Kabanata X SIMOUN MAAGA akong nagtungo sa Felicidad. Ayaw ko rin naman talagang isama si Celeste sa aking pupuntahan kaya naman minabuti ko na lang talagang pumunta ng maaga sa mag-ina ng dating hepe ng bayan. Si Doña Imelda at Señorita Andrea. Hindi ko maikakaila na may iba silang pakay sa akin ngunit hindi ako dapat maging apektado sapagkat maraming bagay ang mawawala kung pakakawalan ko sila bilang regular na tagabili. Kailangan kong makapagbenta upang mas magtiwala sa akin si Don Fernando at kapag nangyari iyon ay makukuha ko ang loob niya. Mas madali kong maisasakatuparan ang lahat kapag nagkataon. "Hhhhoooohhh," hudyat ko upang tumigil ang kabayo. Nasa may bungaran na ako ng Felicidad bandang alas syete ng umaga at hindi ko na alam kung saan ako susunod na pupunta. "Magandan