Chapter One

2742 Words
Ameri's POV Pinara ko ang tricycle at bumaba sa bukana ng palengke pagkatapos magbayad. Mabilis na kinuha ng driver ang bayad ko, tiningnan ako mula ulo hanggang paa nang may halong takot at pinaharurot na palayo ang sasakyan niya. Okay. I know... Everyone’s looking at my direction. Expected. Hindi ko sila masisisi. Anong magagawa ko kung kapansin-pansin ang fashion statement ko. Well, I'm wearing ared poncho hoodie ala Red Riding Hood attire. With a wooden basket in my left arm. Hindi nila alam na naka-T shirt at short short lang ako ng maong sa loob dahil sa red poncho ko na umabot ang haba above my knee and with matching black leather semi-boots. Mahalumigmig kasi ang panahon dahil nasa country side at malapit na din ang pasko. Nilalamig lang naman ako. Sinimulan kong maglakad papasok sa loob ng wet market. Yeah, mamalengke lang ako. Walang basagan ng trip. Okay? Wala akong magagawa kung dahil sa kakaiba kong get-up ay lalo nila akong katakutan, pagtsismisan na nasisiraan na and whatevah! Town’s people! Lahat ng kakaibang bagay, kinatatakutan. If only they will open their minds, they will know that everything in this world has corresponding explanations. “Isang kilo nga pong bangus.” Nginitian ko ang tindera ng isda pero parang lalo lang siyang nataranta. Tinimbang lang niya ang mga isda at saka inabot na sakin. “E-Eto.” Ngeeek! Hindi man lang kinaliskisan at tinanggalan ng mga bituka?! Anong gagawin ko doon? Hindi naman ako kumakain ng mga bituka. Okay , okay. 'Epekto yan ng get-up mo, Ameri.' Pagkatapos kong magbayad, pumunta naman ako sa meat section. Isang kilo ng baboy, checked. Isang kilo ng manok, checked. Isang tray ng eggs, checked. Mga gulay, canned foods and many to mention... checked. Matagal-tagal din kasi akong hindi bababa sa bayan dahil malayo sa kabihasnan ang bahay ko. Sila Epin at Tomas? Nandiyan lang sila sa paligid. Binigyan ko na sila ng instruction na hindi na nila ako kailangang tulungan  sa mga bitbit ko. Palabas na sana ko ng palengke nang may madaanan akong newspaper stand. Nagtingin-tingin muna ako. Matagal na din kasi akong walang balita sa outside world. Wala naman kasi akong TV at radio. Cellphone lang, cellphone lang na hindi ko kinahiligan kahit kailan kaya madalas nasa cabinet lang. Refrigerator lang ang appliance ko sa bahay. Wala ring gas stove, kahoy ang ginagamit ko sa pagluluto. Ermitanya ang drama ko. Tuloy lang ako sa pagbubuklat kahit matalim na ang tingin sakin ng tindera.  Until a picture of a man in a broadsheet’s social page caught my attention. Nilapit ko sa mukha ko ang larawan. Hmn... Hindi siya nakatingin. Halatang sa malayo siya kinuhanan at palihim pa. Pero nakilala ko pa din siya. Sabagay, kahit isama pa siya sa milyon-milyong hunks sa bansa, makikilala at makikilala ko pa din siya. Magi-stand-out ang aura niya. Binasa ko ang caption sa baba. Billionaire Vince Laurel Fierro, spotted in Manila Penn’s lobby! So? Nasa bansa si Haring Vince? Kaya pala nagpi-pyesta ang mga paparazzi. Binuklat ko kung nasaang page ang buong article. Dashing billionaire Vincent Laurel Fierro was spotted in the grandiose Manila Penn’s lobby yesterday. This businessman is still holding the title of one of the billionaires in the country for five consecutive years. At the age of 29, Mr. Fierro has established his empire not only here but also abroad. And as always, he’s carrying his mysterious aura that makes women go gaga whenever they see him. Well, will there be a ‘tear flood’ when there will be a confirmation about his rumored fiancée? Or… I gasped! Teka lang. Rumored fiancée. Binasa ko ulit ang huling sinabi sa article. Rumored fiancée. Sino ang tinutukoy nila? Ako ba ‘to? Saan nagsimula ang tsismis? Secret lang naming dalawa yun ah! O baka naman ibang babae ang tinutukoy dito? Malilintikan sa 'kin ang lalakeng 'yon! Nakuuu! Sugudin ko kaya ang lalakeng 'to!? No… Next time na lang. Kahit naman makompirma nila na totoo ang balita, hindi din nila ako makikilala, lumaki ako sa ibang bansa, at kahit isa ang pamilya ko sa mayayaman  sa bansa hindi kami ang tipong habulin ng mata ng media. Hindi nila alam na dalawang taon na ako sa bansa. Walang makakapag-konekta sa pangalan ko kay Vincent Laurel Fierro. And I’m sure, pagagalawin ni Vince ang pera niya para lang mapangalagaan ang identity ko. At bakit ba ‘ko nag-aalala? Rumored fiancée? I wanted to laugh. Ni hindi nga seryoso ang relasyon namin. Tinitigan ko ulit ang picture niya. Naka-sideview siya. His authority is radiating all over the place. Hindi nakangiti, pero gwapo pa din ang loko kahit kelan. Kainis! Pero bakit pa ba ‘ko magtataka, wala pa yatang nakakakitang nakangiti si Haring Vince. Ako pa lang. Pero minsan lang iyon dahil mas madalas ay para kaming tigreng nag-aaway. Hmn….Halos pitong buwan na nga pala kaming hindi nagkikita. No phone calls, no letters, at kahit text wala. Ganoon kami ka-sweet sa isa't isa. Ganoon tala---- Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may bahagyang humila sa cloak ko. Tumungo ako at nakita ang maliit na batang lalake. Nakangiti siya sakin. “Hello, cutie baby!” “Kaw ti led liding hud!” masiglang sabi niya. Natawa ako, buti pa ang bata na-appreciate ang get-up ko. “What’s your name?” “I’m Mi----“ Biglang may humila sa kamay niya.  “Wag kang lalapit sa kanya, anak!” sabay irap sakin ng babae at nagmamadaling umalis. Kinawayan ko na lang ang batang nakangiti pa din sakin. Haaayy.. Mga bata lang talaga ang kakampi ko sa lugar na to. Aalis na sana ko nang may tumawag sakin. “Hoy Bayaran mo ang kinuha mo!” Lumingon ako. Iyong tindera pala. Hawak ko pa nga pala ang broadsheet. Nagpanic tuloy si Ate. “Tatakbuhan mo pa ako.ha! Eh kung ipapulis kaya kita?! Ha!” “Pasensya na.” Inabot ko sa kanya ang broadsheet at inabutan ko din siya ng buong isandaang papel. “O, bayad ko sa pagbabasa ko.” And I walked away. Hindi ko kailangang mangolekta ng mga picture at babasahin tungkol kay Vince. I can find a way kung gusto ko siyang makita at ganoon din siya. +++++++++++++++ Kung kanina ay mahalumigmig ang panahon, ngayon umulan na talaga ng malakas. Buti na lang nakauwi na agad ako. “ ’Miss me Fiery?” kausap ko sa malaking asong sumalubong agad sakin. Kumahol lang siya at kakawag-kawag ang buntot na sumunod sa 'kin sa kusina. Inayos ko lang ang mga pinamili ko sa ref at tumuloy na ako sa kwarto ko. Hindi nga pala masyadong malaki ang bahay ko. At katulad ng pinag-uusapan, nakakatakot talaga ang labas nito. Yari ‘to sa bricks na kulay gray. Sa harap ng bahay ay ang dalawang malalaking bintana na yari sa makakapal at malalabong salamin na laging nakasara. Ang main door ay yari naman  sa makakapal at matitibay na kulay itim na kahoy at sa taas noon ay ang maliit na pabilog na bintana ng attic. Talagang may gumagapang na d**o sa harapan. Kaya mas lalong nakakatakot. Minsan lang kasi akong magtabas ng d**o. Ang bibilis kasi nilang tumubo kaya nakakatamad, paulit-ulit kasi. Kaya hinahayaan ko na lang tumubo. Pero malinis naman sa loob. Kahoy ang sahig at kulay puti naman ang mga wall. Maliit lang ang sala ko at sa gitna noon ay ang fire place. At dahil may fire place, may chimney. At kapag ginagamit ko ang fireplace, lalong natatakot ang malalayo kong kapitbahay kapag nakikita nila ang usok na lumalabas sa chimney. Ganoon talaga sila ka-praning sa ideyang isa akong mangkukulam! Ang kusina ko naman ang nakatanaw sa dagat na ilang metro lang ang layo mula sa kakahuyan. Pinasadya ko talagang palawakan ang kusina. Mahilig kasi akong magluto ng kung anu-ano. Sa isang bahagi niyon ay ang tambakan ng mga sinibak kong kahoy. At ang banyo ko naman ang ginawa kong moderno. Pinalagyan ko ng shower and bathtub. I spend several hours in my bath tub. At ang attic naman ang ginawa kong kwarto. Sampung baitang na hagdan ang aakyatin bago makarating dito. Wala masyadong gamit. Kama, hindi kalakihang tokador, bedside table at vanity mirror lang. Umupo ako sa gilid ng kama at nag-isip kung ano ang gagawin buong maghapon. Hmn… “Tamaaa!” Linggo ngayon, schedule ng pagkikita namin ng cell phone ko. Kinuha ko ang susi ng cabinet at binungkal sa ilalim noon ang cellphone ko. “12 missed calls.” Hindi rin adik tumawag si Haring Vince. Kagabi lahat ang mga missed calls. Ibig sabihin, habang mahimbing akong natutulog kagabi, may isang nilalang naman akong ginalit. Ahahaha! Dinala ko sa banyo ang cellphone at tinimpla ang tubig sa tub at mayamaya ay nagbababad na ko sa bula. Sige, pagbigyan natin si Haring Vince. Kinuha ko ang cellphone na nasa gilid at nag-dial ng numero. Ring. Wala. Dial ulit. Ring lang ulit. Hmn… Ginagantihan ata ako ni Vince ah. Nag-dial lang ako hanggang maka-labindalawang beses ako. At sa panglabindalawang beses, saka lang may sumagot sa kabilang linya. Okay, ginagantihan talaga ako. “What?” Vince snapped on the other line. “Hello, love! Miss me?” nilambingan ko ang boses ko, sungit kasi ng tono niya. “No.” “Well thank you! Ako? Miss na miss na kita, dahling!” “Bakit ka tumawag, Ameri? I’m in the middle of an important meeting kaya sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin.” “Nasa meeting ka pala, ba’t mo sinagot ang tawag ko?” “Of course, malay ko ba kung emergency pala? Now, what?” “So kaya hindi mo sinasagot ay dahil nasa meeting ka? Hindi mo ko ginagantihan?” “What? Why would I do that?” Parang nakikita ko na ang pagkunot ng noo ni Vince. Oo nga, bakit naman siya makikipag-asaran pa sakin samantalang napaka-busy niyang tao? “Ameri? You still there?” “……” “Ameri?” he asked impatiently. “……” “ Ameri?” “Uy, sabi ko na nga ba, na-miss mo din ako, hahaha!” Narinig ko lang ang buntong hininga niya sa kabilang linya. “Bakit ka napatawag?” “Wala lang, nami-miss lang kita. Ikaw bakit ka tumawag kagabi?  Siguro nami-miss mo din ako no?” “……” Uy nabuking yata. “Na-miss mo ko no?” I asked him  again, smiling. “What are you doing right now? Okay, change topic. “Ahhhmmnn. Iyong totoo, Vince?” “Yeah.” “Iyong totoo talaga?” “Ameri!” Impatient talaga siya kahit kelan. “Nanliligo sa tub, ayan nagi-scrub ako ng binti at nagpapalipad ng bubbles, iyong kabilang binti naman, paa, tuhod, balikat, likod. Woooow! Ang daming bubbles! Ang saya! Sana nandito ka.” Teka. Tama ba ang huling sinabi ko? Napasobra yata ang pang-aasar ko kay Vince ah, lumabas tuloy ang kalandian ko. “Vince?” “…..” “Honey pie?” “…..” “Dahling?” Then I heard him cleared his throat. Patay. Lalakeng-lalake nga pala si Vince kahit parang halimaw siyang mag-trabaho. Baka may epekto ang mga sinabi ko, lalo na iyong huling sentence. Malikot pa naman daw ang mga imahinasyon ng mga lalake. “Well,” he cleared his throat again. “Ayusin mo ang paghihilod mo at baka may matirang libag.” At beep na lang ang narinig ko. Aba’t! Pinatayan ako ng cell phone! “Hoy wala akong libag no!” and turned off my cell phone. Kainis yun ah! Kinuha ko ang scrub at madiing kinuskos sa balat ko. +++++++++++++++ Vince’s POV That woman! I took a deep breath and fix my tie. Bakit parang uminit ang buong opisina kahit nakatodo ang aircon? Napailing na lang ako. Tinago ko muna sa drawer ang cellphone na number lang ni Ameri ang naka-save bago bumalik sa conference room. +++++++++++++++ Ameri’s POV Martes. Wala akong ime-meet na client bilang isang real estate agent at wala din akong schedule ng pagtuturo sa Laughing Hearts Foundation kaya naman naisipan kong maglaba. Katatapos lang ng bagyo kaya umaaraw na. Mga carpets at rugs na ang lalabhan ko at dahil wala akong washing machine, kailangan ko silang imano-mano. Pinag-iisipan ko kung paano ko kukusutin ang mga naglalakihan at nagkakapalang mga bagay na to? Hmn… Ilang minuto muna akong nakipagtitigan sa kanila. Tama! Nilagay ko lahat sila sa isang malaking planggang may tubig  at sabon na powder. Tumuntong ako sa loob ng planggana at inapak-apakan ang mga basahan at carpet para mapiga ang dumi nila. Napangiti ako. Feeling ko, gifted child talaga ako para makaisip ng mga ganitong paraan, hehe. Ang saya! Parang namamasahe na din ang paa ko. Tumalon-talon pa ‘ko. Umikot-ikot. Talon-talon. Tadyakan ang mga basahan! Apakan sila! At umikot-ikot pa! Ikot-iko-- Muntikan na akong matumba sa pag-ikot nang may makita akong nakatayo malapit sa poso. “You’re insane.” Si Haring Vince! Grabe talaga ang arrive ng lalakeng ‘to. Very domineering. Parang gustong yumuko sa kanya ng munti kong bahay at mga puno para lang magbigay galang. “Ikaw pala. Saan ang prom?” Naka-black three piece suit kasi siya, his usual business attire. Hindi na kailangang itanong kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira. You know, this man knows everything. Pero bakit? Bakit siya nandito? Parang gusto kong kabahan... “Paano ka nga pala nakarating dito? Hindi kakayanin ng luxury car mo ang rough road ah.” Saglit siyang lumingon sa likod niya at nakita ko sa ere ang papalayong chopper. How stupid of me to ask. Bukod sa alam niya ang lahat, wala nga palang imposible sa lalakeng ‘to. “Hindi mo man lang ba ‘ko papapasukin sa bahay mo?” Ano kayang sadya niya sakin? Hindi kaya... Tungkol sa napag-usapan namin sa cell phone noong linggo...? About the bathtub? The scrub? The bubbles? I don't know but the thoughts ecxcite me. *Naughty grin. May biglang kumislap na ideya sa malandi kong utak. “Maghubad ka muna ng sapatos at medyas.” “Why?” nakakunot-noong tanong ni Haring Vince. “Masyado kasing malinis ang bahay ko.” He didn’t answer pero sinunod ang sinabi ko. Pinigilan kong mangiti. “Tapos na.” “Okay, hubadin mo naman este itupi pala ang ahmn slacks mo hanggang tuhod.” He gave me a questioning look. “Y-You know, masyadong malinis ang bahay ko.” Palusot ko. Ngek! Anong konek? “Gaano ba kalinis ang bahay mo?” Binigyan niya 'ko ng diskumpyado look. “Basta sumunod ka na lang, okay?” “Tapos na.” Yeah. Kita ko nga. Kita ko nga ang mga firm at well-muscled niyang binti. *Grin Bumaba na ako sa planggana at hinila siya sa kamay. Pero sa halip na sa pinto sa kusina kami pumasok, hinila ko siya papasok sa planggana ng mga basahan. At dahil hindi niya ine-expect at mao-off balance siya, nagpahila na rin siya. Bwahahaha! Nakakatuwa ang hitsura niya habang nakakunot-noong nakatingin sa brown na tubig. “W-What is this filthy thing?”   “Basahan! Ang saya no?” Hindi ko mapigilang matawa. Naisahan ko si Vince. Ang saya. Ang sarap talagang sorpresahin ni Vince paminsan-minsan. Pero dahil paminsan-minsan nga lang sa isang taon kami magkita, ang paminsan-minsang sorpresa na iyon ay laging nangyayare kapag nagkikita kami. “Let’s dance, Vince.” Inilagay ko sa waist ko ang dalawa niyang kamay. At nilagay ko naman ang dalawa kong kamay sa batok niya. And I buried my face on his chest. Haay... Ang ganda talaga ng buhay ko. Hindi siya sumagot pero hinapit niya 'ko papunta sa kanya. O diba? Nagsasayaw na , naglalaba pa ng basahan. Saan ka pa! “Vince.” “Hmn?” “Ang bango mo. Hehehe!” “Thanks, amoy-araw ka.” “Hoy, hindi ah.” And then I pout. Wala kami sa mamahaling restaurant at wala ring musiko. Siya nakapang-formal, samantalang ako, nakashort short lang at kupasing T-shirt at basta na lang naka-clamp ang mahabang buhok. Ang lakas ng loob kong magyaya ng sayaw no? Pero eenjoy-in ko muna tong moment naming dalawa. Dahil alam kong may importanteng pakay siya sakin. Dahil hindi siya lalabas ng opisina niya at pupunta dito nang naka-coat and tie pa. Hmn. Ang bango talaga....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD