Two days bago ang kasal ni Drix, ay tumulak na siyang pa Palawan, sa lugar ng Yaya Melisa niya, Her job does't need to be in the office, once in a while lang siya nag o ofice pag may nagawa na siyang program, o magpapasa lang siya before deadline.
Pag distracted siya kailangan niyang gumala gala, gaya ngayon na wasak na wasak ang puso niya, kaya ito lalayas layas muna siya, kailangan niya ng ibang invironment, nag resign na ang Yaya nila, kasi nga naman diba ang tanda na niya para may Yaya pa, malaki ang bahay ng mga ito, may tila paupahan din ito sa halos tabi ng bahay.
"Yaya",masaya kaming nagyakapan.
"Abay kagandang dalaga mo talaga hija, siguro ay may nobyo kana hano?" si Yaya.
"Maliit na bagay ya, pero nananatiling single ang alaga nyo." nakangisi kung sagot dito.
"Halika at nang maihatid ka sa magiging silid mo dito." sabi nito sa akin.
Tumunog naman ang cellphone na nasa bulsa ko, si Kuya Dos.
"Wait lang ya, si Kuya Dos tumatawag." pasintabi ko sa matanda na binubuksan na ang pinto ng magiging silid niya sa loob ng ilang araw.
"Sige sagotin mo na, ipagtempla muna kita ng juice na paborito mo sa kusina lang ako." sabi ni Yaya kaya sinagot ko naman agad ang tawag nito. Di naman siguro ito tatawag kung di mahalaga ang pakay sa kanya.
"Oh bakit napatawag ka kuya?" tanong ko dito agad.
"Saan ka ngayon?" tanong nito kaagad na tila maingay ang background.
"Dito sa Palawan, bakit?"
sagot ko naman.
"Saan sa palawan? kanina pa kasi kami paikot ikot dito at nagugutom na kami di naman din makontak si Rich tsaka paubos na ang pasensya ni Yael." napamulagat ako sa narinig, anong ginagawa nila kuya Dos sa palawan? Samantalang araw ng kasal ni Drix ngayon.
"Hala di ako kina Rich pumunta, dito kina Yaya Mels ako." napakagat labi ako rinig ko ang paulit ulit na pagmumura ni kuya Yael. Malamang ay gutom na gutom na talaga ito.
"Pwede ba kami jan? mag rerent lang kami, one week lang." si Kuya Dos.
"Sige papasundo ko kayo." sabi ko nalang, sinabihan ko na din si Yaya na mag rerent nalang kami ng paupahang room nila, kasi ayun sa matanda ay aalis din ito. Gawa nang manganganak ang isa nitong apo, balak sana nito isama siya pero since may kasama na siya e di nalang mamasyal nalang daw kami papasamahan nalang kami sa iba niyang apo.
Ganun nalang ang gulat niya nang pati si Drix ay kasama ng mga ito, si Jam at si Yael, si Wennie at si Dos at si Drix tatlong room ang apartment ni Yaya parang bahay na sa loob may kitchen may living at dining room.
"O bat kasama ka? akala ko ba ikakasal kana." sabi ko di ko maiwasang di matuwa pero kunwari di ako natuwa. I've already perfect the act.
"His bride, back out." si kuya Dos.
"Ooow, kawawa ka naman yan kasi masyado kang bugnutin." pag aalaska ko panu mukha namang di siya affected.
"Swerte kamo at least pwede na uli ako maghintay sa paglaki at pag matured ng babaeng gusto ko." nakangisi nitong saad.
"Eh di wow, sino ang magkakasama sa room?" tanong ko sa mga ito.
"Me and Jam, Wen and Dos then kayong dalawa bahala kayo." ngisi ni Kuya Yael.
Pinandilatan ko naman ito.
"Kuya naman, dapat all girls and all boys." apila ko baka magapang niya ito susme lalo at naghihingalo ang heart niya lubhang mapanganib ang puri ni Drix sa piling niya baka mapikot niya ito.
"Beshie, baka makasaksi ka ng aksyon kung tatabi ka sa amin tsaka mahirap na baka sa iba yan matolog kung di ko babantayan," si Wennie na nakalingkis kay Kuya Dos.
"Lalo sa amin Baby Girl matagal na din akong diet maawa ka naman." si Kuya Yael.
"Eh di sana nag hotel nalang kayo!" himutok ko.
"Ma ooop kasi si Pareng Drix at least dito, nandiyan ka para kumausap sa kanya you know soceidal attempt." si Kuya Dos na nakangisi.
"Alangan magtabi kami e lalaki pa din yan hoy pumalag ka naman. Paano kung mapikot ko yan o kaya mapikot ako." reklamo ko na ikinatawa ng mga ito.
"Okay lang yun diba pre," sabay kindat ni Kuya Yael kay Drix.
"Hmmp puro kalokohan, sige na kasi all boys all girls na." ungot ko.
"I'm okay, ayokong makasaksi ng aksyon sa gabi at least pag ikaw ang katabi ko matotolog lang naman tayo, diba unless may iba kang gustong gawin natin." ngisi ng loko.
"Kakainis" nagmartsa na ako pag bukas sa unang pinto ay isang bed lang sa pangalawa yun ang hiwalay ang bed sa pangatlo ay isang bed uli.
Sa kaliwa namin sila kuya Dos at sa kanan sila kuya Yael.
"Jam wag uungol ng malakas baka atakihin sa heart si Lyka" si Drix na nang aasar inirapan ko naman.
Pag pasok namin ay hinawakan ko agad ang kutson at unan. Umupo ako yung kaba ko grabe parang tumakbo ako ng isang milya.
Sinarado naman ni drix ang pinto at naghubad ng kanyang t shirt.
"Drix naman, may babae dito o." reklamo ko na tinakpan ang mga mata ko.
Humalakhak naman ito.
"Its done miss prude." bulong nito sa kaliwa kung teynga na halos ikahulog ko sa kama sa gulat sa lapit nito, sabagay sa sikip at liit ng kwarto e isang metro lang ang pagitan nilang dalawa, nasa four by four meter lang yata ang laki ng silid na iyon.
"Im not prude okay, awkward lang kasi buti kung kagandahan ang katawan mo diba." nakangisi kung pang aasar dito.
"Baka gusto mong makakita ng maganda," akmang ibababa nito ang sout na cargo shorts nito.
Napatili ako.
"Drix isa, makakatay talaga kita, wag kang maghuhubad sa harap ko sipain ko talaga yan." banta ko namumula na talaga ang mukha ko I knew it.
"Lyka, abs palang ang nakikita mo eh parang mamamatay kana," iiling iling na sabi nito, nakangisi pa.
"Hahaha dapat masanay kana, pag magka boyfriend kana It's just normal, si Jam ganyan din nung una pero now sanay na sanay na diba baby?" si kuya Yael sa kabila.
"Ayoko nang ganun gusto ko wholesome lang." singhal ko.
"Okay, sabi mo e, but if I where your boyfriend I will take away all your first." si Drix na seryuso.
"Makapag bold ka dyan kala mo boyfriend, hmp save mo yang pahubad hubad mo dun sa pinapalaki mo." tumayo na ako dala ang aking bihisan at tinungo ang cr na nasa labas upang maligo mukhang natolog ang mga kasama ko, o gumagawa nang milagro, curious parin siya kung ano ang nagyari at hindi natuloy ang kasal ng lalaki.
Pag labas niya ay nakatapis ng tuwalya siya nahulog kasi ang bihisan niya sa tub na nasa gilid ng bowl. Its her first time to take a bath using tabo buti nalang at malakas ang pressure ng gripo ng tubig so okay na din kahit papano at least she experience new things na ginagawa ng pagkaraniwang mamamayan.
Kipkip ang towel sa harap pinihit niya ang knob at pumasok. Abala si Drix sa kanyang bag na tila may kinakalikot.
"Drix labas ka muna magbibihis ako." sabi ko dito tumutulo ang tubig sa buhok ko lumingon ito at napalunok ito nang humarap sa akin.
"What if I wont? I can just close my eyes here, wala namang maganda sa curve mo puro flat." tila nakakalokong sabi nito na nahiga sa kama di totoong flat yung dibdib niya medyo gifted siya sa dibdib at pwet kaya di siya naniniwala dito.
"Drix, wala akong balak na mag strip tease dito labas na kasi nilalamig na ako." nagmamaktol na ako panu kasi mukhang nilakasan nito ang aircon.
"Ok, nice ass Baby." sabi pa nito nang mapadaan sa likod ko.
"Bastos!" singhal ko dito.
"Gwapo naman pinuri na nga galit pa ten minutes only. Finish or not finish papasok ako," banta nito.
"Maglolotion pa ako Drix, maglalagay ng moisturizer, and all that." reklamo ko.
"Basta ten minutes, faster baby." sabi nito, dali dali ko namang ni lock ang pinto di ako magkandaugaga sa pagsuot ng damit ko. I just wore cotton shorts and spaghetti strap blouse. I wrap my hair with my towel, maya maya ay kumatok na nga ang hinayupak sa labas.
"Wala parin? ano bang ginagawa mo na diyan malamok dito o." sigaw nito mula sa labas.
"Pasok na po kamahalan baka mahimatay na ang lamok sa kakapapak sayo diyan makasigaw ka akala mo may nasusunog na." nakairap kung sabi dito.
"Ang bango ng kwarto natin ah, amoy dalaga" sumisinghot singhot pa ito at naupo sa kama nito.
"Ah baka dalaga na ako", I said sarcastically na umirap pa dito.
"Eh bakit ang liit padin?", nguso nito sa dibdib ko.
"Abat bastos ka talaga."singhal ko dito.
"What? eh sa maliit naman talaga, masama naba ang magsabi ng totoo ngayon?"
nakangisi na tugon nito.
"Kaya siguro umatras ang bride mo kasi abnormal ka, anong size ba ang malaking dibdib para sayo, yung kasing laki ng papaya?" pang aasar ko dito na ngumisi lang.
"Baka ako ang umatras, bata pa kasi ang pinapalaki ko, diko nga alam kung lalaki paba at okay na ako sa ganyang size ng dibdib, di na magugutom ang magiging anak namin niyan." humalakhak pa ito.
"Bakit ilang taon ba ang binabalak mong asawahin? five years old? anak mo na yun ah baka tuyot kana e kakaregla palang nun." natatawa na ako.
"She's twenty four at gaya mo isip bata pa rin siya." napatigil ako sa pag lolotion at napalingon dito.
"Eh kasing edad ko lang pala di na naman yun bata e marunong na din yun gumawa ng bata. Bat di mo itanan? " suhistyon ko,
'E sige Neng i push mo sa iba, tapos pag nakahanap iiyak iyak ka', bulong nang mahadira kung isip.
"Bakit marunong kanang gumawa ng bata?"balik tanong nito.
"Hin-di ko alam." ano ba yan bat ganun ang mga linyahan nito parang may hugot na iwan.
"Kung ako lang ang masusunod siguro ngayon may tatlo na kaming mga anak o higit pa, kaya lang e marami pa kasi siyang pangarap, so kailangan niya munang mag explore then maniningil ako sa honeymoon namin. Unlimited lovemaking kain at ihi lang ang pahinga." napalunok ako bigLa kasing na imagine ng aking ambisyosang isip.
"Okay, sabi mo e bahala ka diyan managinip ka nalang malay mo bukas e malaki na siya" tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower.
"Yeah maybe, ikaw kailan kaba lalaki, o may pag asa pabang lumaki?" pang aasar nito sa akin na nakaharap.
Iningusan ko nalang ito.
"Malaki na ako, naghahanap na nga ako ng mapapangasawa e, kaya sorry nalang at ikaw manigas ka sa kakahintay diyan sa pinapalaki mo." sabi ko dito sabay talukbong.
"Good night lyk," sabi nito.
"Good night."
At nahiga sa kama, nag kumot at automatic plakda at least payapa ang isip ko susulitin ko ang panahon na magkasama kami ngayon lang to.
pumikit na ako.