HINDI ko alam kung paaano nangyaring bigla na lamang kaming nasa ganitong set-up. Nasa harapan ko sina Yago at Luciel at katabi ko naman si Briana. Nasa kuwarto kaming apat ni Briana. Wala si Gareth at ang parents ni Briana at bigla na lang siyang nagpakita sa bahay para sunduin ako at ipinagpaaalam ako kina Dad na magmo-movie marathon kaming dalawa kahit wala naman kaming usapan kanina. Nakisakay na lang ako kahit walang ideya sa nagyayari. Pagkarating ko rito, naabutan ko na sina Yago at Luciel na naririto. “Puta! Papatayin ako kina Dad kapag nalaman nila ‘to. Buti sana kung si Dad lang, palagay ko ay silang lima ang papatay sa ‘kin.” Napatingin ako kay Luciel. He looks agitated. Na para bang pinilit lang siyang pumunta rito. “Ano ba talagang nangyayari? Bakit tayo nariritong apat?”