Pananaw ni Lesley "Bagay sayo ang regalo ko sayo sa anniversary natin," sabi ni Cridd sa akin. Pinigilan kong mapangiti dahil sa narinig ko. Humarap ako kay Cridd na seryoso ang mukha, nakangiti ito sa akin. "Ang pangit!" inis kong sabi sa kan'ya sabay alis. Napahinto ako sa isang tabi at tinignan ko ang suot kong damit. This time I can't help myself from smiling because of the beautiful saya I was wearing right now. "Mukhang maganda ang iyong umaga, Binibining Lesley?" Umangat ang tingin ko, nawala ako ang ngiti ko sa labi ng biglang sumulpot si Macario sa harapan ko. Tingin ko ay kagigising lang nito dahil sa nagulo n'yang buhok. Isang ngiti ang binigay ko sa kan'ya, pero nagtaka ako ng biglang kumunot ang noo n'ya sa akin. Lalo akong nagtaka ng ituro n'ya ang mukha ko. Kunot-noo