MAKALIPAS ang ilang oras na byahe at paghahanap sa bahay nina Yaya Ruth ay nakarating din kami roon. Sinalubong niya kami at kaagad akong bumaba ng sasakyan upang batiin siya. Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din naman ako sa kanya.
“Nako! Kapag nalaman talaga ito ng daddy mo ay pareho tayo malalagot,” sabi ni Yaya Ruth ngunit pinili pa ring ngitian ako.
“Ako na po ang bahala kina Dad. Siguro naman maiintindihan niyang gusto ko lamang makaramdam ng kalayaan kahit sandali lang. Parati nila akong pinaghihigpitan.” Ngumuso ako kay Yaya.
Mabait naman si Dad, iyon nga lang ay talagang istrikto lalo na pagdating sa akin. Hindi ko alam bakit siya overprotective sa akin ganoong hindi naman ako ang magmamana ng lahat ng ari-arian namin. Ate will probably handle our organization while waiting for my two brothers to be properly trained to handle such. Hindi rin naman kasi basta-basta ang mga negosyo at organisasyong hawak ni Daddy. He’s the current mafia boss of an Italian mafia.
“Oh siya, sige! Wala na rin naman akong magagawa. Hindi rin naman kita matiis.” Tumingin siya sa likod ko kaya’t napatingin ako roon.
Nakita ko si Yago na nakasandal sa kanyang kotse habang nakatingin sa amin. Hindi pa pala siya umaalis. Sabagay, hindi pa rin ako nakakapagpasalamat sa kanya.
“Sino iyan, Aiselle?” tanong ni Yaya Ruth sa akin.
“Ah…” Hindi ko maisip ang tamang salita para itawag kay Yago. “Kaibigan po. I met him earlier and he helped me to get here.”
Nagpaalam ako sandali kay Yaya para malapitan si Yago. Nagpasalamat ako sa kanyang pagtulong sa akin.
“Thank you,” sabi ko. Hindi ko alam bakit niya ako tinulungan ganoong hindi naman pala kalaliman ang kanyang itinanong sa akin kanina.
“No problem. I’ll unload your bags.” Binuksan niya ang likod ng kanyang kotse upang makuha ang mga bagahe kong naroroon.
Nagpasalamat akong muli kay Yago dahil sa tulong niya. Tinawag ni Yaya Ruth ang kanyang anak upang tulungan kaming maipasok ang mga bag ko sa loob ng bahay. Inimbitahan niya rin si Yago na manatili muna rito para makakain dahil nagluto raw siya.
“Taga saan ka, hijo?” tanong ni Yaya Ruth habang kumakain kami.
“Manila po,” magalang na sagot ni Yago. “Pero taga Laguna po talaga ang pamilya namin.”
Marami pang itinanong si Yaya kay Yago. Ako naman ay sumusulyap lang sa kanya.
Yago is giving me a mysterious aura. Hindi ko maintindihan kung paano ba siya pakikisamahan. He’s intimidating but at the same time, hindi rin naman. Nagdadalawang-isip ako kung dapat ba akong matakot sa kanya o hindi.
“Akala ko talaga noong una’y boyfriend mo itong si Yago!” Humalakhak si Kuya Benjamin, anak ni Yaya Ruth, at ganoon din si Yaya. Nanginit ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Ako iyong nahihiya para kay Yago.
Sinilip ko siya at nakita kong tipid lang siyang ngumingiti sa mga sinasabi ni Kuya Benjamin at may pagkakataon na tumitingin siya sa gawi ko kaya agad akong nag-iiwas ng tingin.
“Salamat talaga sa paghatid dito sa alaga ko. Siguro kung hindi ka nag-alok ng tulong ay hanggang ngayon naliligaw pa rin ito sa Maynila!” Tumawa si Yaya Ruth. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
“Yaya naman!” Ngumuso ako kaya’t lalo siyang natawa.
“Hindi ba at may nakatatanda ka pang kapatid na babae? Hindi mo siya kasama? Iyong dalawa mo namang kapatid na lalaki? Hindi mo rin isinama?” tanong naman ni Kuya Benj sa akin.
Umiling ako at uminom ng tubig. “Hindi. Tumakas nga lang ako sa bahay. Sila ang tumulong sa akin para makaalis ako na hindi nakikita ng mga bodyguards ko.”
Tumulala sa akin si Kuya Benjamin bago tumawa nang malakas.
“Matagal pa namang uuwi sina Dad kaya siguro…matagal pa bago nila malaman at sumugod sila dito sa Pilipinas.”
Hindi ako sigurado roon. Pakiramdam ko ay malalaman agad nina Dad. Hindi magsasayang ng oras ang mga bodyguards ko na magsumbong as soon as they found out I’m missing. Depende na lang kung gagawa ng paraan sina Ate. Kung sakali mang malaman nila agad, kakausapin ko na lang sila.
Napabaling ako kay Yago sa gitna ng pag-uusap. Pinanliliitan niya ako ng kanyang mga mata na para bang may iniisip siyang kung ano tungkol sa akin habang tinititigan. Napalagok ako kaya’t muling nag-iwas ng tingin.
Tinulungan ko si Yaya Ruth na maglinis. Hindi niya naman ako hinayaan. Alam niya raw na hindi ako marunong maghugas ng pinggan.
“Yaya, marunong ako!”
“Hindi na, Aiselle. Bumalik ka na roon at kausapin na lamang si Yago.” Nilapitan niya ako lalo. “Iyong totoo? Boyfriend mo ba ang matipunong lalaking iyon? Hindi ako naniniwala na kaibigan lamang.”
“Yaya naman! Hindi nga po. Kung may boyfriend ako ay kayo agad ang nakakaalam. Isa pa, alam naman ninyo ang rules ni Daddy, hindi ba po? Kaya walang nagtatagal na boyfriend sa akin.”
Hindi naman mahigpit si Daddy. Maaari kaming makipagrelasyon sa kahit sinong gusto namin basta ba at kaya nilang sundin ang kagustuhan ni Daddy. My father set this one rule for our family at wala pa sa mga boyfriend ko ang kayang gawin iyon. Hindi ko nga alam kung may isang lalaki bang kakayanin iyon.
Nagpasiya na lamang akong lumabas ng bahay nang hindi ko makita si Yago. Hindi kaya umuwi na iyon?
Tinanaw ko ang mga paupahang bahay nina Yaya Ruth. Ito ata ang negosyo nila rito sa probinsya. Napangiti ako nang may makitang mga batang naglalaro.
Naglakad ako patungo sa tabing-ilog. Mayroon kasi akong nakita kanina. Hindi rin naman ito kalayuan kina Yaya Ruth kaya’t sa tingin ko ay hindi ako maliligaw.
Naupo ako sa may malaking bato at niyakap ang aking tuhod.
Hindi rin naman ako magtatagal dito. Gusto kong mahanap ang relatives namin dito sa Pilipinas. Ang sabi ni Mommy, I’d met them once pero…hindi ko na matandaan. Ni ang mga pangalan nga nila ay hindi ko na matandaan. Hindi rin naman kasi sila pinag-uusapan. Hindi ko alam kung anong mayroon at para bang sinisekreto ng mga magulang ko ang tungkol sa ibang kamag-anak namin. I’m pretty sure that my sister knew them. Kagaya nga lang din nina Dad, hindi na lang siya nagsasalita tungkol sa mga ito.
Gusto kong malaman kung may mga pinsan ba ako? Paniguradong mayroon. I never had lots of friends dahil homeschooling ako at noong college lamang hinayaan nina Dad na pumasok sa university. Still, dahil hindi ako sanay sa ganoong environment, hindi pa rin ako nagkaroon ng maraming kaibigan.
My parents, specifically my father, are overprotective. I know we have lots of enemies dahil na rin sa nature ng aming business, but I think it’s still unfair to cage me inside our house.
“Anong ginagawa mo ritong mag-isa?”
Nilingon ko siya at nakita ko si Yago. Nagulat pa akong makitang naririto pa rin pala siya ganoong akala ko ay umalis na ito.
“Yago, anong ginagawa mo rito? Akala ko kanina ay umalis ka na.” Iniisip ko pa naman na hindi man lang ako nakapagpaalam nang maaayos sa kanya.
Iniisip ko iyong gabing nagsama kami tapos tinakbuhan ko siya kinaumagahan. Akala ko kasi talaga’y hindi na kami magkikitang dalawa.
Nilapitan niya ako at naupo sa isang batong mas maliit sa kinauupuan ko.
“Sinamahan ko lamang si Benjamin kaya’t nawala kami sandali.” Tumingin siya sa akin. Nag-iwas ako dahil kinakabahan ako kapag tumititig siya sa akin. Pakiramdam ko ay inoobserbahan akong mabuti ng mga mata niya. “How about you? What are you doing here?”
“Wala lang. Nagpapahangin.” Nag-iisip-isip din.
Hindi na siya nagsalita at ganoon din ako. Nanatili ang titig ko sa pag-agos ng tubig sa ilog. Ang linis nito na nakakahikayat na maligo.
“So, you ran away from home, huh? Bakit? Nagrerebelde ka sa mga magulang mo?”
Doon nakuha ni Yago ang aking atensyon. Kumunot ang aking noo at ngumuso.
“Hindi naman sa nagrerebelde. Gusto ko lang makaranas ng kalayaan kahit papaano. Medyo strict kasi si Daddy sa mga ganitong bagay at hindi niya ako pinapayagang umalis sa amin. I just want to experience freedom.” Ipinatong ko ang aking baba sa aking tuhod.
“Ah, that’s why you look like someone who is an expert in running away. Kaya pala kaninang umaga ay tinakasan mo ako.” Humalakhak siya kaya’t sinipat ko siya.
“Ha? Pero one-night stand iyon! Ano bang inaasahan mo sa one-night stand? Hihintayin pa kitang magising? Isa pa…sobrang kalasingan ko lang talaga kagabi. Ni hindi ko nga inaasahan na may ganoong mangyayari.”
Natigil siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin.
“You didn’t like what happened last night?” His dangerous eyes looked directly at me. Kinabahan ako at akala mo’y napapaso sa paninitig niya sa akin.
Napayuko ako sa kahihiyan. Bakit ba tinatanong niya pa iyon?
“T-That’s not what I meant.” Nagustuhan ko ang nangyari kagabi but I won’t admit that! That’s too embarrassing.
“We’re in the same page,” sabi niya. “I ran away from home, too.”
Nagtaas ako ng ulo at tumingin kay Yago na nakatingin ng diretso sa ilog.
“Talaga? Bakit?” My chismosa side can’t help but ask him.
“Hindi naman talaga tumakas pero parang ganoon na nga. Gusto ni dad na lumayo muna ako sa syudad. Things are complicated there. They thought I’m part of a scandal. Nililinis pa ng pamilya ko ang pangalan ko. Ayaw nila na harapin ko ang media dahil lalo lamang magiging komplikado ang lahat.”
“Ikaw ba talaga iyong nasa scandal na tinutukoy nila?” Tumaas ang noo ko habang naghihintay ng isasagot niya.
He chuckled in a low and deep tone. “No. Maybe someone edited it out just to ruin my reputation. Hindi ko alam. Sa rami rin ng kaaaway ko ay hindi ko na malaman kung sino sa kanila.”
Tumango-tango ako. Ganoon din sa aming pamilya. Maraming gustong sumira sa pangalan namin para mapabagsak kami, though, no one succeed up until now. Kung mautak sila ay mas nauutakan sila ng dad ko.
Pinagmasdan ko si Yago habang nakatingin siya sa kawalan, ang sikat ng papalubog na araw ay tumama sa kanyang mukha. Napalagok ako as I admire his features. Lalo iyong gumanda ngayong natatapatan ng araw.
“May girlfriend ka ba?” Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Napalingon si Yago sa akin at ako naman ay nagulat din sa sariling tanong ko sa kanya. I immediately think of an excuse just to get away with this embarrassing situation.
“K-Kasi iniisip ko lang, baka I f****d someone who is in a relationship. Ayoko ng ganoon.” Good thing mabilis akong makapag-isip ng excuse ko!
Ngumisi si Yago at umiling sa akin. “No, I don’t have a girlfriend. I don’t do girlfriends. I just f****d and leave.”
“Oh, kaya ba naiinis ka na ako ang nang-iwan sa ‘yo after our one-night stand? Kasi dapat ikaw ang mang-iiwan. Bitter ka siguro sa ginawa ko?” Medyo nadismaya ako sa sinabi niya kaya’t gusto ko lamang i-ahon ang sarili sa nararamdamang iyon.
“Hmm, maybe.” Nagkibit-balikat ito. I can feel the hollowness inside my stomach.
Hindi na ako nagsalita at palihim na lamang siya inismidan. Psh, f**k boy!
“How about you, do you have a boyfriend?” tanong niya nang natahimik ako.
I gave him a side glance. He wasn’t looking at me. Nakatingin pa rin siya sa ilog.
“Wala. Bakit mo naitanong?”
“Same reason.” Tumango na lamang ako sa kanya at hindi na muling nagsalita.
Pareho kaming nakatitig sa ilog. Ang tanging maririnig mo lamang ay ang minsanang paghampas ng tubig sa maliliit na bato ng ilog.
“Bakit wala ka pang boyfriend?” Tumingin siya sa akin. I can feel something inside my stomach, sa lahat ng katanungang ibinabato niya sa akin.
“Walang tumatagal.” Humalakhak ako.
“Bakit?” Tinaasan niya ako ng isang kilay.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya bago sagutin ang katanungang iyon. “My family has this rule kasi, na kung inferior ang pamilya mo sa amin, kailangan mong magpalit ng apelyido namin kung gusto mo talagang mapakasalan ang babae sa aming pamilya. Majority of my ex-boyfriends feared that rule, kaya ang ending ay naghihiwalay lang din kami. Kakaunti lang kasi ang miyembro ng pamilya namin, at iyon ang nakikitang solusyon ni Dad para lumaki ang pamilyang mayroon kami. So, the other generations will keep using our surname.”
Maswerte na nga si Ate Maxine dahil iyong boyfriend niya ay pumayag sa gusto ni Daddy. Malapit na silang magpakasal. I’m so happy for her.
“So, if I wanted to pursue you, I must accept your family’s rule, huh?”
Napalingon ako kay Yago. Hindi pa rin nawawala ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Nabigla ako sa sinabi niya.
“Ano?”
“Nothing. I was thinking about it. That’s a strange rule pero wala ka rin namang magagawa tungkol doon. Hindi lang siguro ako makapaniwala na may ganyan pa sa ganitong panahon.”
Akala ko naman may narinig akong…baka guni-guni ko lamang iyon.
“What’s your full name, by the way? I’m just really curious about it.” Nagsalubong ang titig naming dalawa. Napalagok ako nang wala sa oras.
This man is breathtakingly handsome.
Napakurap-kurap ako bago sumagot sa kanyang katanungan. “Montecalvo. Aiselle Calanthe Montecalvo.”
Mabilis akong nilingon ni Yago. Nanliit muli ang kanyang mga mata pero ngumiti rin.
“If I wanted to marry you someday, dapat tanggapin ko ang term ng dad mo na palitan ang apelyido kong Benavidez, sa apelyido niyong Montecalvo, huh?” Tumayo si Yago at tinitigan akong mabuti. “Noted, then.”
Natulala ako sa kanyang sinabi. Ni hindi ko nga namalayan na umalis na pala si Yago sa harapan ko at pabalik na sa bahay nina Yaya Ruth.
Ilang sandali pa bago ako tumayo na rin at bumalik sa bahay. My heart is hammering so fast inside my ribcage that it’s physically hurting me. Hindi ko alam paano ito pakakalmahin.
Pumasok ako sa bahay. Kausap nina Yaya si Yago. Naisip ko na baka magpapaalam na si Yago. Somehow, nalungkot ako nang maisip na aalis na ito ngayon at maaaring hindi ko na makita ulit.
“Ace!” tawag sa akin ni Yaya Ruth. Nagulat pa ako nang tawagin niya ako sa palayaw ko.
Tumingin din si Yago sa akin at makahulugang ngumiti.
Nilapitan ako ni Yaya na may malaking ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya ang aking kamay. Magsasalita pa lamang sana si Yaya Ruth nang magsalita si Kuya Benjamin mula sa labas.
“Ma, naayos ko na iyong titirahan ni Yago.”
Kunot noo kong tiningnan si Yaya. “Anong titirahan ni Yago? Magpapalipas ba siya ng gabi rito?”
“Nako, hindi lang isang gabi! Dito raw muna siya hangga’t nasa bakasyon siya. Nirentahan niya iyong isa apartment namin.” Malaki ang ngiti ni Yaya habang nakatingin sa akin.
“A-Anong ibig niyong sabihin—”
Lumapit si Yago sa amin kaya’t hindi ko na naituloy ang sasabihin. His right hand is inside his pocket. He smiled at me, sexily.
“I’m staying here, Aiselle. Please, be good to me, and…let’s get to know each other well.”
Sa hindi malamang dahilan ay muli na namang kumalabog nang mabilis ang aking puso dahil sa mga sinabi niya.