"Goodmorning Maam," pakinig kong bati ng mga empleyado sa unahan dahilan para mapaangat ang aming paningin ng mga kasama ko.
Achetbir's grandmother is walking towards our table. Agad kaming tumayo nang nakalapit s'ya sa amin at bahagyang yumuko bilang pagbibigay galang.
"Goodmorning Maam," sabay-sabay na sabi namin ni Serah at Feya bago inangat ang paningin sa kan'ya.
Ngumiti naman ang matanda at saka sinenyasan ang dalawa kong kasama na umupo.
"Busy ba ang aking apo hija?" Maamong tanong niya sa 'kin habang nakangiti.
"Ahmm. Hindi po masyado Madam," magalang na tugon ko.
Nagawa pa nga akong ipatawag para lang makipagtalik. Iniwasan kong mapangiwi dahil doon.
"Okay. Thankyou," pasasalamat niya sa akin saka tumalikod upang maglakad patungo sa opisina ni Achetbir.
Marahan naman akong napayuko at napabuga ng hininga. Achetbir's grandmother is kind. Pero hindi ko parin maiwasang kabahan kapag nagkakaharap kaming dalawa. Pakiramdam ko kasi anumang oras ay pupwede kaming mahuli ni Achetbir.
"Ang bait talaga ni Madam ano?" Chika ni Feya.
Napangiti nalang ako at napatango bilang pagsang-ayon.
"Feeling ko nga paboritong-paborito ka niya Jandie," wika naman ni Serah.
My lips twisted because of that. "Bakit naman? Paano mo nasabi?" Tanong ko at pinagpapatas ang mga papeles na nasa aking desk sa dapat nilang kalagyan.
"Hala siya. Hindi mo pansin 'te? Palaging nagnining-ning ang mata niya sa tuwing kausap ka," eksahiradang tugon ni Serah.
I rolled my eyes and looked at her. "Guni-guni mo lang iyon," sambit ko kahit ang totoo ay napansin ko rin 'yon. Kaya naman gano'n nalang ang takot ko na mahuli kami ni Achetbir dahil baka magbago ang pakikitungo ng ginang sa akin.
"Tss! Pero kung anong ikinabait ng turing sayo ng lola ni Sir gano'n naman kahigpit galing sa nanay niya. Grabe, iniisip ko palang siya naninindig na balahibo ko." Si Feya habang hinahaplos ang braso niya.
Sabay nalang kaming napatawa ni Serah.
Achetbir's mother is kinda intimidating. Sa tingin palang na ibibigay niya sa 'yo ay tila nagsasabi na ayaw niya ng maling kilos sa kan'yang harapan. Malamig at walang emosyon din s'ya kung magsalita, bagay na namana ni Achetbir sa t'wing ibang tao ang kaharap niya.
"Oh, Miss Patriza is also here," untag ni Serah habang nakatingin sa unahan.
Sabay naman kaming napatingin ni Feya roon. Nasa harapan siya ng pintuan ng opisina ni Achetbir at astang papasok.
"Napakaganda talaga ni Miss ano?" Naroon ang pagkamangha nang itanong 'yon ni Feya.
"Yeah, bagay na bagay talaga sila ni Sir. What do you think Jands?" Serah asked for my opinion.
Mapait nalang akong ngumiti at ibinalik sa trabaho ang aking atensyon nang nakita ko ang pagpasok ni Miss Patriza sa opisina ni Achetbir.
"Yeah," tipid kong sagot.
Isa si Patriza sa matunog na nalilink sa kan'ya. Madalas kasi s'yang yayain ng nanay ni Achetbir sa mga family gatherings nila. Isa pa ay talaga namang bagay silang dalawa, isang maganda at isang gwapo, isang mayaman at isa ring mayaman.
Bagay na wala ako.
Hindi ako pangit ngunit hindi rin naman sobrang ganda. But Patriza is the total opposite of me, she's indeed perfect. Hindi kataka-taka na isa s'yang sikat na modelo ng sarili niyang clothing brands.
Nagpatuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa kong kasama tungkol kay Achetbir at Patriza. Ako naman ay piniling hindi makisali sa pagchichikahan nila at panaka-nakang tumitingin sa pintuan upang bantayan ang paglabas ng nasa loob.
Halos trenta minutos ang lumipas at naunang lumabas ang lola ni Achetbir. Tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nagagawi rito sa kumpanya ay dumidiretyo siya sa 'kin pagkakalabas sa opisina ni Achetbir.
Mabilis naman akong tumayo at nagbigay galang sa ginang nang nasa harapan ko na siya.
"Stop treating me like this hija. Masyado mo namang pinapamukha sa akin ang estado ko." Pagbibiro niya.
Napangiti nalang din ako sa kan'ya. Somehow, I am comfortable at her presence. Maybe because she's really good to me.
"Pasensya na po Madam." Paghingi ko ng paumanhin.
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at ikinawit ang kan'yang kamay sa aking braso, mukhang hindi lang ako pati narin ang mga kasamahan ko base sa mahihina nilang singhap.
"Bakit hindi tayo magkape? Sa tingin mo iha hindi ba magandang ideya?" Puno ng galak na tanong niya sa akin.
Napakurap-kurap naman ako at hindi alam ang gagawin. She's my boss grandmather, no let me rephrase it, she's my boyfriend's grandmother, how the hell can I declined her?
"N-Nakakahiya naman po Madam pero k-kung gusto niyo po talaga sige po," utal kong tugon.
"Great! Let's go!" nagagalak niyang sigaw at saka ako kinalikad.
Napalingon pa 'ko sa aking mga kaibigan na naka okay sign para sa akin. Marahan nalang ako na napailing at isinenyas ang aking lamesa agad namang tumango ang dalawa.
"Hindi naman siguro magagalit ang apo ko kung kinidnap ko saglit ang sekretarya niya," kibit-balikat na sabi ng ginang dahilan para bumalik ang atensyon ko rito.
"Hehe. Hindi naman po siguro ako hahanapin ni Achet—Sir," alanganin kong sagot.
May bisita siya sa loob kaya imposibleng tawagin niya ako. At tulad ng mga nangyayari noon paniguradong hapon na naman lalabas si Patriza mula sa opisina niya.
I once asked Achetbir what Patriza does all day in his office. Sabi niya sa 'kin ay nanunuod lang ng tv ang babae at panaka-naka siyang kinakausap dahil pinapakita talaga nitong busy siya upang hindi gambalahin. He also made sure to me that there's no monkey business happening in his office . Naniwala naman ako at nagtitiwala sa kan'ya.
Ilang minuto pa nga ang lumipas at narating namin ang gustong cafe na puntahan ng lola ni Achetbir. Itsura palang ng lugar at alam kong mamahalin 'yon.
"What do you want hija?" Nakangiting tanong sa akin ng ginang nang nakaupo kaming dalawa.
"Kung ano nalang po ang sa 'yo Madam," magalang kong sagot.
Baka mamaya sobrang mahal pa nang maorder kong kape.
Ngumiwi siya sa akin na parang hindi gusto ang narinig.
"Call me Lola," she commanded.
My jaw dropped automatically. "Po?" Pagpapaulit ko sa kaniyang sinabi.
"Masyado namang pormal ang Madam, you're working as my grandson's secretary for almost three years. Hindi kana iba sa akin," she explained.
Alangan naman akong napatawa at linunok ang sarili kong laway. Pakiramdam ko ay bigla akong pinagpawisan at maiihi sa kaba.
"Come on, say it," she said excitedly.
Napahinga nalang ako ng malalim at pilit na ngumiti sa ginang. "Lola," I mumbled.
I felt butterflies on my stomach after I said that. Ganoon pala ang pakiramdam na matawag na lola ang lola ng partner mo. Cringe but indeed a good feeling.
Tila nagningning naman ang kan'yang mata pagkatapos niyon. Bakas ang sobrang kaligayahan sa mata niya kaya naman wala akong nagawa kun'di ang muli siyang tawagin sa gusto nito.
"Lola," I repeat. This time more comfortable than earlier.
Parang bata naman s'yang pumalakpak sa tuwa.
"That's it apo. Perfect!" she exclaimed.
I caught off guard. Napaubo ako kahit pa wala akong iniinom na kahit ano.
Mabilis na tumawag ng waiter ang ginang at nagpadala ng tubig sa 'ming pwesto. Agad ko naman 'tong iniinom nang inilapag iyon ng waiter sa lamesa.
"Are you okay hija?" Nakangiwing tanong niya habang pinanunuod ako.
"O-Okay lang po," tugon ko saka huminga ng malalim.
Grabe namang matuwa ang lola mo Achetbir. Nakakamatay.
Dumating na nga ang inorder ni Lola pagkatapos ng ilang sandali. We have our random talks habang iniinom ang kapeng inorder niya. Napag-usapan namin ang aking kapatid na pinaaaral ko sa aming probinsya ganoon nadin si Achetbir bilang boss. Madaldal si Lola at madaling makagaanan ng loob kaya naman kumportable akong nagkukwento sa kan'ya ng tungkol sa akin, well maliban nalang sa relasyon namin ng apo niya.
After drinking our coffees, Lola sent me again to the office. We bid our goodbye's at the parking lot. Nagpasalamat ako sa kaniya bago muling pumasok sa kumpanya.
Ang pagbalik ko ng opisina ay siya namang paglabas ni Patriza at Achetbir sa office. Bahagya pang umangat ang kilay ni Achetbir nang nakita na kapapasok ko palang sa department namin. Bahagya akong yumuko upang magbigay galang 'tsaka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa table ko.
"Ano girl, anong lasa ng kape? Hindi ka man lang nagtake out ha," bungad na wika sa akin ni Serah.
Mabilis ko naman siyang tinapik sa braso dahil kita ko ang paninitig ni Achetbir sa direksyon ko. Napansin naman siguro 'yon ng mga kasama ko kaya dali-dali silang bumalik sa kanilang mga gawain na animo'y masisipag na empleyado.
I bit my lower lip and lowered down my eyes because of the cold stare he's giving me. Malamang sa malamang ay ibang bagay ang tumatakbo sa isip nito.
Lola mo ang kumuha sakin hindi iba lalaki. Nakangusong sambit ko sa aking isip.
Natigilan ako sa mahihinang singhap ng mga empleyado na tila nakakita o nakarinig ng kung ano kasabay nang pagsipa sa akin ni Serah at nguso sa unahan.
And I was rooted in my place the moment my eyes laid at his direction. Patriza was clinging on his neck while their lips are connected to each other.
You fvcking need to explain this Achetbir.