Chapter 14

959 Words
Chapter 14 Astrid Salves's POV; "Pasabi sabi ka pang study first eh patago ka naman pala lumandi!" 'Boooo!' Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong long gown habang nakatingin sa mga picture na nilalabas ng projector. Mga picture namin ni Callius. 'Yak feeling naman bagay sila.' 'Kawawa naman si President.' "Ahhh!" Sigaw ko ng may tumulak saakin si pool. "T-Tulong!" Sigaw ko dahil hindi ako marunong lumangoy pilit kong inaahon ang katawan ko habang tinitingnan si Callius na hindi makapaniwalang nakatingin saakin. 'B-Bakit Callius?' "Suit for you bitch." Hindi ko maiwasang maiyak dahil yung mga taong akala ko tutulungan ako. Yung mga taong akala ko mga kaibigan ko lahat sila ... lahat sila nakatingin lang saakin at diring diri. 'B-Bakit?' Hindi ko na kaya ... hindi na ako makagalaw. "Salves!" Napatigil ako ng may makita akong lalaking lumalangoy palapit saakin at mabilis na hinila ang kamay ko paangat. "*cough!*cough!*" Napaubo ako habang nakakayakap kay---. "C-Cadmus." Hindi makapaniwalang sambit ko ng makita ko siya. Hindi siya sumagot at niyakap ako bago niya ako inalalayan papunta sa kabilang bahagi ng pool. "Putangina buti na lang talaga nag inarte si Cala kung hindi baka napano kana." Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakahawak sa gutter ng pool ng may nag abot ng kamay saakin. "K-Kayo?" Hindi makapaniwalang sambit ko ng iangat nila ako at tulungan si Cadmus na umakyat na kinatingin ko sakanya. 'Basang basa siya.' ng magtama ang mata namin mabilis itong umiwas at naglakad papunta kung saan. "Great! Si Cadmus naman ang---ahhhh!" Napatingin ako sa mini stage ng makarinig kami ng malakas na ingay at pagbagsak. "Naka b***h mode nanaman yata si Cala." Hindi ko alam ang nangyayari basta kitang kita ko yung babaeng pinsan nina Cadmus na pinagbabasag kung ano man yung nasa stage bago kuhanin yung mic. "Magandang gabi at mga putangina niyong lahat kung kasiyahan sainyo ang pagsira sa buhay ng iba well welcome to my club bitches and jackass dahil kasiyahan ko din yun and para sa entrance fee ng club ko expected niyo na ang worth 40 million na mawawala sa family business niyo and I thank you." Nanlaki ang mata ko ng ibato niya yung mic na kinatanga ng buong C-lite students. "Umuwi kana sainyo." Napatigil ako ng may magpatong ng ng jacket sa balikat ko. Hindi ko alam pero ng hawakan niya ako at hilahin kung saan hindi ko napansin na unti unti nanamang tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung anong mas masakit yung traydurin ka ng akala mo kaibigan mo o yung titigan ka lang ng taong mahal mo habang pinagtatawanan at kinukutya ng lahat. "Sakay." Hindi na ako umimik at walang kaano anong sumakay sa kotse ni Cadmus ng makarating kami sa parking lot. Buong byahe wala ako sa sarili basta ang alam ko lang pagod na pagod ako at gusto ko umalis sa eskwelahan na yun. "Basa na ang kotse ko Salves wag mo ng dagdagan ng mga luha mo." Banat ni Cadmus na kinapunas ko sa pisngi ko. "Jerk." Bulong ko bago tingnan si Cadmus na nagdadrive gamit lang ang isang kamay habang ang isang braso nito nakapatong sa bukas na bintana. "Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Tuwang tuwa pag may natatapakan?" Naiiyak na sambit ko. Hindi siya umimik na kinayukom ng kamao ko. "Bakit hindi ka magsalit---." "Kung ibubunton mo saakin ang galit mo sa mga kaschoolmate at kay Callius umiyak kana lang diyan at manahimik." Walang buhay na putol ni Cadmus na kinainis ko. 'Pare pareho silang mayayaman.' Napatingin ako sa labas ng---. Ito yung papunta sa bahay namin paanong---. "How did you know this place i mean wala naman akong sinabing address sayo." Ani ko habang nakatingin sa mga eskinitang dinadaanan namin hanggang sa huminto kami sa isang bakanteng lote. "Baba ang dami mong tanong." Ani ni Cadmus bago bumaba. =_=. Bwisit talaga ang lalaking yun ng makababa ako ng kotse napahawak ako sa jacket na nasa balikat ko ng umihip ang malakas na hangin. "Masyado ng malalim ang gabi." Napatingin ako kay Cadmus ng magsalita ito. Sasagot ako ng makita ko siyang nakasandal sa hood ng kotse at nakatingin sa napakalaking buwan habang nakapamulsahan. Nakaputi lang itong longsleeve at---. 'Yun pa din yung suot niya kanina.' Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatitig kay Cadmus hanggang sa pumasok sa isip ko si Callius. Yung tingin niya, yung tawanan ng mga kaklase namin at pangungutya nila sa pamilya ko. "Siguro kailangan ko ng magtransfer sa ibang sch---." "Bakit ka nga ba ulit pumasok sa C-lite Salves?" Putol ni Cadmus sa sinasabi ko bago salubungin ang tingin ko na kinaiskip ng paghinga ko. 'Bakit?' "P-Para sa m-mama at papa ko, m-maahon ko sila sa hirap at maipakitang worth it yung pagtulong saakin ng taong nasa likod ng s-scholarship ko." Bulong ko. "Then bakit ka mag tatransfer out?" Tanong ni Cadmus na kinayuko ko. "Ang buhay ng tao hindi katulad ng isang math subject na ituturo ng teacher ang formula at kayo ng bahala mag solve. Para itong science na kailangan mo magresearch,study,experience and evaluate ... wala sa kamay ng teacher mo ang formula ng kalalabasan ng kung anong buhay mo in future ... kaya wag mong ibase sa iba o sa pananaw ng iba kung anong buhay ang gusto mong kahitnan sa hinaharap. Wala man ang scholarship, mababa man ang tingin sayo ng C-Lite students makakasurvive ka kasi desidido ka. May gusto kang matutunan,may gusto kang makuha at marating." Habang nakatitig ngayon kay Cadmus maraming pumasok sa isip ko. Panong ang isang basugulero,sira ulo at patapon ang buhay ay nakakapag salit---. 'Who knows? At the first place hindi ko ganun kakilala si Cadmus katulad ng akala ko kilala ko na si Callius dahil sa mga nakikita kong ugali at pakikutungo nito sa iba.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD