Kabanata XI CELESTE "BINIBINI, anong nangyari?" tinulungan akong makaakyat ni Mang Bermigio sa kalesa nang makarating ako sa labasan. Umiiyak pa rin ako at sobrang sakit pa rin ng dibdib ko habang nasa loob ako. "Mang Bermigio, umalis na po tayo, pakiusap," utos ko. Hindi na siya kumibo pa at tumalima na sa aking sinabi. "Hey," hudyat niya saka naman tumakbo ang kabayo. Sobrang sama ng loob ko habang hindi ko pa rin mapigilang hindi umimik habang nasa loob ako ng kalesa. Hindi ko mapigilang hindi magtanim ng galit sa kanya dahil sa kanyang mga sinabi. Palibhasa ay ako ang unang nahulog kaya't ganon na lamang niya kadaling sabihin ang mga bagay na iyon. Bukod sa galit ko sa kanya at mas nagagalit ako sa aking sarili sapagkat hindi ko pinigilan ang damdamin kong hindi mahumaling sa k