Pananaw ni Cridd Paglabas ko ng banyo ay pumunta ako ng kusina para kumuha ng kape dahil nilalamig rin ako. Hindi ako natuloy sa pagpunta ng kusina ang makita kong mayroong nilalagay na kung ano sa baso 'yung katulong nila Macario. Hindi ko alam kung ano ang pangalan n'ya. Ibibigay n'ya ba kila Macario iyon? Umalis na ako dahil mukhang dadalin na iyon. Agad akong pumunta sa sala para maunahan 'yung babae. Nakita ko nandoon si Tala nakaupo. Nakapagpalit na rin s'ya ng suot, pero wala dito si Macario. "Si Macario?" tanong ko kay Tala. Umupo muna ako para malaman ko kung dito talaga dadalin ang inumin noong babae. Tumingin sa akin si Tala. "Mayroon lang kinuha sa kanilang taas, Ginoo," sagot sa akin ni Tala. Tumango ako sa kan'ya. Tumingin ako sa paligid. Bakit ang tagal naman noon.