KURT DE MERCEDES "DADA," mahinang sambit ni baby Ethan. Natulala ako nang marinig ito. Hindi ako makapaniwala. Ito ang unang beses na narinig ko ang tawag na 'yon mula sa kanya. Napalingon ako at tiningan ang anak ko na nakasakay sa kanyang baby walker. Pumantay ako rito at hinawakan ang malambot na pisngi niya. Mamula-mula pa ito dahil sa malabanos nitong kulay. "Ano 'yon, baby Tantan?" nakangiting tanong ko. Hindi ako nito pinansin at hinawakan lang ang kamay ko. Pagkatapos, kinurot niya ito. Nanginginig pa ang kamay niya at halatang nanggigil. Lumiit pa ang mga mata nito habang nagkasalubong ang mga kilay. Hindi ko naman mapigilang mapatawa. Ang cute lang kasi ng anak namin ni Tia. Mukhang nagmana talaga ang ugali nito sa akin. Iyon kasi ang palaging sinasabi ng mga magulang ko sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books