HINDI ko pa rin magawang matanggap ang mga sinabi sa akin na pinsan ko si Yago. There were voices all over my head, pero wala akong ibang naririnig kung hindi ang salitang pinsan ko si Yago. Nanlalamig ako sa aking kinatatayuan at tila ba nawalan ng lakas sa nalaman. Naririnig ko ang pagtatalo ng mag-ama ngunit hindi ko na iyon maintindihan dahil parang sasabog ang utak ko ngayon. “I just need to make some calls.” Umalis si Tito Hati panandalian para nga raw may tawagan. Bumalik ako sa katinuan ko at nakita ko na kinakausap ni Tita Adira si Yago, but Yago seems to be furious at mukhang walang makakapagpakalma sa kanya. I want to comfort him. I want to soothe the pain that he may be feeling right now, pero maging ako ay nasasaktan at tila wasak sa katotohanang hindi kami pwede dahil ma