Kabanata XIII CELESTE "NAIISIP mo ba na baka mangyayari talaga ang mga sandaling ito kaya't hinahayaan tayo ng tadhana na magkita dito?" Tanong ko sa kanya habang nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat. "Laging nagbibiro ang tadhana Celeste. Kaya't para sa akin ay ginusto natin ito kaya tayo nandito ngayon," sagot niya habang nakayakap lang siya sa akin mula sa aking likuran. "Simoun, masaya akong kasama kita ngayon dito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon," dinama ko ang init ng kanyang katawan habang nagsusumiksik ako sa kanya. "Masaya rin ako ngayon dahil nagkita tayo. Siguro ay hindi ito magiging palagian dahil hindi rin ligtas sayo. Huwag kang mag-alala. Magkikita pa rin tayo sa umaga at gagawan ko iyon ng paraan," pinagdikit niya ang aming pisngi at mas niyakap