Kabanata XVI CELESTE ABOT LANGIT ang dasal ko nang marinig ang malalakas na katok sa pintuan ng aking silid. Agad bumangon si Simoun at nagbihis. Kahit pa pawis na pawis siya at ako ay hingal na hingal pa rin. "Saglit lang," sigaw ko dahil patuloy pa rin ang pagkatok sa pintuan. Mabilis na rin akong tumayo at inayos ang sarili bago nilingon si Simoun na kagaya ko ay tagaktak pa rin ang pawis nito. Nang maisuot ko na ang aking saplot ay hinila ko na siya patungo sa aking aparador. Doon na lamang muna siya habang may kumakatok. Wala naman kasing ibang mapagtataguan sa aking silid kung hindi doon. Ang lakas ng pagkatok sa pinto ay kasing lakas din ng pagkabigo ng aking puso sa takot na maabutan kaming magkatabi sa aking kama o kaya naman ay malaman na nandito si Simoun at pinapasok ko