2

2314 Words
LOGAN NASA opisina ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Gavin na nagsabing pumunta ako sa kanyang opisina, kinuha ko ang susi ng kotse at dumiretso na sa company nyo. Matagal ko ng kaibigan si Gavin mula pa noong mga college pa kami hanggang ngayong may asawa na ito. “Well, am Logan Ruiz ang aking pamilya ay ang pangalawang mayamang pamilya ngunit hindi sapat ang yaman upang makipagkumpitensya sa pamilyang Milestone.” Hindi nagtagal ay dumating ako sa kumpanya ng Milestone incorporation, dumiretso ako sa opisina ni Gavin ng walang pumipigil sa akin dahil alam naman nila kung sino ang ako. “Hey dude,” bati agad ko sabay upo sa harapan nito. “Bakit ang tagal mo?” tanong nito. “I have my own company to take care of dude, at itong oras lang na ito ang available ko.” Sagot ko rito. “Bakit mo ako pinapunta rito?” tanong ko na nakatingin sa picture na nakakalat sa desk niya. “Si Mia ba iyan,” gulat na tanong ko. “No, she is not my wife.” Malungkot na sagot ni Gavin. “Pero kamukha niya si Mia na asawa mo,” hindi makapaniwalang saad ko. “Sana siya ang asawa ko, pero hindi siya iyan,” malungkot paring niyang sabi. “Nalaman mo na ba ang background niya?” curious na tanong ko. “Pinahanap ko ito kay Lorence,” “Pero paano kung siya nga ang asawa mo anong gagawin mo?” “Well, I don't know yet,” sabi ni Gavin at bumuntong hininga. Sasagot na sana ako ng biglang pumasok si Lorence na kanang kamay ni Gavin hawak ang envelope na brown at iniabot iyon kay Gavin. “Boss, nakita ko ang files ng babae, her name is Amanda Lorenzo. The second young miss of the Lorenzo family,” sabi ni Lorence at nilapag ang mga files sa desk ni Gavin at binuksan naman ito ni Gavin at inilabas ang mga files at pinagmasdan ito ng mabuti. “Anong gagawin mo ngayon dude?” tanong ko sa kanya nang malaman namin ang pangalan ng babae. “I have no, choice but to make her act like Mia for got sake of my son,” sagot nito kaya nagkatinginan kami ni Lorence sa sinabi ni Gavin. JAMES(His 8 years old) PUMASOK ako ng palihim sa opisina ni dad sa bahay namin ng malingat ito, dahil may tumawag dito, habang nagrerequest ko sa kanya ng makakain. I can't wait to see my mom again, I sneak into dad's office when he was peak up the calling his cellphone. I saw a file on his table at binuksan ko iyon at nakita ko ang address ni mommy at iba pang impormasyon na nakapaloob sa brown envelope na iyon, kinuha ko ang address na nakasulat sa isang pirasong papel at tahimik na umalis sa kanyang opisina at dumiretso sa papalabas ng bahay, mabuti na lang at walang nakakita sa akin. Pumara ako ng taxi at ibinigay ko sa driver ang address na nakasulat doon, ayaw pa nga nito pero binigyan ko ito ng pera na sobra pa sa alam kung ibabayad ko na kinuha ko sa wallet ni dad na nakapatong sa files ni mommy. Kaya agad nang pinaandar ng mamang driver ang taxi patungo sa address na nakasulat doon. Hindi nagtagal ay nakatayo ako sa pintuan ng apartment, huminga muna ako ng malalim at saka ako kumatok at naghintay na pagbuksan ako. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at tumambad ang isang babae na nakasalamin. “Hello cutie boy, sinong hinahanap mo?” tanong nito sa akin. “I came to see my mom po,” excited kong sabi rito. “Who is your mom?” gulat na tanong nito and then I saw mom standing looking at me with a shocked expression. “Siya po ang mommy ko.” sabi ko sabay turo ko kay mommy. “Ano?” gulat na sabay na sabi nila sa akin. GAVIN ISANG oras na ang nakakalipas at hinahanap pa rin nina Liza si James, kung saan-saan na nila ito hinahanap, ngunit hindi nila ito mahanap. Balita nila sa akin twenty minutes left before ko nalaman na nawawala ang aking anak. Tinanong ko na ang dalawang katulong ko pero hindi raw talaga nila mahanap nakita ang anak ko. Kaya nagpatulong na ako kay Liza at Lorence sa paghahanap at baka na paano na ito. Umalis na ako patungo sa company, habang hinihintay ko na bumalik sina Liza sa paghahanap ng anak ko. Pagkarating ko roon ay naabutan ko ang aking ina na naroon kaya nagulat ako ng makita ko ito roon. Agad naman akong pumasok at sinalubong nito. “How are you doing son?” tanong agad ni mommy sa akin. Pinakalma ko ang sarili at hinarap ko muna ang aking ina. “Okay lang po ako, ano po ang nagdala sa inyo dito?” Tanong ko. “Why, Is it a crime if I come and see how my son is doing,” sabi naman nito habang nakangiti. “I know you mom you must have a reason for coming straight to my office today,” sabi ko at umupo sa swivel chair ko. “Well, I came to you, to inform you na makikipag-date ka sa anak ng kumare ko bukas,” walang gatol na saad ni mom, kaya napakunot ang aking noo. “What the hell mom, I can't go to your stupid plan.” Galit na sabi ko. “Bakit anak kailangan mong bigyan ng mommy na mag-aalaga sa apo ko, mabait ito son, kaya pagbigay mo na si mommy, sigurado akong magugustuhan mo siya,” sabi pa nito. “I can't go on a date, kung sino man iyang mom,” naiinis na sagot ko. “Well, you have no choice but to do as I tell you, just one date Gavin kung hindi ito mag work, promise hindi na kita pipilitin,” nagmamakaawang saad nito kaya napabuntong hininga ako dahil sa kakulitan nito. “Sige but hindi ko pinapangako na magugustuhan ko ang ipapadate mo sa akin, pagbibiyan po kita dahil mahal ko kayo.” matamlay na sang-ayon ko na lang dito para wala ng mahabang usapan dahil nag-aalala parin ako sa anak ko. “Maraming salamat anak, kaya mahal na mahal kita.” Masayang sabi nito at niyakap ako. “Wait naman nga pala ang apo ko? Hindi ko pa siya nakikita simula ng dumating ako rito 'di ba lagi mo iyong kasama dahil bakasyon ngayon?” tanong nito kaya gumawa ako ng alibi dahil ayaw ko na siyang mag-alala. “Kasama niya si Liza, mom, pinabili ko ng makakain naming mag-ama.” Pagsisinungaling ko. ”Ai, ganoon ba anak, sige, ingatan mo ang sarili mo at si James baka sa makalawa ay dalawin ko kayo sa penthouse,” sabi naman nito at nagpaalam na sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at dinial ko ang telepono ko para ifollow up kung nahanap na nila ang anak ko. AMANDA HINDI makapaniwala si Maymay na may anak na si Amanda, laking gulat niya nang tawagin ng maliit na bata si Amanda na ina nito. “Sigurado ka bang hindi ka naliligaw bata?” Maymay asked James again as she allow him to enter the house, masaya namang pumasok ang bata at lumapit sa akin. Hindi ko naman alam ang sasabihin dito, ayaw ko naman na mapahiya ang bata kapag sinabi kong hindi ko siya anak, kaya itinikom ko na lamang muna ang aking bibig, pero di parin ako mapakali sa mga tingin ni Maymay sa akin. “Anong pangalan mo?” tanong ni Maymay dito at tiningnan ako nito na may nagtatanong na tingin pero hindi ito nagsalita or nagtanong dahil kaharap namin ang bata. “My name is James and am eight years old po.” sagot naman ng bata na may ngiti sa labi. “Ang cute mo naman.” Sabi ni Maymay sabay kurot sa pisngi ng bata. “Ikaw po ano pong pangalan mo?” bakit tanong ng bata kay Maymay. “My name is Maya but you can call me your ate Maymay,” sabi ni Maymay. “Kumain ka na ba James?” nag-aalalang tanong ko rito. “You don't have to worry mom, i'm full,” sagot nito na may ngiti sa kanyang cute na maliit na mukha. “I will leave for work now Anding,” sabi ni Maymay at lumapit sa akin; Maya tayo mag-usap kung hindi lang ako mali-late iinterview-hin kita sa batang iyan na nagpakilala sa atin na anak mo.” “Sige bestie, mamaya na ako magpapaliwanag sayo, pero hindi ko anak ang batang iyan,” sabi ko naman dito na pabulong kaya tumango ito at saka binalingan ang bata at nagpaalam dito na aalis na. Nang kami na lang dalawa ng bata ay nagtanong ito sa akin, “Mom bakit po pala hindi ka umuwi sa atin noong isang araw?” inosenteng tanong nito na medyo maluha-luha na. “I'm sorry honey, pero madami ako ginagawa.” Nag-aalangang sagot ko naman dito habang pinupunasan ko ang ilang butil ng luha na pumatak na sa mga mata nito. Hindi ko alam kung kailangan kong sabihin dito na hindi ako ang ina niya pero paano, baka umalis ito at mapahamak, kaya naninindigan ko muna na isipin nito na ako ang kanyang mommy habang hindi ko pa ito na ihahatid sa totoong ina at sa ama nito. “Mom, ipangako mo sa akin na hindi mo na ako iiwang muli,” sabi nito. “I promise, pero sa ngayon ay kailangan kitang maihatid sa inyo, baka nagaalala na ang daddy mo sa'yo.” sagot ko naman. “Ay Oo nga po pala, maaari po bang pahiram ng cellphone mo po tatawagan ko lang po si Daddy para sunduin na tayo!” masayang saad nito kaya ibinigay ko ang cellphone ko para na rin makausap ko ang magulang nito at nang masabi ko na sa bata na hindi ako ang mommy niya, para hindi na ito umasa na ako ang mommy nito. “Of course honey, para masundo ka na ng daddy mo.” Sabi ko sabay bigay ko ng phone rito. GAVIN TATAWAGAN ko nasa si Liza ng may kumatok sa pinto at pumasok doon si Liza para ipaalam sa akin na hindi pa nito nahahanap ang anak ko, kaya nag-alala akong tinawagan ko si Lorence at baka nahanap na nito si James. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ito, tatanungin ko nasa ito nang tumunog ang phone ko kaya pinigilan ko muna ito sa ibabalita niya at sinagot ko ang tawag nalaman kong si James iyon ng nabosesan ko. “Dad, please pick me up dito kay mommy, nakita ko na po ulit si mommy.” Masayang saad nito sa kabilang linya na nagpatigil sa akin. Alam ko na kung sino ang tinutukoy nito na mommy kaya agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagmaneho papunta sa Address na ibinigay sa akin ni Lorence, mabuti nalang at tanda ko ang address na iyon. Doon ko lang naalala na baka nakita ni James sa kanyang opisina sa bahay ang mga files ng babaeng iyon, kaya naisipan nitong puntahan. Kung bakit naman kasi hindi ko agad naisip iyon kanina. Makalipas ang twenty five minutes ay nakarating ako sa isang apartment na nagtuturo sa address na iyon. Huminga ako nang malalim at saka bumaba ako at kumatok nang malakas, pagkaraan ng ilang segundo ay agad na bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang isang babaeng kamukhang kamukha ng nawawala kong asawa. “MIA!” walang kamalay-malay na sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan ko ang sarili kong madala ng emosyon ko. AMANDA NAKATAYO lang ako na parang estatwa at hindi agad ako nakakibo habang niyayakap ako na isang lalaki habanf tinatawag akong Mia. I'm so confuse right now, makalipas ang ilang minuto ay binitawan niya ako at pinagmasdan habang may iba't ibang emosyon sa mga mata nito. “Daddy!”masayang tawag ni James na nagputol ng katahimikan sa pagitan namin ng lalaki. Kaya agad na inalis nito ang mga titig sa akin at ibinaling sa bata. “You must be James dad well it nice meet you, sir.” I said with a smile on my face kahit naiilang ako rito. “I-i'm Gavin, salamat sa pagkupkop kay James kahit ilang oras, humingi ako ng sorry sa ginawa at sinabi niya sa'yo, pasensya na!” Sabi naman niya sa akin . “I'm Amanda, it nothing naiintindihan ko naman ang anak mo.” “Mommy, nandito na si daddy uwi na tayo please, mis na mis ka na namin ni Dad.” “James, may sasabihin ako sa'yo, hindi talaga ako ang m. . . “Hindi pa pwedeng sumama ang mommy mo son, busy pa siya ngayon, maybe next day ay isasama na natin siya pauwi.” Pagpuputol nito sa sinasabi ko at tinawag pa talaga nito ng mommy ng anak nito. Naguguluhan naman akong napatingin dito at nagtatanong ang mga mata. “Lorence, isama mo na ang anak ko sa loob ng sasakyan, at may pag-uusapan pa kami ng asawa ko.” Saad nito at hindi ako pinansin. Doon ko lang napansing may kasama itong isang lalaki, inakay na nito si James na ayaw pa sanang sumama kaya lang kinarga na ito ng lalaki. “Sige na honey, sumama ka na sa kanya, uuwi ako in the next day, don't w-worry.” Sabi ko naman sa bata para makauwi na ito at kailangan kong kausapin ang ama nito. Nginitian ko pa ito kaya ngumiti rin ito sa akin at tuluyan na itong sumama sa lalaking kasama ng ama nito. Pagkaalis ng bata ay hinarap ko ang ama nito at tinignan ko ito ng mapanuri. “Can we talk? I have a proposal for you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD