NAKASIKIK sa gilid si Catalina at yakap ang sarili kaya biglang umamo ang mukha ni Samuel nang mapansin na natatakot sa kaniya ang dalaga. Hinubad niya ang damit pang-itaas at nilagay lang sa isang tabi kaya mas lalong sumiksik si Catalina.
“Are you afraid of me, baby?” mahinahon na tanong ng binata at dahan-dahan itong lumapit kay Catalina. Napapikit ang dalaga dahil ayaw niyang makita ang mga mata ni Samuel at baka mahypnotise na naman siya.
“Catalina…”
Napasinghap siya nang marinig ang pabulong na sambit ni Samuel sa kaniyang pangalan. Pagmulat niya ng mata ay napaatras siya nang nakalapit na pala si Samuel sa kaniya at katulad ng kaniyang inaasahan ay kumikinang na naman ang asul nitong mga mata at nabuhay na naman ang pakiramdam niyang ito.
Hindi na siya nakapalag nang hapitin siya ni Samuel sa baywang at dinala sa gitna at dahil wala naman silang shower kaya binuhay ni Samuel ang gripo at bumuhos sa kaniyang ulo ang isang tabo ng tubig. Maging ang binata ay nagbuhos rin sa ulo nito at para hindi mailang ay kinuha na lamang ni Catalina ang shampoo at sinabon ang buhok niya.
“Samuel, tubig?!” saad niya at mabilis naman si Samuel na tumalima at binuhusan siya nang sunod-sunod.
“Salamat.”
Wika ng dalaga nang mawala ang bula sa buhok niya. Ngumiti naman si Samuel sa simpleng pasasalamat sa kaniya ng dalaga at biglang napaiwas ng tingin si Catalina nang biglang hinapit muli ni Samuel ang baywang niya at sinandal sa wall.
“Anong ginagawa mo?” biglang kinabahan ang dalaga sa anumang gagawin ni Samuel.
“It’s better if we remove this,” saad ni Samuel at tinanggal ang butones ng suot niya kaya agad niyang pinigilan ang kamay nito.
“Sam—“
“Shhh, easy baby, I will not do anything without your permission.”
Tugon ni Samuel at hindi na nakapagsalita ang dalaga nang matanggal na nito ang blouse niya. Maging ang suot niyang palda ay naibaba na ang zipper sa likod at nang matanggal iyon ng binata ay biglang kumunot ang noo nito.
“Hindi ka manlang nagsuot ng short? ‘yung cycling na sinusuot ng mga babae pagnagpapalda bakit wala ka no’n?”
Hindi malaman ni Catalina kung galit ba ang boses nito dahil para siyang pinapagalitan sa tono ng boses ni Samuel.
“Answer me, Catalina!”
Nawindang ang dalaga nang lumakas ang boses ni Samuel at sa hindi niya malaman ay nagkanda-utal-utal siyang sumagot.
“K-kulang na sa budget ko,” halos pabulong niyang saad.
“Huwag ka nang magsuot ng mga ganiyan. Mas maganda pa magpantalon ka na lang.”
“Bakit alam mo ang cycling? mahilig bang magsuot ng cycling ang girlfriend mo?” diretsong tanong ng dalaga at biglang nawala ang kunot noo nito. Hindi nakapagsalita si Samuel at waring may iniisip.
“Yes. I always buy her clothes, often cycling, she was once a student at the University of Makiling, and you always reminds me of her.”
“Lumabas ka! kaya kong paliguan ang sarili ko,” saad ni Catalina at akala niya ay magmamatigas si Samuel pero agad itong lumabas.
Napabuga ng hangin si Catalina nang ma-ilocked niya agad ang pinto. Habang nagsasabon ay naiisip niya pa rin ang sinabi ni Samuel. So may girlfriend nga siya tapos kung umasta akala mo kung sinong single! Paghihimutok niya.
“Hurry baby, I’m waiting outside.”
Napapitlag siya sa boses ni Samuel sa labas at imbes na magmadali ay binagalan niya ang pagligo. Marami siyang iniisip katulad na lang ng pinapakita sa kaniya ni Samuel, baka gusto lang nito na makaisa kaya feeling concern? pero kapag naiisip niya ang ganap roon sa kuwarto nila ay naiisip niya rin na hindi naman siguro katawan ang habol sa kaniya ng binata kasi may pagkakataon na ito na gawin ang binabalak kung mayroon man pero hindi naman nito ginawa. Napailing-iling na lamang si Catalina at nang matapos siya sa pagligo ay sinabi niya sa sarili na walang magbabago at hindi pa rin siya masisindak ni Samuel.
Sa tagal niya sa banyo ay hindi niya sukat akalain na nakaabang pa rin si Samuel sa labas at nakadekuwatro itong nakaupo sa silya. Napatingin ito sa kabuuan niya at mas lalong humigpit ang hawak niya sa tuwalya na nagsisilbing takip sa hubad niyang katawan.
“Hoy, Samuel, baka nakakalimutan mong ako ang may-ari nitong kinatatayuan mo? nasaan ang respeto mo?” sinubukan niyang magtaas-taasan ngunit hindi manlang natinag ang binata. Bigla itong tumayo kaya sa subrang kaba niya ay tumakbo siya papasok sa kaniyang kuwarto at bago pa niya maisara ang pinto ay nakita niya si Samuel na nakatayo lang at nakatalikod sa kaniya. Akala niya kasi ay hahabulin siya o ‘di kaya huhulihin uli ang kamay niya katulad kahapon pero mabuti na rin at hindi nito uli ginawa ‘yon.
Nagbihis siya ng pang-alis at naglagay siya ng kolorete sa mukha at kahit na late na siya ay kailangan niya pa rin magpakita kay Mayor para na rin makaiwas kay Samuel. Ni-lock niya ang pinto ng kuwarto niya at hinananap ang bag na hawak kanina ni Samuel at eksaktong kinuha niya ito sa upuan nang tumunog naman ang cellphone niya at pagtingin niya ay si Mayor ang tumatawag. Napakagat siya sa ibabang labing marami ng miscalls at texts ang naipadala nito.
“[Hello?]” mahinahon niyang sabi at napakagat siya sa ibabang labi nang marinig ang boses ni Jorge sa kabilang linya.
“[How are you? Is everything alright? I’ll pick you up, Cath?]” tugon ng alkalde at biglang nataranta si Catalina nang marinig niya pa ang pagbuhos ng malakas na ulan.
“[Naku, nakakahiya naman po, huwag na. Magtatraysikel na lang ako, may payong naman ako. Okay lang po ba na papasok ako ngayon kahit na alas nuebe na? opo, thank you so much Jorge]”
Pagkatapos ng tawagan nila ay mabilis niyang binuksan ang pinto pero napasinghap lamang siya nang malakas ang hampas ng ulan na umabot pa sa pintuan dala na rin ng hangin. Hindi niya nabalitaan kung may masamang bagyo ba at ganito na lang ang galit ng langit. Muli niyang sinarado ang pinto at naghanap ng payong at pagtingin niya sa TV ay may malaking papel na nakasulat.
Umbrella? Upstair!
Napakasimpleng letra ngunit abot hanggang dulo ng ugat niya ang galit sa hambog na Samuel na ‘yon. Sinasagad talaga nito ang pasensya niya!
Nagmartsa siya papunta sa kuwarto ni Samuel at sinadya niyang bigatan ang talampakan para marinig ng lalaki ang galit niya.