Ang Sulat Ni Victoria

927 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m  fb: Michael Juha Full ----------------------------------- Iyon ang simula nang tila pagmumukmok ni Damsel. Wala siyang ganang tumayo o kahit sumulip man lang sa labas ng kanyang pugad. Hindi rin siya kumakain. Ang dating sigla niya ay nawala at napalitan ito ng lungkot. Ramdam nina Abel at Victoria ang sakit na naramdaman ni Damsel. Sa kalungkutan ni Damsel ay muling nanumbalik din sa isip ni Victoria ang pagkawala ng kanyang mga magulang bunsod ng pagpaslang sa kanila. Na-depressed siya at nawalan ng sigla. Nang mapansin ito ni Abel ay kinausap niya si Victoria. Ikinuwento ni Victoria ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Ibinahagi rin ni Abel kay Victoria ang kuwento ng pagkawala ng kanyang mga magulang bunsod ng isang malagim na aksidente. "Halos pareho naman tayo. Pareho ang kapalaran nating tatlo ni Damsel. Iniwanan tayo ng mga mahal sa buhay," ang sambit ni Abel. "Ngunit siguro naman ay may dahilan ang lahat. At hindi dahil wala na sila ay hanggang doon na rin ang buhay. Kailangan nating mag move-on. Kailangan nating lumaban," dugtong ni Abel. Hindi na umimik si Victoria. Ayaw niyang magkuwento pa sa detalye ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakita ni Abel ang kahinaan ni Victoria. Iyon din ang unang pagkakataon na umamo si Victoria sa kanya. Pinahid ni Abel ang mga luha ni Victoria sa kanyang mukha. Hinayan siya ni Victoria. Akala ni Abel ay iyon na ang simula sa maganda nilang samahan ni Victoria. Sa isip ni Able ay handa na si Victoriang ligawan. Ngunit nagkamalis siya. isang araw, habang nasa may pintuan ng kuwarto is Victoria upang masimula na sanang maglinis sa kuwarto ni Abel, kausap ni Abel sa telepono ang kanyang pinagkakatiwalaang chief staff ng kumpanya. Nakaspeaker phone ang kanilang pag-uusap. Nagi-exercise si Abel, nagbubuhat Abel ng dumbells. "Hi Sir Abel. Second Death Anniversarry ng Mommy at Daddy niyo po ngayon," ang sambit sa kabilang linya. "Oo nga Ella. Thank you for remembering." "Kumusta po ang rest house project ninyo ng iyong namayapang mommy? Pati na rin ang animal sanctuary? Sikat na sikat ang channel niyo po sa Youtube!" "Sobrang ganda, Ella. Kaya nga nawili na ako rito. Nothing can beat nature talaga. So wonderful. Nakakaaliw ang mga hayop, lalo na si Damsel. Parang anak ko na nga ang turing sa kanya eh. Come and visit here one day!" "Wow! Glad to hear that po. Thanks so much, Sir! Surely ay bibisitahin ka namin diyan in the near future. Can't wait po!" Dito ay nagulat si Victoria sa kanyang nalaman. Ang buong akala niya ay si Mang Estong talaga ang tunay na may-ari ng mga rest houses sa farm na iyon. May tampo siyang nadarama kung bakit inilihim ito ni Abel sa kanya. "Anong preparation ang ginawa ninyo riyan?" ang tanong ni Abel kay Ella. "Nagpamisa ang kumpanya sa umaga Sir. Tapos, nagpakain ng lunch." "Good! So hows the business?" "So far ay okay naman, Sir. Pero tumawag ang pulis sa akin at may gustong iparating na balita sa iyo..." Sinabi ni Ella ang mensahe ng pulis. Nahinto sa kanyang ginagawa si Victoria. Masinsinang nakinig siya sa ibinalita ni Ella kay Abel. Doon na biglang kumalampag ang kanyang dibdib. Nanumbalik sa kanyang alaala ang isang masakit na karanasan na naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Nakaramdam siya ng magkahalong poot at takot. Habang pinagmasdan ni Victoria si Abel, napansin naman niyang hindi mapakali si Abel sa balitang kanyang narinig. Tila hindi niya alam ang kanyang gagawin. Maya-maya ay binigyan niya ng tagubilin si Ella. Samantala, dahil sa kanyang nadiskubre ay nabuo sa isip ni Victoria ang lisanin ang rest house ni Abel. Kaya imbes na ipagpatuloy ni Victoria ang paglilinis, naghanap siya ng papel at ballpen upang gumawa ng sulat. Nang matapos ay inilagay niya ito sa ilalim ng pintuan ng kuwarto ni Abel. "Dear Abel. Lilisanin ko na ang rest house na pag-aari mo pala. Maraming salamat sa lahat ng kabutihan. Alagaan mong mabuti si Damsel. Mamiss ko sya. –Victoria." Ito ang sulat na nabasa ni Abel mula kay Victoria. Dali-daling tinungo ni Abel ang dampa. Nadatnan niya si Hector na nagligpit din ng kanyang mga damit at gamit. "Saan nagpunta si Victoria?" ang tanong ni Abel. "Ang sabi niya ay huwag ko raw ipaalam sa iyo... Nauna na siyang umalis. Magtagpo kami sa isang lugar na ayaw niyang ipabanggit." "Hector... please. Maawa ka sa kapatid mo. Huwag mong hayaan na mapahamak siya at kung saan-saan magpunta. Kumbinsihin mo siyang manatili. Paano kayo mabubuhay? Please sabihin mo sa kanya na bumalik..." "Ipaparating ko. Ngunit hindi ako makakasiguro," ang sambit ni Hector na noon ay natapos na sa pag-impake at akmang aalis na. Hinawakan siya ni Abel sa braso. "Ako... hindi mo ba mahal?" ang tanong niya. Ngunit pumalag si Hector. "Tarantado ka ba? Ang mahal mo ay si Victoria at itatanong mo sa akin kung mahal kita? Ano iyan, insulto?" "A-ang ibig kong sabhin, kung mahal mo ako, manatili ka rito... u-upang b-babalik si Victoria." "Ah, gusto mo akong gamitin?" "H-hindi mo ako naintindihan eh. Pareho nating mahal si Victoria, 'di ba? Puwes, huwag nating hayaan na lumayo siya. Kaya dumito ka na..." "Pasensya na po, Sir... hindi ko magagawa ang sinabi mo." Iyon ang huling pag-uusap nina Abel at Hector. Tuluyang nilayuan niya ang lugar ni Abel. Matinding pagkalito ang naramdaman ni Abel sa pagkawala nina Hector at Victoria. Sa paglipas pa ng mga araw ay mas lalo pang nasasabik siya sa magkapatid. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Pareho niyang kinasasabikan ang magkapatid. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD