“James!” bulong ko sa pangalan nito at nanglaki ang aking mga mata ng halos isiksik nito ang mukha sa aking leeg habang nakayakap sa akin. Sobra yakap nga nito sa akin na para bang mawawala ako. “Sweetie pie, pwede ba akong yumakap ng ganito sayo? Kahit saglit lang!? Pabulong na pakiusap nito sa akin. Natigilan naman ako sa paraan ng pagsasalita nito na sobrang laming. Na para bang isang musika sa kaniyang pandinig. “Ayos lang ba, Sweeti pie? Ulit nito. “Mmmm, nakayakap ka na nga sa akin. Paano pa ako sasagot sayo.” pinaseryoso ko ang aking boses para di mahalata nitong kinakabahan ako at halos gusto nang lumabas ng aking puso sa sobrang kaba na aking nararamdaman. Dahil sa ginagawa lang nitong pagyakap. Natawa naman ito sa aking sinabi. Mas lalo pang hinigpitan ni James ang pagka