7

2279 Words
MAYA(maymay) “IT'S not what you think Maya, I didn't kiss her, I didn't even know that she was about to do that,” sabi ni Lendon sa akin. “I don't care who she is and why you kiss her. Besides magkaibigan lang naman tayo, kaya hindi mo na kailangang magpaliwanag sa akin, okay lang ako.” Sabi ko rito at iniabot ko ang lunch sana nito kanina. Naabutan kasi niya ako ng habulin niya ako. “Sigurado ka bang hindi ka talaga galit?” tanong nito kaya inaayos ko ang mukha ko. “I'm not,” I said trying so hard na huwag malaman niya na medyo galit ako sa nakita ko. Dahil hindi ko naman alam ang idadahilan ko dito kung bakit ako nakakaramdam ng konting selos kanina. “So back to normal na ba tayo?” tanong niya. “Hindi naman tayo nag-aaway ah?” sabi ko. “Sabi ko nga, salamat nga pala sa pa-lunch mo.” Nakangiting saad nito sa akin. Ilang minuto lang ang lumipas ay umalis na si Logan, kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang at manood movies. Nang makauwi ako ay nagsimula na akong manood ng movie matapos ko lang makapag-body wash at makakain. Nang makarinig ako ng katok sa pinto binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang babaeng nakita ko sa opisina ni Logan. “Who the hell are you and how do you know my house and what do you want?” galit na galit kong tanong. “Sinundan ko kayo ni Logan, layuan mo siya kung ayaw mong mapahamak.” banta niya sa akin. “And why the hell will I listen to a desperate b***h like you?” sabi ko at nginisian ito. “Dahil akin si Logan kung ayaw mo ng gulo, layuan mo siya,” walang takot na sabi nito. “I don't f*****g care, but i will tell you this i'm not afraid of you and if you think pwede ka na lang pumunta sa bahay ko para takutin ako, then you are confronting the wrong person at si Logan is my boyfriend so stay away for him.” sabi ko naman dito at sinarahan ko ito nang pinto. Ako pa talaga ang tinakot at binalaan niya. AMANDA MAAGA akong nagising para matulungan ko si miss Maurine na mag prepair ng almusal, pumunta ako sa kwarto ni James para ihanda siya ng maayos bago kumain.” “Wake up son.” Gising ko rito na agad naman itong nagmulat ng mga mata. “Good morning mommy,” bati niya sa akin habang nag-iinat ng braso. “Kumusta ang tulog mo? Maayos ba?” tanong ko. “Best night ever mommy, dahil nanaginip po ako.” Masayang sabi nito. “Talaga? Tungkol saan ang panagini mo?” masaya namang tanonh ko rito. “Nanaginip ako na binigyan mo raw po ako ni daddy ng isang baby sister,” nakangiting sabi nito. ”Talaga?” napangiwi ako dahil sa sinabi nito. “Hindi ba't ang ganda ng panaginip ko mommy?” tanong nito. “O-Oo naman son, come on it's time to take your bath,” I said, trying to change our conversation. “After maligo ni James ay pumunta na din ako sa room namin para mag freshen up and thank God na wala si Gavin doon. Sa guest room kasi ako natutulog sa katabi ng higaan ni Gavin at doon lang ako kumukuha ng damit para walang makapansin na magkahiwalay kami ng silid. Makalipas lang ng ilang minuto ay nakaupo na kami ni James sa dining at nag-aalmusal nang sumama sa amin si Gavin, nakabihis na siya para pumasok sa trabaho. ”Good morning wifey!” agad niyang bati sabay halik nito sa pisngi ko, halos mabulunan ako sa kinakain ko ng gawin niya iyon sa harap ni James at ni Miss Maurine. “G-good morning too, h-honey!” Naiilang na sagot ko habang nakatingin sa mukha ni James na nakangiti at hindi ako tumingin kay Gavin na alam kong nakatingin sa akin. Medyo na disappointed ito at umupo sa unahan na upuan pero nagtanong parin ito sa akin para hindi makahalata si James. “My night was great and yours?” tanong niya sabay inom ng kape nito. “Mabuti naman,” sagot ko naman sa kanya. GAVIN YESTERDAY was the best night ever I won't deny it, I just wish na nasa bahay lang ako buong araw kasama ang mag-ina ko. Matapos ko itong batiin ay hindi naman ito tumingin sa akin, kaya na disappoint ako ng kaunti, pero hindi ko pinahalata kay James at masaya parin akong umupo sa puwesto ko. “My night was great and yours?” tanong ko rito sabay inom ng kape ko at casual parin akong nagtanong dito. “Mabuti naman,” sagot naman nito saka lang ito tumingin sa akin pero saglit lang alam ko naman na sinasanay pa nito ang sarili na maging si Mia kaya naiintindihan ko ito. Para hindi naman maging akward ang almusal namin ay masigla akong nagsalita sa mag-ina ko. “Pupunta pala tayo sa Milestone mansion mamayang gabi para sa isang dinner, dahil gusto ka ng makita nila mommy, hon!” sabi ko. “Kaya, siguraduhin nating maghanda tayo bago ang oras na itinakdang dinner.” Dugtong ko pa kaya napatango si Amanda at masaya namang nag yehey ang aking anak, matagal tagal na kasi mula ng makadalaw kami ni James sa mga lola nito dahil naging busy ako noon kakahanap kay Mia at sa kumpanya. “Okay aasikasuhin ko ng maaga si James.” Sabi naman nito sa akin at tiningnan si James at ngumiti dito. Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako at nagpaalam na sa dalawa. “Bye honey, bye son see you laters.” Pagpapaalam ko sa kanila at umalis na ako papuntang office. MILESTONE MANSION LORINZA EXCITED na akong makita ang bagong manugang ko na ipapakilala na sa akin ng anak kong si Gavin. Salamat naman at may bago na itong minamahal at hindi na mag-iisa dahil may kapalit ang nawala nitong asawa. Sobrang kagalakan ang naramdaman ko dahil mukhang bumalik na ang anak kong si Gavin, na masayahin at laging positibo sa buhay. “Nailagay mo na ba lahat ng pagkain sa mesa?” I asked one of my maid. “Opo ma'am, nakahanda na po ang mga pagkain.” Masaya naman sagot ng maid na naka-usap ko. “Okay then, pwede ka nang umalis,” sabi ko. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sila, tumakbo papalapit sa akin ang aking apo, habang may bitbit itong tatlong rosas na dilaw na paborito kong laging dala nito tuwing dadalaw ang mga ito sa amin ng lolo nito na asawa ko. “Lola,” sabi nito sabay abot ng bulaklak nito na agad ko namang kinuha. “Kumusta ka na mahal kong apo?” Masayang tanong ko. “Okay lang po ako lola,” ”Nasaan ang daddy mo at ang bagong mommy mo?” tanong ko. “Pinarada lang po ni Daddy ang sasakyan namin, kasama niya si mommy lola saka po wala po akong bagong mommy dahil po may mommy na ako, ikaw po talaga lola nakalimutan mo na.” Natatawang saad naman ng apo kung si James kaya napakunot ang noo ko. “Mommy mo?” tanong ko. “Opo, kasama namin si mommy ngayon,” sabi nito at pinuntahan ang lolo niya kaya lalo akong naguluhan. Pagkalipas lang ng ilang minuto, ay pumasok si Gavin kasama ang isang babaeng kilalang kilala ko. “Mia!?” gulat na sabi ko. LORINZA “MOM, dad, si Mia po, natagpuan ko na, siya.” Masayang announce ni Gavin sa amin kaya napanganga ako. “Si Mia ba talaga 'yan?” hindi ako makapaniwalang tanong. “Magandang gabi, mommy Lorin.” Nakangiting sabi nito sa akin. “Oh God, salamat naman at natagpuan ka na ni Gavin.” Natutuwang saad ko. “Ako rin po, pero pasensya na po kung wala akong maalala, nagka- amnesia po kasi ako.” Nahihiya nitong saad at saka napayuko. “You mean, wala kang maalala, paanong nangyari?” naguguluhang saad ko. “Mom, saka na kami magpapaliwanag ni Mia, kapag nakapag-dinner na tayo.” Sabat naman ni Gavin kaya napatango ako. “Oo, naman, halina kayo at nang makakain na tayo dahil marami pa kayong sasabihin sa akin, pero masaya ako Mia, dahil sa wakas magiging masaya narin sina Gavin ulit.” Masaya ako sa totoo lang pero nalulungkot ako ng malaman kong walang maalala si Mia. Makalipas ang ilang minuto ay nakaupo na kaming lahat sa sala, pagkatapos kumain. Kaya nakapag-kwento na sa amin si Gavin kung saan niya natagpuan si Mia na walang labis at walang kulang. “Bakit hindi na lang kayo mag-stay dito ngayong gabi?” tanong ko ng magbalak na silang umuwi. “Pero mom, may pasok pa ako bukas.” sagot naman ni Gavin. “Alam namin, pero anak, matagal na kayong hindi nakakabisita sa amin, lalo na nang mawala sa aksidente si Mia,” sabi naman naman ng asawa kong si Guillermo. “Okay, panalo ka na dad, we will stay for tonight.” Sabi na lamang ni Gavin sa ama nito. “Okay then, I will ask the maid to prepare your old room and James will sleep with his tito Gabriel,” masaya ko namang saad sa kanila. GAVIN I FEEL so hot ever since after dinner, dahil nag-inuman pa kami ni dad at ni Gabriel kaya medyo may tama na ako ng alak. Kaya nang maakyat agad ako sa taas ay agad na akong pumasok sa tutulugan namin ni Amanda na dati kong silid noong dito pa ako nakatira. Wala pa naman ito, dahil niyaya ito ni mommy na makipagkwentuhan dito at kampante naman ako na walang magagawa o masasabing mali ito, dahil hindi sila magdududa dahil alam nilang walang maalala si Amanda na ngayon ay si Mia. Dumiretso ako sa banyo, dahil lalo akong naiinitan dahil sa espiritu ng alak, kaya para mawala iyon ay naligo ako at sinubukan kong palamigin ang init na nararamdaman ko sa katawan. Hindi sana ako iinom kaya lang kailangan ko ng alak, para makapagsalita ako at masagot ko ang mga tanong ni mommy tungkol sa pagkahanap ko bigla kay Mia(Amanda) hindi pa naman ako magaling magsinungaling pagdating sa mga parent ko. Para nga akong na hot set nila dad at mom kanina dahil sa mga tanong nito tungkol kay Amanda na pinagpapanggap kung si Mia. I took my towel and rap it around my waist then I went inside the closet na nasa banyo lang din at agad na nagbihis. After some minutes ay tapos na ako, kaya lumabas na ako papuntang higaan, pagkalabas ko, I saw Amanda, looking so beautiful that I couldn't stop staring at her dahil first time kaming magsasama sa iisang silid at first time ko siyang nakitang nakapangtulog. “Ayos ka lang ba?” tanong niya kaya napalunok ako. “A-ah! Oo, sobrang nainitan lang ang pakiramdam ko,” nauutal na sabi ko. “Ah ganoon ba, gusto mong kuhanan kita ng malamig na tubig para lumamig ang pakiramdam mo?” nag-aalalang sabi nito. “Okay lang ako, wala lang ito.” “Baka siguro na lasing ka sa mga ininom ninyo ng papa mo kanina,” “Baka nga matagal na kasi ako hindi umiinom simula ng mawala si Mia.” Sagot ko naman dito at pabulong lang ang pagkakasabi ko sa pangalan ng asawa ko. “Oh, sige, matutulog na ako diyan sa sopa, at diyan ka na lang sa kama, humiga. . . Pero wala sa sinasabi niya ako nakafocus, kundi sa mapupulang labi niya ako nakatingin, habang bumubuka iyon at parang inaanyayahan niya akong halikan siya. Kaya hindi ko na naisip ang mga ginawa ko at agad ko itong nilapitan at walang babala ko itong hinalikan na parang uhaw na lion. Lalayo na sana ito ng hawakan ko ang kamay nito ng mahigpit at tiningnan ko ito ng mataman na alam kung kinaiilang nito. “I-I need you, Amanda, please? I can't hold it anymore,” I said and kiss her habang hindi ito nakahuma. Pero mamaya lang ay bigla itong nag-responds sa mga halik ko kaya lalo ko itong hinapit at diniinan ang paghalik ko rito. AMANDA MATAMLAY akong tumayo mula sa kama at dumiretso sa banyo, nag-freshen up ako at bumalik sa loob ng higaan at nakita ko si Gavin na mahimbing na natutulog. Kaya tumigil ako at nilapitan ko ito at tiningnan ko ito ng matagal kaya napabuntong-hininga ako at hinaplos ko ang pisngi nito. Habang inaalala ko ang nangyari sa amin kanina, na kung paanong inangkin niya ako ng walang kahirap-hirap, kahit na noong una ay pilit kong kinu-control ang nararamdaman ko, pero kalaunan ay hindi ko parin na control ang sarili ko. Dahil inisip ko kanina ay asawa naman niya ako, kaya walang mali kung may mangyari sa amin nito. Pero nalulungkot ako, dahil alam kong bukas ay kailangan ko nang bumalik sa realidad na hindi naman talaga ako ang asawa nito. Pero dahil siguro na sanay na ako sa presensya nilang mag-ama ay nakalimutan kong hindi naman talaga ako ang tunay na mahal nito kundi ang asawa nito. Siguro nga habang nangyayari iyon ay baka nga si Mia pa ang nasa isip nito at hindi naman talaga ako. Kaya what happen tonight, it's was a mistake, I suppose not to have to happen again at sana ay hindi na niya maalala ang mga nangyari sa amin ngayong gabi. Kaya kailangan kong siguraduhin na hindi niya maaalala ito, dahil kapag binigyan ko pa ito ng ibang meaning ay ako lang ang masasaktan sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD