Chapter 06
Ayeesha
ALEXANDER immidiately left the house with an uneasy face, pagkatapos pagsabihan ni Yaya Martha.
"Where is he going? Bakit po s'ya nagagalit sa'kin?" ani ko na hinahatid nang tanaw ang papalayong bulto ni Alex hanggang nakita ko siyang lumiko sa isang eskinita.
"Don't you worry about him. May pinagdadaanan lang si, Kuya. Nakita n'ya n'ya na may pa billboard ang mga magulang mo sa City, tungkol sa engagement mo with Doctor. Luis Montelibano," sagot ni Yumi na may nakakalokong ngiti sa labi niya.
Wala sa loob na tumango ako. Next week, nang Saturday exact 7:00 in the evening ang engagement ko at gusto kong takasan ito. But i don't know how? On my part, i don't want to get married sa taong hindi ko gusto. Lalo na ngayon nakita ko na si Gabriel pero kabaliktaran ang binata sa mga k'wento noon ni Yaya Martha. Mabait daw pero hindi naman pala, ang suplado kasi nito.
"Baka, pupunta lang sa mga kaibigan niya," wika naman ni Yaya Martha. Matipid akong ngumiti sa matanda.
Tinawag ni Yaya Martha si Mari na bumungad sa pinto at inutusan na bumili nang meryienda sa labas.
"Bumili ka nang meryienda sa labas, Mari." Sabay kuha nito sa perang nasa bulsa n'ya pero nakasimangot si Mari. Parang pinagbagsakan ng langit.
"Si Yumi na lang po, T'yang Martha , wala naman po s'yang ginagawa," naiiritang sagot ni Yumi.
"Ikaw ang inutusan ko tapos ituturo mo na naman sa kapatid mo," pagalit na sabi niya kay Mari. Padabog na inabot niya ang pera sa kamay ni Yaya Martha. Masama itong tumingin sa'kin.
"Kailan ka ba kasi uuwi?" Nakataas ang mga kilay nitong tanong sa'kin.
Akmang bumukas ang bibig ko nang magsalita si Yaya Martha.
"Ako, ang maghahatid sa kanya sa mansiyon bukas, Mari. Kaya tumahimik ka na." Sita sa kanya ni Yaya Martha.
"Bakit bukas pa, kung p'wede naman ngayon?" Sarkastikong tanong ni Mari, bago nagdadabog na lumabas ng bahay.
Matipid akong ngumiti kay Yaya Martha. "Pati rin po ba si Mari, may pinagdadaanan din," pabiro ko, "ang taray niya sa'kin simula pa po kanina?" natatawang sumbong ko. "Nagtataka po ako kung ano ang ikinagagalit n'ya sa'kin?" I added softly.
"H'wag mo nang intindihin si, Ate Mari," si Yumi ang sumagot na sumungaw mula sa pinto. "Pero si Kuya Alex iba ang dahilan kung bakit mainit ang ulo n'ya," tumawa ito ng malakas, "nagseselos lang 'yon dahil ang crush n'ya noon pa ay magpapakasal na sa iba." Hindi maawat ang mga malalapad na ngiti ni Yumi.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean by selos? Jealous by whom?" I asked, a malicious tone underneath my smooth voice.
Yumi shrugged her shoulder. But the silly smile on her lips didn't disappear. I just ignore it. Ayokong mag expect kung ako ba ang tinutukoy nito?
Na niniwala ako sa kasabihan.
Expectation postponed makes the heart sick.
Ayokong mag expect. Nang kahit ano?
I smiled weakly at her.
"Dito ka muna, Aye , aayusin ko ang kwartong tutulugan mo mamaya. Para maging komportable ka. Alam mo naman ang Mommy mo, masyadong maselan. When it comes to you," may pangambang sabi nito.
"Yaya Martha, don't worry about me. Kahit saan p'wede po akong matulog kahit sa sahig lang po okay na po ako do—"
"Ang batang ito," naiiling na putol niya sa sinasabi ko. "Hindi p'wede ang gusto mo, Ayeesha , hindi ka matutulog sa sahig..."
Magsasalita pa sana ako nang lumakad si Yaya Martha patungo sa isang silid. Sumunod ako. Binuksan iyon tumambad sa'kin ang maliit na kwarto, napako ang mga paningin ko sa bintana na medyo nakabukas. Nakaharap ito sa karagatan.
"Walang natutulog sa kwartong ito, kaya dito ka muna. Mamaya, papalitan ko ang mga kobre kama."
Humakbang ako patungo sa bintana at binuksan ang sliding window na gawa sa kahoy na narra para lumaki ang bukas nito. Tumambad sa'kin ang mapayapang karagatan at nakakakita ako ng mga ibon na nagsisiliparan sa himpapawid, maganda ang lokasyon sa kwarto overlooking sa dagat.
I was awe.
"I hope you'll find this room to your liking..." isang ngiti ang pinakawalan ni Yaya Martha.
"Wala pong problema sa'kin Yaya. Parang hindi niyo po ako kilala, hindi po ako maarte kahit noong bata pa ako," bulalas ko.
Lumapad ang mga ngiti ni Yaya Martha. "Malay ko kung nagbago kana lalo pa at tumira ka sa, Amerika," hinaplos niya ang pisngi ko. "Ikaw, parin ang Ayeesha na kilala ko, mabuti ang puso at mabait na bata."
I shrugged my shoulder. I doubt for that.
Nagkangitian kami nang matanda at sabay na napangiti.
"Mas lalo lang po akong gumanda, Yaya Martha , at lalong sumeksi. Iyon po ang nagbago sa'kin," nakangising sabi ko.
Isang halakhak ang pinakawalan ni Yaya Martha. Pagkatapos ay, "Iwan muna kita dito at kukunin ko ang mga kobre kama para maayos ko ang paghihigaan mo at makapagpahinga ka. Bukas na bukas ihahatid kita pauwi baka iyak na nang iyak ang mommy mo. Kilala ko si Camila kung gaano ka n'ya kamahal," aniya at lumabas na ito ng silid.
Dumungaw ako sa bintana, at sa di kalayuan. Wala sa sariling napangiti ako nang makita si Gabriel. Abala sa pag aayos ng malaking basnig. Nakalantad ang kalahating katawan nitong walang damit. Nangingintab ang balat nito na kulay Tan sa tuwing tatamaan nang sikat ng araw na nagkukulay kahel na.
Ewan ko ba! Hindi ko maintindihan ang iba't–ibang emosyon na naguumalpas sa dibdib ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Suddenly, unexpectedly , i was aware of myself as a woman, at kung ano ang kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae.
Saan ba galing ang nararamdaman ko ngayon? Dahil ba noong bata pa ako, hinangad ko nang makilala si Gabriel? Bumibilis kasi ang pintig ng puso ko sa tuwing lalapit s'ya sa'kin. Kinakabahan akong hindi ko mawari. Bagong damdamin na ngayon lang umusbong sa buong buhay ko.
Akala ko noon abnormal ako, dahil hindi ako nagkakagusto sa mga lalaki. Sabi ko noon, mag–eenjoy lang ako sa kaka travel anywhere in the world at lulustayin ang pera ng mga magulang ko. Sa pamimili ng mga branded na kagamitan, pag–enjoy sa mga luxury life. Dahil alam ko pagdating ko sa edad na twenty one.
Ang mga magulang ko din ang pipili nang lalaki para sa'kin. Business as usual, always matters to them.
Pero nagiba ang lahat nang magtagpo ang landas namin ni Alex. Pero hindi naman yata n'ya ako gusto? Napawi ang mga ngiti ko sa labi nang maisip ang bagay na iyon.
Napalingon si Alex sa kinaroroonan ko at mabilis akong nagtago sa gilid ng bintana. Kumakalabog ang puso ko sa matinding kaba. Oh my God! Why? Ano ba talaga ito? Bakit sobrang apektado ako kay Gabriel?
But he hated me? At nahusgahan pa niya ako? I couldn't blame him though.
Dahan–dahan akong dumungaw ulit sa bintana. Ngunit wala na siya sa gilid ng basnig. Nalungkot ako, wala na ang binata.
I immidiately decided to go to the kitchen. Pakiramdam ko, pinanuyuan ako ng lalamunan. Nakaramdam ako nang pagkauhaw. I took a deep breath and went straight to the kitchen. Nakakarinig ako ng mga boses, nang dalawang babae. Binilisan ko ang paghakbang naabutan ko si Mari at isang babae na sobrang iksi ang suot na short. Maganda at maputi, kulay mais ang buhok. Gumagawa sila nang meryienda.
"Look who's here!" Mari said suddenly. Lumapit sa kanya ang babae at parang may binulong. Patango–tango siya rito at nagkahiyaan pang nagtawanan. Hindi ko lang sila pinansin, ayokong makipag away lalo pa at hindi ko ito teritoryo.
Nagawa ko paring batiin si Mari na may ngiti sa mga labi ko. "Hi! Good afternoon, Mari!" Ani ko.
She frowned. "Ohh please what's good in my afternoon? Until now, you are still here?" She replied unwillingly.
Napayuko ako at benalewala na lang si Mari. Kaya ko pa namang magpasensiya.
"Stupid girl! Your face so annoying! Naiinis talaga ako sa'yo." Mari whispered sharply.
Napayukom ako ng mga kamao ko. Masyado akong galit para ipilit ang sarili ko para magsalita. I need more patient for this woman. Sayang itong si Mari magandang babae pero masama ang ugali.
Maganda ako at mayaman pero never akong nagtataray. Isa sa mga kahinaan ko sobra akong soft hearted, madali akong maawa pero palaban din ako minsan. Hindi ko muna siya papatulan. Papaalis na ako sa kusinan nang marinig kong magsalita ang kasama nitong babae.
"May gusto ba sa kanya ang bebe kong si Gabriel?"
Napangiwi ako, bebe? As in baby duck? Iyon ang accent niya. Narinig ko pang humalakhak si Mari. At sadyang nilakasan ang boses.
"Sinabi ni Kuya kanina, hindi niya type. Isa daw constant trouble 'yang si Salvatore. Saka nakakairita daw, makulit at annoying." Natatawang wika ni Mari.
I gritted my teeth. At bago pa ako makaisip ng isasagot sa kanilang dalawa ay umalis na ako. Bago pa ako makapankit.
Ngunit may humaplos na kung ano sa dibdib ko. Hindi ko mawari, bakit parang masakit sa dibdib ko ang sinabi ni Mari?
Talaga bang sinabi ni Gabriel iyon?
Dinala ako ng mga paa ko sa balcony. Pagkabukas ko pa lang sumalubong na sa'kin ang panghapong hangin.
"Anong nangyari? You're face is a litlle bit dull?" Sumulpot si Yaya Martha sa likod ko.
"Nothing, Yaya! May naiisip lang po ako about my engagement?" I answered calmly.
"Ano ang problema sa engagement mo? Kung ang napili naman ng mga magulang mo ay si Doc. Luis, mabait naman siya. Mga bata pa lang kayo, alam kung pinagkakasundo na kayo?" She asked with a concerned face.
Sasagot sana ako nang biglang dumating si Mari. Dala–dala ang meryiendang gawa nila. Nakita kong nagmano ang babaeng kasama nito kay Yaya Martha. Sa gesture na pinapakita nito mukhang kilalang–kilala na nila ang babae. At kaibigan din ni Mari.
Baka nga karelasyon pa ito ni Alex.
"Oh, please Ayeesha cut the drama. Wag mo kaming idamay sa engagement mo. Ano ba ang pakialam namin, kung ikakasal ka?" She bluntly said, sabag lapag sa dala–dalang tray sa bilog na mesa na gawa rin sa kahoy.
Yumuko at biglang natahimik. May point naman s'ya. Ano ba ang pakialam nila sa personal kung buhay? Lalo na sa engagement ko. Hindi ko naman sila ka anu–ano para makinig sila sa miseries ng aking buhay.
Ang gusto ko lang din sana may makinig sa'kin, for once. Humarap ako sa dagat at mahigpit ang kapit ng mga kamay ko sa balustre ng balcony. Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko pero kumurap–kurap ako para alisin sa mga mata ko ang nagbabadya kong mga luha.
"Mari, lower your tone! Kung ano–ano lang ang sinasabi mo?" Yaya Martha suddenly replied in a disturbing way.
"Nagsasabi ako nang totoo, T'yang. Ano ba ang papel n'ya sa buhay natin? Baka ipahamak pa tayo lalo na ang Kuya. Pakialam ba natin sa kanya. Feeling at home, akala naman niya everyone likes her," she said cruelly.
Napahigpit ang kuyom ko sa mga kamao ko, isang salita pa niya at hindi na ako magdadalawang isip na bigwasan s'ya.
Napabuntong–hininga si Yaya Martha.
"Tama na, Mari..." saway ulit sa kanya.
"Totoo, ang sinasabi ko. Kaya umuwi kana sa inyo," dagdag pa niyang sabi. "Halika kana, Julia. May epal dito." Narinig ko ang mga yapak nilang dalawa na papa–alis.
Hinagod ni Yaya Martha ang likuran ko. "Just ignore her, Ayeesha. Gano'n talaga si, Mari, iniisip niya lang siguro ang Kuya Gabriel niya. Magmeryienda ka muna at mamaya tulungan mo akong magluto may nabili na akong tulingan at gataan natin. Aayusin ko lang muna ang tutulugan mo," she said gently.
"Mula pa kanina, tinatarayan na niya ako. Pinagpasensiyahan ko lang s'ya," matigas na sabi ko na andoon sa tinig ko ang pagtitimpi.
Hinaplos ni Yaya Martha ang pisngi ko. "Sabihin mo sa akin, kung may iba ka pang kailangan," she added.
I smiled weakly. "Thank you, Yaya Martha."
Naiwan akong mag–isa rito sa balcony. Nag isip akong mabuti, kung magstay paba ako rito. Hindi lang si Mari ang may ayaw sa'kin, kahit si Alexander ay ayaw din sa'kin. Tama si Alex sa sinabi niya kanina, nakita ko na ang gusto ko makita.
Bakit pa nga ba ako mananatili rito?
I'm not belong in this place. Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa isang lugar, kung ayaw sa'kin ng mga tao? Kung hindi naman nila ako gusto. Aalis na ako at hindi na ako magpapa–alam pa sa kanila at kay Yaya Martha, dire–diretso akong lumabas ng bahay.
I have a simple rules.
Speak less, listen more. React less, observe more.
They don't like. That's it and so be it.