Nang sumunod na araw ay medyo inaaliw aliw na niya ang sarili may konting kirot pa sa kanyang maselang bahagi ng katawan. Ngunit normal lang naman yata yun lalo at malaki at mahaba ang armalite ni Drix. "Pupunta nga ako ng mall!" inis niyang reklamo kay Wennie. Kasi nagyayaya na naman na mag salon e kakapasalon palang naman nito nung isang linggo. "Naku a, sige na nga bye." tila ito pa ang galit. Napailing iling siya sa ginawi ng babae. Kahit kailan ay naiinis talaga siya sa pagiging maarte nito na kung minsan ay wala na sa lugar. Ayos lang naman kasi na mag enarte ka sa tamang lugar di yung lahat ng oras e maarte ka. Ano yun kami ang aadjust para lang masamahan ka sa lahat ng mga lakad. Ewan ba niya kung bakit ganun ang babaeng yun. Dali dali siyang naglakad, kailangan niyang maabutan