AKIRA POV. Inayos ko ang seatbelt ko bago ako umalis na sa bahay na un. Kumikirot ang puso ko sa hindi ko malaman kong anong dahilan. Kumukirot ito na hindi ko maintindihan. Nag focus ako sa pag mamaneho at baka ano pang mangyare sa akin. Lumakbay ang isip ko sa nangyare kanina. Hindi ko maiwasang hindi manibago sa mga kilos niya. Nakakapanibago ang pakikitungo niya sa akin. Parang hindi siya si KYLE na kilala ko noon. Ang KYLE na kilala ko noon ay walang pakealam sa akin. Ang KYLE na kilala ko noon ay halos gusto akong patayin. Ang KYLE na kilala ko noon ay isang demonyo. Pero.. Ang KYLE ngaun ay nakakapanibago sa akin. Nakitaan ko ang takot ang kanyang mga mata kanina na halos hindi ako makapaniwala. Pumikit ako ng mariin at pansamantalang alisin siya sa isipan ko. Unti unting sumil