Selina POV “James, Apo! Kumain ka lang ng kumain ah.” Narinig kong wika ng aking Abuela sa asawa ko ng bumalik ako sa malawak na bakuran ni Lola dahil dito ginanap ang pa fiesta ni Lola sa buong ka baryo namin. Kababalik ko lang galing sa loob kakatapos ko lang maglinis ng aking sarili dahil punong puno ako ng putik sa buong katawan hanggan sa mukha ko dahil sa pagkalaglag ko sa putikan. Sobra akong naiinis lalo't gumawa pa ng eksena si Palito kanina magpapakamatay na nga lang sa puno pa ng saging ni Lola. At nakakatawa lahat ng puso ng saging na hingahan nito ay natuyo. Grabe naman kasi parang isang taon hindi nag sipilyo ang kupal na ‘yun. Sino naman ang babae tatagal kung ganoon ang lalaki. May itsura naman ito ngunit may pag dugyot nga lang sa katawan nito kaya walang nagkakagusto