Chapter 04–Balak

1827 Words
Chapter 04 Alexander "WHAT?" Bulalas ni Yumi ang bunso kong kapatid na babae, nasa edad seventeen. Ang mga mata nito'y nakatutok kay Ayeesha na may kasamang amusement. Tahimik ang babaeng nakaupo sa sofa at ang mga mata nito'y iginala sa buong paligid. "Nababaliw kana ba, Kuya? Mapapagalitan ka ni Papa, panigurado?" Angal niya at napapakamot sa kanyang ulo. "You're not making any sense. Si Ayeesha Samantha Salvatore ang kasama mo, Kuya," patuloy nito sa halos pasigaw na tinig. Saglit akong natahimik. Ngunit buo ang pasya ko sa gusto kong gawin. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang natitira kong pera. Kinuha ko ang kaliwang kamay ni Yumi at nilagay sa palad niya ang isang libo. "Pumunta ka sa palengke, bumili ka nang soen panty at lima na duster siguraduhin mong mahaba ang makuha mo," mahigpit na utos ko kay Yumi. Inierapan niya lang ako at panay tap ng mga daliri niya sa kanan sa ibabaw ng mesa. Ngumiwi siya. Puno ng iritasyon ang mukha nito. "Pauwiin mo na lang ang babaeng 'yan. Tiyak, hinahanap na ng mga Salvatore ang babae. Bali–balita na, Kuya. We will be in trouble, kapag nalaman nilang andito sa bahay 'yang si Ayeesha." Naningkit ang mga kong tinitigan si Yumi. At isang marahas na buntong–hininga ang pinakawalan ko. "P'wede ba, gawin mo ang inuutos ko sa'yo. Wala akong paki–alam sa mga Salvatore basta mananatili siya ng mga ilang araw dito sa'tin." I said firmly. Mas lalong sumimangot ang kapatid ko. "Bahala ka! Lagot ka talaga, kapag nakauwi na si Papa lalo na si Tita Martha. Hindi mo pa kas—" Hindi niya natapos ang sasabihin ay agad kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Yumi at hinila ko papalayo. Hindi p'wedeng marinig ni Ayeesha na tiyahin ko ang hinahanap niya, pahirapan ko muna s'ya bago ko sasabihin sa kanya ang totoo. Nagpumiglas si Yumi. "Hmmm...." na pilit tinatanggal ang kamay ko. "Masakiy iyon," naiinis na reklamo nito. "Ssshhh... Hindi n'ya alam na dito nakatira ang hinahanap n'ya," pabulong na sabi ko sa kanya. Her eyes grew wide. "Ang bad mo, Kuya." Ngumisi ako. "Sige na, umalis kana. Bilhin muna ang pinapabili mo para makapagbihis na siya." "Bahala ka nga diyan. Basta ako 'wag mo akong idamay kapag pinagalitan ka ni, Papa. Alam mo naman, ayaw na ayaw ni Papa na magkaroon tayo ng ugnayan sa mga Salvatore. Pero, infairness ang ganda niya, Kuya!" nakangiting dagdag nito bago ako tinalikuran. Napawi ang nakakalokong ngiti sa mga labi ko. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Ayeesha, nakatayo ang dalaga habang isa–isang tinitingnan ang mga larawan naming nakasabit sa dingding. Ang larawan ni Tita Martha, kanina ko pa tinanggal para hindi niya makita. She's very beautiful. Kahit suot–suot niya ang tshirt ko. Hindi maitatagong napakaperpekto nang hubog ng katawan nito. My eyes moved down to her long legs...long and slim with tiny ankles. Bumaba pa ang mga mata ko sa talampakan niya, surprisingly she's morena but she had pretty pink feet at mukhang napakalambot at madaling masugatan. I had never seen such an alluring woman like Ayeesha. At habang pinagmamasdan ko siya hindi ko mapigilan na humanga sa kanya. Kanina habang naglalakad kami sa batuhan hindi ko s'ya naririnig na nagrereklamo, kahit wala siyang suot na tsinelas. Bagkus natutuwa pa itong patalon–talon sa mga bato. Para itong batang tuwang–tuwa. Sinadya ko siyang idaan sa likurang bahagi nitong Fishing Valley para hindi s'ya makita ng mga tao. Gusto ko siyang turuan na matuto sa simpleng buhay. Hindi ko obligasyon ang bagay na turuan siya pero, ewan ko ba? May bahagi sa isip ko. Ang gustong pauwiin na siya sa kanila pero may takot akong nakapa sa puso ko na baka hindi ko na siya makita ulit. Habang wala sila Papa, Tita at Mari ay sasamantalahin ko ang pagkakataon na makasama ang dalaga. Alam kong magkaiba ang mundo naming dalawa. Nakangiting tumingin sa'kin si Ayeesha. Hawak–hawak ang isang frame. "Ikaw ba ito, Alex?" Namamangha ang mga mata nitong nakatitig sa'kin. Lumakad siya patungo sa'kin napansin kong medyo paika–ika ang lakad nito. Doon ko lang napansin ang bandang likuran ng paa niya sa kaliwa na may dugo. Nakikita ko ang mantsa ng dugo sa sahig, sahig namin na p'wede kang manalamin sa sobrang kintab. Isang antique house ang tinitirhan namin, na minana pa ni Mama sa sa kanyang Lolo at Lola. Hindi ko na s'ya hinintay na makalapit sa'kin, mabilis kong hinakbang ang mga paa ko upang salubungin siya. "Ikaw ba it—" Napatili siya nang bigla ko siyang binuhat at hindi n'ya natapos ang nais na sabihin. "Put me down, Alex." Protesta niya. Nilapag ko siya pabalik sa kinauupuan n'ya kanina. Mabilis kong inabot ang kaliwang paa n'yang may sugat. "Bakit hindi mo sinasabi na may sugat ka pala?" Nag alalang tanong ko nang makitang mahaba ito at medyo malalim. Napasinghap siya. "That was okay, Alex. Hindi ko napansin na may matulis na bato kanina, malayo sa bituka kaya nothing to worry." Nagsalubong ang mga kilay ko. "What are you talking about? Hindi ka ba nakakaramdam ng pain?" She made a face. "Mahapdi at masakit pero okay lang, maganda nga iyon. Paminsan–minsan masugatan ako," nakatawang sabi nito. Amused na umiling at ipinagpatuloy ang sinasabi. "Kayo lang nakatira dito? Where's your parent's?" Tumayo ako sa kinauupuan. "Diyan ka lang, kukuha lang ako ng gamot para sa sugat mo." Ngumiti s'ya. Lalo s'yang gumanda. Kapag ngumingiti siya, may naalala ako sa kanya. "Si Papa at ang dalawa kong kapatid. Wala na akong ina at hindi ko alam kung nasaan na siya. Bigla siyang naglaho na parang bula until now wala kaming balita sa kanya." Nalungkot bigla ang magandang mukha nito. Hindi ko alam kung naaawa ba s'ya sakin or what? Or may simpatya ba s'ya sa k'wento ko. Totoo naman, hindi namin alam kung saan nagpunta ang mama. Basta ang alam ko, nagtatrabaho noon si Mama bilang personal assistant ni Camila ang ina ni Ayeesha. Isa sa mga dahilan kung bakit umalis si Papa sa mga Salvatore noon at Tita Martha. Dahil walang ginawa si Leon Salvatore na hanapin ang nawawala kong ina. Parang kinalimutan na lang nila, ang biglaang pagkawala ni Mama. "I'm sorry to hear that, Alex!" Paghingi niya paumanhin. Tumango ako sa kanya at tumalikod. Kukunin ko lang ang medicine kit ni Mari. She's a nursing student kaya kompleto s'ya sa kagamitan. Isa sa mga dahilan kung bakit ako huminto sa pag–aaral upang maipagpatuloy ni Mari ang pangarap niya. Isang taon na lang makaka–graduate na si Mari. Kahit mahal ang tuition fee ng isang nursing student pinipilit naming itaguyod ni Papa para makapagtapos lang sa pagaaral si Mari. Si Yumi naman, gustong maging police. Ewan ko sa kanya kung bakit iyon ang gusto niya. Nang makuha ko ang gamot sa kwarto ni Mari ay agad akong bumalik sa sala at ginamot ang sugat ni Ayeesha. Hindi ko mapigilan ang mapasinghap sa tuwing mahahawakan ng mga daliri ko ang balat niya. Bumaba ang mga mata niya sa kamay ko. At panaka–naka'y napapansin ko ang mga mata niyang pasimpleng tumitingin sa mukha ko. And everytime she did i was turned me on. Kapag nahuli ko siya agad siyang nagbabawi. "Ahm...Alex. Kailan mo ako dadalhin kay Yaya Martha?" Natigil ako sa ginagawa. "Pagkatapos mong gawin ang gusto ko. Hindi pa tayo naguumpisa sa usapan natin, gusto muna agad makita ang sinasabi mong si Martha. Makikilala mo din s'ya soon." Pahapyaw na paliwanag ko sa kanya. Tumango s'ya. "Gaano ako katagal manatili rito?" Binaba ko ang paa n'ya, pagkatapos kong malagyan ng konting gasa. I sighed. Kung p'wede habang buhay na siya rito pero alam kung malabo na mangyari iyon. Gusto ko s'ya—noon pa. Kahit na kailan, nakaukit na s'ya sa puso ko noong unang gabi na nakita ko siya. Pero ang umasang magkaroon kami nang relasyon, malabong mangyari ang bagay na iyon. Langit at Lupa. Tubig at langis! Malabo talagang magsalubong. Wala akong maipagmamalaki sa kanya. Kahit siguro banat–banatin ko ang sarili ko sa pagtatrabaho, hindi parin ako magiging sapat para sa kanya. "Alex?" Aniya sa malamyos na boses, parang may hinaplos sa puso ko ang paraan na pagtawag niya sa pangalan ko. I shook my head. Kung saan–saan na nauuwi amg daloy ng isip ko. "You are incredibly beautiful, Ayeesha," wika ko at nais kung batukan ang sarili. Kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon. And then i saw how her eyes flickered in surprise. Na para bang ngayon lang ang kauna–unahang nakatanggap siya nang papuri. "Talaga, Alex?" Aniya na tila hindi pa makapaniwala. Napansin ko pang para itong kinilig. Nagkibit balikat ako. Tumikhim ako at alanganing ngumiti. "Oo, naman! Maganda ka. Bakit hindi kaba, aware na maganda ka?" She twitched her mouth in a wry smile. "Matagal ko ng alam na maganda ako." "I am not surprised why men were crazy about you," ani ko na hindi mawala ang pait sa tinig ko. Tumawa ito nang malakas na walang kaarte–arte. Tawang, alam mo na walang halong pagkukunwari. Tawang puno ng kasiyahan. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang pinagmamasdan ang reaksiyon ni Ayeesha. Sa tuwing tatawa siya mas lalo niyang nagiging kamukha ang Mama ko. Napakaganda ng aking ina. Siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko. Pero si Ayeesha ang nagpapa–alala kay Mama. "I believed in you, Alex. Sana lang hindi mo ako niloloko." Hindi ko agad makuhang sumagot sa kanya. Confused, and shook my head. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Parang tuwang–tuwa pa s'ya na pinagkakaguluhan siya ng mga lalaki. "Mukha ba kitang niloloko," mariing depensa ko. "Bakit mo pala gustong makilala si Martha?" pagiiba ko sa usapan. Tanong ko sa kanya pero hindi pala sa'kin ito nakatingin. Kundi sa picture frame ni Mama na natakpan ng flower vase. "Sino s'ya?" amused niyang tanong. Dahan–dahan siyang tumayo upang lapitan ang larawan ng aking ina. "Si Mama..." i answered proudly. Mabait si Mama at napakamaalaga nito. Dose anyos ako noon. Nang huli kong makita si Mama. "Parang nakita ko na s'ya but i don't know where and when." Aniya sa tinig na tila hindi niya pagmamay–ari. Dinampot niya ang picture frame ni Mama. "She's beautiful." I took the compliment proudly. "Yeah!" Lumakad ako patungo sa kanya---sa tabi mismo ni Ayeesha. "Sana nga bumalik na ang Mama sa'min." I said hoping. Dahil hanggang ngayon umaasa kaming babalik ang Mama. "She will, Alex." pampalubag loob niyang wika. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Bigla ang tensiyong naramdaman ko sa pagkadikit ng mga balat namin. And i felt stunned by the sudden trembling of my heart. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I had never felt such a compelling force before, sa mga babaeng nakarelasyon ko. Iba talaga ang dulot ni Ayeesha sa'kin. "Kuya..." boses ni Mari. My monster sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD