Kabanata XXI

2048 Words

Kabanata XXI CELESTE EWAN KO ba kung bakit nandito si Fabian. Hindi ko tuloy maituloy ang aking plano. Wala akong ganang tumingin sa kanyang mga mata na ngayon ay may halong pag-aalala. Ayaw ko mang kausapin ay napilitan akong sagutin ang tanong niya. “Gusto kong lumabas at makasagap ng sariwang hangin,” sagot ko sa kanya. “Kung gayon ay sasamhan kita,” Hindi ako nakakibo at nang magsimula siyang maglakad ay napatingin ako bigla kay Simoun na may matalim na matang nakatingin sa aming direksyon. Bigla akong umiwas sa kanyang mga tingin dahil ayaw kong makita ang nagagalit niyang mga mata. Gusto ko na lang talagang umakyat muli sa taas at magpanggap na may sakit ulit upang sa ganon ay umalis na si Fabian. “Ano ang iyong dinaramdam mahal? Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD