Kabanata XIV SIMOUN ANG MANGGAGAMOT na tinutukoy ni Celeste ay ang babaeng nakausap ni tatay noong mga panahong buhay pa siya. Nakausap niya ito tungkol sa aming lupain na kinamkam ng mga Guerrero. Nang mawala ang aking ama ay palagiang dumadalaw ang manggagamot na ito sa amin upang kumustahin ang lagay naming mag-iina. Namatay ang aking ama pati na rin ang dalawa ko pang mga kuya dahil sa gabing iyon na hindi ko malilimutan. "Simoun?" Tanong nito sa akin na sinisiguro kung ako nga ba ito. Wala akong kibo. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sapagkat nabigla rin ako sa aking nakita. "M-magkakilala kayo ninang?" Tanong ni Celeste na nasa tabi ko. "Mahabang kwento hija," aniya. "Ganon po ba? Interesado akong malaman ang kwento na iyan," nasasabik na wika ni Celeste. Ngunit