Kabanata XIX CELESTE PAGDATING KO sa mansyon ay labis kong nadama ang pag-aaruga ng aking mama sa akin. Tila ba nanumbalik ako sa aking pagkabata dahil sa kanyang mga ginagawang pag-aasikaso. Nasa silid lamang ako at naghihintay ng tamang oras upang sana ay makipagkita kay Simoun. Nasasabik na akong makita siyang muli, makasama siyang muli at mahagkan siyang muli. Kanina, pagdating namin galing ospital ay nagpatawag ng pagpupulong ang aking papa patungkol sa nangyari ng nakaraang gabi. Nakita ko si Simoun na nakatitig sa akin at wala man lang bahid ng takot sa kanyang mga mata kahit pa nagbabala na si papa tungkol sa nangyari. Upang hindi mahalata ay tiniis ko na huwag tumingin sa kanya. Bago ako makapasok sa loob ay nagtama naman ang aming mga mata ni Felissa. Matalim ang mga iyo