Nang makaalis ang mga ito ay pumasok siya sa bahay upang iligpit ang kanyang gamit. Kung siya lang naman balak niya sana sumunod kaya lang nakahiyaan naman niya na di magpaalam sa Yaya niya, kaya dun na siya sa kapatid nito kinagabihan. Umabot din ng dalawang araw bago nakabalik ang matanda. Nang dumating ang Yaya niya ay agad siyang nagpaalam na uuwe, madali lang naman siyang nakapag pabook ng flight pabalik ng Manila. "Oh siya salamat sa pagdalaw." nakangiting sabi ni Yaya sa akin. "Naku Yaya ako nga magpapasalamat sa pagpapatuloy nyo sa akin dito e." sabi ko dito. "Naku, Lyka o siya bumalik balik kalang dito sa amin. Namimiss ko din naman ang bahay nyo sa Manila." sabi nito. "O ano sama kayo?" biro ko dito alam kung di na nito kaya pang magbiyahe ng malayo. Matanda na din kasi ito