Chapter 3

1353 Words
Apat na linggo na ang nakaraan simula ng may mangyari sa night club na pinuntahan namin ng aking mga barkada. Sa totoo lang ay tela isang bangongot iyon para sa akin, sana nga bangongot nalang iyon at hindi na ako nagising pa. Pagkauwi ko nun sa condo at matapos akong maligo ay nagkulong lang ako sa condo hanggang sa umabot ng lagpas isang linggo, lahat ng mga tawag at minsahe mula sa opisina ay hindi ko sinasagot at hindi ko nirereplyan. Umabot pa nga sa punto na kina katok na ako ng aking mga barkada sa labas ng aking unit ngunit nag bingibingian lang ako. Dahil ayoko silang makaharap, nandidiri kasi ako sa aking sarili. Mabuti na lang at bagong grocery ako nun bago nangyari ang marahas na gabing iyon kaya may stock ako dito na pwede kong makain kahit na wala naman talaga akong ganang kumain. Araw ng lunes at nagdesisyon akong magpakita sa company. Nakaharap ako sa salamin, medyo nangayayat ako at napabayaan ko na rin ang aking sarili. Halata pa rin sa aking awra ang pagka depress ko sa nangyari. Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago lumabas ng aking unit. Pagkarating ko sa company ay plastik akong ngumiti sa mga taong naroon, sa mga empleyado na nakaka close ko. Bumati rin ako ng “good morning” at ginantihan din nila ako ng, “good morning din miss ganda”. Hindi man nila ipakita pero kita at ramdan ko ang pagtataka at tela mapanghusgang mga mata ng iba. Sa totoo lang ay parang gusto ko ng maglaho, tela nagkaroon ako ng anxiety dahil sa nangyari, pakiramdam ko kapag nadaan ako sa may kanto na papuntang banyo ay tela may humihila sa akin. At kahit na madidikit lang ang balat ko sa mga lalaking empleyado ng company ay napapa atras ako. Tela naging phobia sa akin ang lahat. “Scarlett!" Tumatakbo habang papalapit sa akin si Jaden. "Oh my gosh beshy, anong nangyari sayo bakla?” bulalas ni Jaden ng makita akong pumasok sa kanyang mini office. Nakayuko akong kumapit sa kanyang braso at yumakap akong umiiyak. “Bakit ka umiiyak, ang aga-aga iyakan portion agad.” Dagdag pa niya. “Jad—- Scarlett oh my gosh, bakit ngayon ka lang nagpakita?” saad naman ni Jeanne ng pumasok ito sa mini office ni Jaden. Lumapit din ako sa kanya at yumakap din ako ng mahigpit. Sa totoo lang kahit na sampo kaming magbabarkada ay silang dalawa ang pinaka close at bestfriend ko. Sa kanila ako nagsasabi ng aking mga problema. Mag isa lang kasi akong naninirahan dito sa maynila, apat kaming magkakapatid at ulila na kami sa aming magulang dahil sa aksidente ay parehong nasawi ang aming magulang kaya naiwan kaming magkakapatid at salo ko lahat ng responsabilidad dahil ako ang panganay at nagaaral pa ang aking mga kapatid na naninirahan sa probensiya, duon sila nakatira at nag aaral. Ako ay tapos na sa pag aaral at nagtatrabaho bilang office girl, at isa rin akong model. Kaya ako nag desisyon na magpakita na sa aking mga ka trabaho dahil tinawagan ako ng aking manager na may proyekto daw ako, at kailangan nila ng modelo para sa commercial ng pabango. Hindi ako pwedeng magkulong nalang at manatili sa isang sulok, kailangan kong umusad para sa aking mga kapatid. Pinangakuan ko sila ng magandang buhay at pagttapusin ng pag aaral. Kailangan kong ilihim sa kanila ang lahat para hindi nila ako alalahanin. “Saan ka ba nagsuot? Bakit hindi ka na nagpakita sa amin? Nag banyo kalang tapos nawala ka na! na parang bula.” Saad ni Jaden. Muli na naman akong umiyak. “N-Na rape ako…!” Garalgal kong sambit. Nauutal pa ako dahil sa aking pag iyak. “What!” Gulat na magkasabay na tanong ng dalawa kong kaibigan. “Oh my gosh, hindi namin alam. I’m sorry beshy,” saad ni Jeanne at muli akong niyakap. Mabilis naman na kumuha ng tubig si Jaden at binigay ito sa akin. Uminom ako ng tubig. “Bakit hindi ka nagsumbong sa mga police?” Si Jaden ang nagtanong. “Natakot ako,” umiiyak akong nagsasalita. Oo, takot na takot ako sa mga oras na iyon kaya imbis na magtungo ako sa police ay mas pinili ko ang mag kulong sa condo. “Bakit hindi ka nagpakita sa amin, sana na tulungan ka namin. Beshy, nandito lang kami para sayo.” Ani ni Jeanne. “Salamat sa inyo pero, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon.” “Natatandaan mo ba ang mukha ng taong gumawa sayo nito?” “Tandang tanda ko Jaden, hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng walang hiyang lalaki na iyon!” Saad kong matalim ang mga mata. “Pero paano pa tayo makapag sumbong sa mga police eh mahigit isang buwan na ang dumaan?” Saad ni Jaden. Habang si Jeanne ay hinahaplos ang aking likod. —-------------------- Apat na araw ang nakalipas at medyo okay na ang aking paligid, nabawasan na rin ang pangamba at takot na aking nararamdaman. Tinanggap ko ang proyekto ng pagmomodel sa isang commercial ng sikat na pabango. Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop at naka break kami, medyo na pagod din ako sa pag eensayo kanina, sa pagrampa. Kasama ko ngayon si Jeanne at Jaden. Kaming tatlo kasi ang laging magkakasama sa kahit saan raket, si Jaden ang aking makeup artist at si Jeanne naman ang aking stylish. Pareho silang mga bihasa sa kanilang mga hilig, habang sinasabay ang pagtatrabaho sa opisina. Maluwag naman kasi ang schedule namin lagi kaya kahit papano ay pwede akong magtrabaho sa iba. On call model ako a.k.a medyo sikat. Minsan nadin ako napadala sa italy ng ganapin ang isang malaking event ng luxury dress fashion show, isa ako sa modelo na rumampa duon, habang suot ang isang damit na nagkakahalaga ng isang milyon. “Ohh paano, time na naman. Need na natin bumalik para matapos na natin ang pag eensayo mo, bukas na ang shoot.” Saad ni Jaden. “Sige tara,” aya ko naman sa kanila. Nakangiti na ako dahil na rin sa tulong ng aking mga kaibigan ay medyo nakaka recover na ako sa nangyari. Masaya kaming naglalakad sa kalsada at nagtatawanan dahil sa mga kwela kong kaibigan, sino ba naman ang hindi makapag move on agad kung ganitong mga baliw ang mga kaibigan mo! “Hay nako, hindi niya kailangan manglait dahil mas maganda naman ako sa kanya. Siya itong mukhang palaka na nasagasaan ng araro, ewww!” Kwento ni Jaden. Nagtatawanan kami ng malakas. Ngunit habang masaya kami ay may tumabi sa akin na isang lalaki kaya napatili ako. “Ahhh!” “Scarlett, naka apak ka ba ng palaka?” Pabero naman na tanong ni Jeanne dahil hindi niya naman alam ang dahilan ng aking pagtili. “Miss sumama ka samin ng matiwasay kung ayaw mong kaladkarin kita.” Saad ng lalaking hindi ko kilala. “Hoy, lalaking mukhang tipaklong! Bakit naman sasama sayo ang beshy ko? Aber!” Mataray at naka pamewang na saad ni Jaden. “Sumama ka na sa amin!” Sambit ng isang lalaki at bigla na lang ako hinila nito. “Hoy! Tulong tulungan niyo ang kaibigan ko. Kidnap mga kidnaper! Tulong!” Naririnig ko ang sigaw ni Jeanne at Jaden na nanghihingi ng tulong. Samantalang kinaladkad ako ng mga lalaking hindi ko kilala, sapilitan nila akong isinakay nil sa itim na kotse. Hindi ko magawang sumigaw dahil tinakpan nila ang aking bibig ng panyo, nagpupumiglas pa ako ng makapasok na ako sa loob ng sasakyan. Ngunit hindi ko magawang makatakas dahil nasa gitna ako ng dalawang lalaking malalaki ang katawan at may mga baril sa tagiliran. “Kung pera ang habol niyo wala akong ibibigay sa inyo, nagkakamali kayo ng na kidnap. Mahirap lang ako kaya wala kayong mapapala sa akin!” Matapang kong sigaw. “Kami walang mapapala, ngunit ang boss namin, malaki ang mapapala sayo!” Nakatawa na sambit ng isa pang lalaki na katabi ng driver. Saka sila nagsabay-sabay na tumawa. Kumunot ang aking noo. Boss? Sinong boss ang tinutukoy nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD