ETHAN RAMIREZ DAHIL wala akong klase sa araw na ito. Naisipan kong pumunta sa resort kung saan kasama ni Kurt ang buong team niya sa kanilang kumpanya. Gusto ko lang makita ang bonding nila at makisali na rin sa saya. Napakarami kasi ng ginawa ko buong linggo. Kaya ito na may pagkakataon na akong mag-enjoy, hindi ko na palalampasin. Gusto ko lang ng preskong hangin at malinis na paligid para makapag-relax. At sigurado ako na makikita ko iyon dito sa resort. Alam ko naman na matutuwa si Kurt kapag makita niya ako. Isa rin sa dahilan kung bakit ako nandito ay gusto kong makilala talaga ang mga kawani niya lalo na iyong sekretarya niya. Pakiramdam ko, magkakasundo kaming dalawa. Sa pagkakaalam ko, mabait iyon. Madalas kasi siyang kinukuwento sa akin ni Kurt. Kung hindi lang kami dalawa at s