minsan hindi ko nahalata na mahal niya din pala ako.
Hindi kami pumasok ng araw na 'yon, umabsent kaming dalawa nag-usap lamang kaming magdamag upang malinawan ako sa lahat ng mga nangyari at sekreto niya.
***
Kinaumagahan sumabay ako sa kotse niya at sumama siya saken sa paaralan sapagkat gusto niya daw makausap si Zylim.
Nang malapit na kami sa room nakasalubong namin si Zylim na parang galit na galit.
"Zylim can we talk for awhile?" Malumanay na tanong ni James sakanya.
"Ayoko!! ibigay mo saken si Persephonie at umalis ka na dito!! ako ang mahal niya hindi ikaw!!!" Mabangis na tugon ni Zylim na naging dahilan sa pagkuha ng atensyon ng mga estudyanteng nasa labas ng kanilang silid-aralan.
"Sorry Zylim, hindi talaga kita mahal... Nasabi ko lang 'yon kasi ano--- kasi nabigla lang ako no'ng nagtanong ka saken..." Marahang paliwanag ko sakanya.
"Hindi yan sapat na rason! Ilan bang binayad niya sa'yo sabihin mo at tutumbasan ko!! Nagsex na ba kayo? Wag ka mag-alala mas magaling ako sa kanya sa kama!!" Sobrang galit na talaga ni Zylim, namumula na siya sa galit.
"Pasensya na talaga Zylim.. Hindi talaga kita mahal at walang nangyari at binayad saken si James..." Tugon ko sakanya.
Bumunot siya sa kanyang bulsa ng isang baril at umalingawngaw sa buong campus ang pagputok nito, ang mga estudyante ay mabilis na nagsitakbuhan papunta sa kani-kanilang classroom.
At nagpaputok ulit si Zylim sa direksyon ko pero nakayakap saken si James upang sanggain 'yung bala ng baril, natamaan siya ng dalawang beses. Umagos ang dugo mula sa kanyang katawan papunta sa aking mga nanginginig na kamay. Ang kanyang napakaputing uniform ay kinulayan ng sarili niyang dugo.
Hinuli si Zylim ng mga gwardiya at ako naman ay sumisigaw, humihingi ng tulong para maidala si James sa pinakamalapit na ospital. Lumapit samin sina Ava at Roiland at tinulungan nila ako.
Dinala siya sa ER, labis ang pag-aalala ko sakanya. Hindi niya talaga hinayaan na mamatay ang babaeng mahal niya, ayaw niya ng maulit 'yong nakaraan. Handa siyang isakripisyo pati ang buhay niya para saken.
(Fast Forward)
"You are my conjunction because you connected the million tiny pieces of my broken heart." Wika ni James, nakahiga pa siya sa kanyang kama. Nakaligtas siya sa binggit ng kamatayan, hindi pa oras para kami'y maghiwalay.
Si Zylim nakulong siya dahil sa kanyang ginawa at hindi na siya makakapanggulo ulit samen ngayon.
Simula no'n, naging masaya na kami ni James at napag-alaman ko na rin kung bakit minsan ay nakikita ko siyang nakatambay sa labas ng kwarto ko, binabantayan niya lang pala ako dahil nag sleep walk ako sa tuwing kalagitnaan ng gabi, kahit daw napupuyat siya sa pagbabantay ayos lang h'wag lang daw ako mapahamak at masaktan.
At alam ko na din kung bakit lessons namin ang gusto niyang ituro ko sakanya, siya kasi 'yong parating nagpapalagay ng sulat do'n sa locker ko inuutusan niya lamang si Roiland.
Naitago ko pa ang mga iyon kasi parang kapareho ng sulat kamay ni James, ang saya lang talaga kasi siya pala talaga mismo ang nagsulat no'n...
Share ko sainyo ang iba...
"Your name is the only noun that always circulates in my mind."
"My favorite preposition is to be by your side."
"You are my hyperbole cause when I see you, my heartbeat exaggerates."
"I will not be like Zeus, you will be my only girl."
At napakarami pang-iba.. Share ko 'yong iba sainyo sa susunod na kwento ko.
Naging kami ni James at sabi niya hindi siya magsasawa na mahalin ako. Patuloy pa rin siya sa pagsulat ng mga messages para saken.
Si Ava naman ay sinuportahan na lamang ako kahit na crush niya pa ang boyfriend ko.
Mag-antay na lang kayo at ikukwento ko din sainyo ang susunod na mangyayari saming dalawa ni James pero ngayon masaya kaming magkasama subalit binubwisit niya pa rin ako.
Salamat sa pagbabasa ng kwentong ito, kung paano ko nakilala "Ang Bwisit Kong Boyfriend"
(Just wait for the part II)
[]