Chapter 9 Selina’s POV “Okay na ba sa iyo ang nilalaman ng contract?” tanong sa akin ni James nang matapos ko iyong pirmahan. Nang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng almusal kanina ay dumating ang secretary nito dala ang contract na kailangan naming pirmahan na dalawa. Huminga muna ako nang malalim bago humarap kay James. “Hmm. . . ayos lang naman na magpapanggap tayo sa harap ng mga tao bilang mag asawa sa loob ng isang taon. Pagkatapos, maghihiwalay na tayong dalawa at babayaran mo ako ng limang milyon. Sino ba ako para tumangi? Okay na okay na sa akin ito,” sagot ko rito. Tama nga sina Erich at Gwen na makikinabang talaga ako rito. Bukod sa may maipakikilala na ako sa aking lola na asawa, may pera pa ako. Nakangiting saad ko sa aking isipan. “Talaga? Okay na sa iyo ito?” nani