5

2184 Words
AMANDA “MAYMAY, aalis na ako bukas,” sabi ko habang nakatingin sa kanya. “Ah, saan ka pupunta?” tanong niya. “I already accept to be James mom and also as a substitute wife with Gavin,” sabi ko na ipinaliwanag ko na dito simula ng makilala kami ni James at kung bakit mommy ang tawag nang bata sa akin, pati ang pagpapanggap ko bilang ina at asawa ni Gavin wala akong inilihim dito kahit na isang pangyayari kaya alam na niya ang tinutukoy ko. “Pero, bakit kailangan mo ba talagang umalis at tumira sa kanila?” malungkot na tanong niya. “Oo Maymay, para magmukhang totoo ang lahat,” sabi ko naman. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” “Oo, alam mo naman kailangan ko ng pera dahil gagamitin ko iyon sa paghahanap ko ng tunay na pagkatao ko 'di ba?” sagot ko naman kaya napabuntong hininga ito. “Sige kahit anong desisyon mo alam mo naman na i'll support you, so paano mamimiss kita ng sobra!” sabi niya at niyakap ako niyakap ko rin ito ng mahigpit. “Mamimiss din kita Maymay,” sabi ko sa kanya at ngitian ko ito. “Promise to call and visit me, and if ever na may gawin sayo ng hindi maganda si Gavin ay sabihin mo lang sa akin para maturuan ko siya ng leksyon,” sabi niya na may ngiti sa labi. “Pangako!” sabi ko. “So tonight is the girl night para sa atin, kaya sulitin na natin ang gabing magkasama tayo, kaya tara na manonood na tayo ng paborito naging mga movies!” aya niya sa akin kaya napangiti ako. “Syempre sweetie susulitin natin ito ngayon,” masayang sang-ayon ko naman dito. GABRIEL NAKAUPO kami ni daddy, mommy sa dining room at kumakain ng hapunan. “Sinong babaeng handang pakasalan ng kapatid mo at papalit kay Mia?” tanong ni Dad. “I have no idea dad, basta sabi niya ay surprise raw.” Sagot ko naman agad dito. “Dapat niyang dalhin ito sa mansyon ang babaeng iyon ngayong weekend, mabuti nalang at may papalit na kay Mia, at nang hindi na muling maging malungkot ang buhay ng kuya Gavin mo.” sabi naman ni Dad. “I already informed him about that, i also want to know the woman who was able to tame his cold heart again,” sabi naman ni mom. “Okay then we shall find out soon,” sabi ni dad saka kami nagpatuloy sa hapunan. Pero duda parin ako sa babaeng ipapalit nito kay Mia. GAVIN KATATAPOS ko lang maghapunan ng nagpasya akong ipaalam kay Miss, Maurine ang tungkol kay Amanda. Si Miss Maurine ay isang taong napakahalaga sa aming pamilya at siya ay nag-iisa lamang na naging loyal na pinakamatagal naming pinagkakatiwalaan at siya lang ang may karapatang tumawag sa aking pangalan na walang boss or Mr na nakakabit sa aking pangalan. “Miss. Maurine I want you to inform the maid to clean my room and also the closet, idamay mo na rin ang guest room.” utos ko rito. “Okay Gavin, pero bakit may bisita ba tayo?” tanong niya. “Oo miss Maurine at walang ibang tao or sino ang bisita natin kundi ang asawa ko na si Mia,” sabi ko. “Talaga sir? Nahanap mo na si Miss Mia?” masayang tanong nito kaya tumango ako at saka ngumiti rito. AMANDA IT'S another morning again, I can't believe na lilipat ako ngayon sa bahay ni Gavin, I feel so nervous and scared because from now on everyone will see me as Mia the Gavin's wife and also as James' mother. “Kaya ko 'to,” sabi ko sa sarili ko na pilit pinapakalma ang nerbyos ko. “Amanda ready ka na ba?” sigaw ni Maymay mula sa sala. “Malapit na akong matapos,” sagot ko naman habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Dumiretso na ako sa sala at nakita kong naghihintay na si Gavin doon, nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na susunduin niya ako. “Ready kana?” sabi ni Maymay. “Oo best ready na ako salamat,” sabi ko sabay yakap sa kanya. “Mamimiss kita, Amanda.” sabi nito. “I will miss you too, Maya(Maymay).” I said after kumalas sa pagkakayakap nito. I follow Gavin outside to the his car, pagkarating ko roon ay pinagbuksan niya agad ako ng pintuan and he entered the driver's side and then drove off to her house. Tahimik lang kami pareho at wala ni isa sa amin ang sumubok na magsimula ng isang pag-uusap, dahil kami ay nakalibing sa aming sariling mga pag-iisip. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang penthouse na sa tingin ko ay tahanan ni Gavin. “I'm sure James will be so happy to see you,” sabi ni Gavin nang agad kaming lumabas ng sasakyan nito at dumiretso sa loob ng bahay. “Talaga!” sabi ko. ”Well, hindi ko sinabi sa kanya ang pagdating mo ngayon dahil gusto ko siyang sorpresahin,” sabi niya. “I'm sure he will be soo happy,” I said thinking about James' expression when he saw me. JAMES NASA kwarto ako at kakagising ko lang nang pumasok si miss Maurine, para ipaalam na gusto ako ni dad kausapin sa sala. “Bakit pa kaya nasa bahay pa si dad ng ganitong oras?” tanong ko sa sarili ko. Dumiretso ako sa sala at nakita ko si dad na nakaupo na parang walang kumpanyang aasikasuhin. “Bakit nasa bahay ka pa po daddy?” curious kong tanong. “Sinundo ko lang naman kasi siya kaya nandito na ako agad,” sabi ni dad at saka ito ngumiti sa akin. “Sino po ba ang sinundo ninyo daddy?” I asked impatiently dahil pabitin ito sa gusto nitong sabihin sa akin. Then a figure entered the door, I could see the person clearly, dahil medyo nasilaw ako sa liwanag na nanggaling sa pagbukas ng pintuan, until the person called my name instantly, I know who it was. “James!!” tawag nito sa akin kaya bigla akong nabuhayan at nawala ang antok ko. “Mom!” sabi ko at tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ito. “Kumusta ka na anak?” tanong nito at nakangiti ito ng malapad. “Okay lang po ako mommy at miss na miss na po kita, akala ko po ay another weekend pa po kayo uuwi, sabi po ni Dad.” “I miss you too honey, maaga kasi natapos ang kontrata ko sa work ko kaya ngayon ako naka-uwi.” sabi naman ni mommy na may ngiti sa labi. “So mom are you staying with us for good?” curious kong tanong. “Oo, naman honey at mula ngayon ay maalagaan na kita ng maigi.” Sagot nito. “Talaga mom and are you staying forever?” naiinip kong tanong. “Off course, honey I'm staying f-forever.” sabi nito kaya napasigaw ako sa saya. “Yehey, complete and happy na ulit po tayong lahat.” Masaya kong saad na may malawak na ngiti sa aking mga labi. GAVIN DUMIRETSO na ako sa kwarto ko or should I say our room kasi si Amanda ay doon na rin matutulog wala pa naman doon si Amanda dahil busy sila ng aking anak na mag bonding ng araw ding iyon. Pumasok na ako sa banyo at naligo at nang matapos ako ay pumili ako ng black suit sa closet ko, then sinuot ko na ito at inayos ko rin ang aking kurbata. Kinuha ko na ang briefcase ko at dumiretso sa sala. “Aalis na ako,” paalam ko kina Amanda at James. “Hindi ka na ba mag-aalmusal?” tanong ni Amanda. “Nag-almusal na ako bago kita sinundo.” Sagot ko naman and trying hard not to show that i'm happy kasi this is the first time in two years na wala si Mia ay may nagtanong sa akin kung kumain na ba ako. “Uuwi ka ba ng maaga,” tanong ni Amanda na naputol ang pag-iisip ko. “Oo, lagi naman ako umuuwi ng maaga 'di ba!” Sagot ko rito at tinignan ko ito ng masanay na lagi na kumilos bilang si Mia nakakaunawa naman itong nagsalita. “Ay, Oo nga pala, Okay then i will cook dinner for tonight.”She said with a smile on her face. Ngumiti ako rito at ibinaling ko ang tingin kay James. ”Oh kiddo, huwag kang malikot dito kay mommy mo, okay!” “I won't dad, magiging behave ako,” he replied then lumabas ako na ako ng bahay. CLAIRE “MAAM, nalaman ko po na siya talaga si Miss Mia ang babaeng iyon na kasama ni Sir Gavin ng araw na nakipagkita siya sa inyo. At mali po ang napatay ng isa mong tauhan. Siya po ang kakambal ni miss Mia na si miss Lia na kakambal nito.” Sabi ng isang tauhan ko. “What? how could that guys make such mistake?” galit na sabi ko. Magkamukha kasi sila kaya akala siguro nila ay ito na si Miss Mia, pero po ng araw na pinapatay mo si Miss Mia ay nagpakita ito sa kakambal nitong nawawala kaya siguro nalito ang tauhan n'yo ma'am.” Sagot naman nito kaya naggalaiti ako. Pinatawag ko ang tauhan ko na inutusan kong ipapatay ang asawa ni Gavin. Nanginginig naman itong pumasok kaya sinamaan ko ito ng tingin. “Tell me what the hell happened to the real Mia kung hindi siya ang napatay mo, at bakit hindi niya ako naalala ngayon? Sumagot ka ng ayos kundi papatayin kita.” Sigaw kong tanong. “Nang araw po kasi na papatayin ko siya ay nagpakita po si Miss Mia sa kakambal nitong nawawala, kaya po nalito ako kung sino sa kanila ang tunay na Mia. Nang barilin ko po ang isa ay sumigaw po ang tunay na Mia na Lia kaya po doon ko nalaman na mali po ang nabaril ko. Kaya po binalak ko na lang na patayin silang pareho, pero po mabilis silang nakasakay sa kotseng dala ni Miss Mia, kaya po hinabol ko sila at pinaputukan ko ang sasakyan nila, kaya sila na aksidente at nahulog sa bangin ang sinasakyan nila hindi ko na po sila sinundan, pero po sinisigurado ko po na patay na sila.” Nanginginig na pagtatapos nito sa pagkukuwento nito. “Paanong mamatay eh, nabuhay nga ang totoong Mia, inutil ka, pasalamat ka at wala siyang naalala kundi papatayin talaga kita ngayon.” Sigaw ko rito at gigil na itinutok ko ang baril ko sa dalawa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil mapapakinabagan ko pa ito. Huminga ako ng malalim bago ako muling nagsalita! “I want you to always monitor her every minute, it might be she is pretending, kapag pumalpak ka pa may kalalagyan ka na talaga sa akin, maliwanag?” utos ko sa inutil na iyon. “O-Okay boss,” sabi nito at nagmamadaling umalis na. “Bakit hindi ka na lang namatay Mia, bakit ka pa ba nabuhay para kang pusa maraming buhay hindi ka pa mamatay-matay.” Gigil kung sigaw. SOMEONE “ANY news about my daughter's?” Tanong ko sa aking imbestigador. “Iyong isa po ay nalaman namin kung saan siya napunta matapos siyang mawala napadpad po siya sa bahay ampunan at doon siya lumaki at nagkaisip,” sabi nito. “Anong pangalan ng orphanage?” curious kong tanong. “Ang pangalan ng orphanage po ay bahay kalinga na pinamumunuan ni mother Susana, siya po mismo ang nag-alaga sa anak mong si Lia. Ngunit po umalis siya sa orphanage noong siya ay nasa dalawampu't dalawang taong gulang at napadpad dito sa Maynila hanggang doon lang po ang nakalap kong impormasyon tungkol sa kanya.” “I-iyong isa, anong balita mo na sa kanya!” Nalulungkot kong tanong “Ang isa naman po ay naampon ng isang mayamang pamilya ng mga Osana pinag-aral at nakatapos ito na may karangalan at pagkatapos ng pag-aaral niya ay nagpakasal ito sa isang businessman na si Gavin Mileston at nagkaroon sila ng isang anak. Ngunit sa kasamaang palad po ay nasangkot ito sa isang aksidente at sa malungkot pong balita ay namatay raw po ito,” Saad nito. “Ano? P-Patay na ba siya o buhay pa ang anak ko?” naiinis kong tanong. “Well sir, hindi ko po masasabi, pero pinapangako ko po na gagawin ko ang lahat para malaman kung buhay pa ang isa mong anak.” Saad nito kaya napabuntong hininga na lang siya. “Sige, basta 'wag na 'wag kang titigil hanggat hindi mo sila nahahanap, buhay man or p-patay.” Naiiyak niyang saad sa huling sinabi niya. “Opo, sir! Makakaasa ka po, mauuna na po ako sainyo.” Paalam nito. ‘I can't just wait to see my two daughters, nararamdaman kong buhay pa sila at sana makita ko ang narin ang aking apo, pero bago muna ito ay kailangan ko munang mahanap ang kambal ko.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD