Pananaw ni Lesley Nandito kami ngayon ni Cridd sa tabi ng ilog dahil wala talaga sa mood si Macario kanina. Kumuha ako ng isang bato at itinapon iyon sa ilog. Nakaupo ako sa ugat ng mahogani dito. "Iniisip mo ba ako?" tanong ng lalaking biglang umupo sa tabi ko. Tinapunan ko s'ya ng walang buhay na tingin. Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya dahil nakatitig s'ya sa akin. Inaamin ko naman na nagwa-gwapuhan pa rin ako sa kan'ya. Gwapo naman talaga s'ya. "Simula ng maghiwalay tayo, hindi na kita inisip," walang gana kong sagot ko sa kan'ya. Kukuha pa sana ako ulit ng maliit na bato sa gilid ko para ibato sa ilog ng maramdaman ko si Cridd na dumikit sa akin. "Anniversary natin kahapon," sabi niya. Alam kong anniversary namin kahapon. Ika-sampu ng agosto. Napaharap ako kay Cridd ng maramd