ANDREW 2

1751 Words
MARIA DANAYA CERVANTES POV Kadarating ko lang dito sa base at mabilis akong sinalubong ng anak ko. My son is so sweet pero pagdating sa trabaho ay para siyang ibang tao. "Mom! Tito Nate covered my eyes earlier! All i just heard is your conversation with the target. What happened there mom? Are you hurt?" Nag-aalala niyang tanong at sinipatan ako mula ulo hanggang baba. "Anak. Mom is okay. It's part of the mission." Paliwanag ko. "I know but.." I cut him out. "Mom is okay ha. Go and eat your food. Tito Nate and i need to talk about something privately." Utos ko at mabilis niya naman kinuha ang pagkaen niya tsaka na tumalikod. Bago pa siya tuluyang makalayo ay lumingon siya sa akin tsaka ako kinindatan and mouthed I-LOVE-YOU-MOM.. Napangiti naman ako and i mouthed him also I-LOVE-YOU-TOO. Tsaka na siya nagpatuloy sa paghakbang. Pinaningkitan ko naman ng mata si Nate. Nag smirk lang siya! "Bakit hindi mo sinabi na ang Target ko ay si Andrew?? Nahihibang ka na ba? Paano kung mamukhaan niya ako?? Paano kung maulit nanaman yung nangyari-----" Nate cut me out. "Andrew is seeing someone.." Deretso niyang sabi sa akin. Tila naman natigil ang mundo ko sa sinabi niya. Parang may malaking bato na bumara sa lalamunan ko kasabay ang pagbilis ng t***k ng puso ko. He's seeing someone?? Did he forget about me?? Ganun nalang yun?? "Oh. Bakit hindi ka makaimik diyan?" kutya niya sa akin. Lumunok lang ako atsaka ko iniba ang direksyon ng tingin ko. "It's been 12 years aya.. 12 years na ang nakalipas. People move on and.. you know. People forget." And that hit me hard and it hurts! FLASHBACK WEDDING RECEPTION OF ANGELICA SANTOS AND AIDEN STEWART Angelica was about to throw the bouqet when i saw someone a red laser beaming towards andrew! I automatically look kung saan nanggagaling ito and there! I saw a sniper sa may 5th floor ng building ng venue! at kung hindi ako nagkakamali. Isa ito sa mga hotel rooms! Mabilis pa sa alaskwatrong tinakbo ko ang papasok ng venue pero ang nakakagulat ay bago pa ako makapasok sa loob. May humarang sa akin na waiter at sinabing.. "Move or he'll die." Tumaas ang mga balahibo ko at nanlaki yung mga mata ko! Ito na nga ba yung sinasabi ko! Hindi ako gumalaw.. Narinig kong sinabi ng lalaki na "Target locked." Pagtingin ko sa pwesto ni Andrew ay wala na yung laser. Did they just tried to kill my man?! "Okay. Now. Leave everything behind and come with us. I'll see you at the beach side.." Tumingala ako at lumunok. Pero sa paglunok ko na yun ramdam ko yung kung anong na nakabara sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung sa pagsama ko sa kanila ay buhay pa ako.. Nakarting ako ng beachside at may yate na tila nag-aantay sa akin. Nakita ko naman yung lalaking waiter na kumasap sa akin kanina. "okay aya.. Alam kong hindi ka hanada at biglaan lang ito dahil sino ba naman ang mag-aakala na may darating na sakuna sa kabila ng selebrasyon?" Bulong ko sa sarili ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit alam kong maaring hindi na ako sinagan ng araw bukas. "Sakay." Madiin na sabi sa akin ng kutong-lupa na waiter na ito. Ang galing lang talaga mag disguise nito. "Baka hanapin ka ng employer mo sa event." Mataray na sabi ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako ng nakakaloko at ganun din ako. "Yari ka kay boss." Pananakot niya sa akin na siyang ikinakibit balikat ko lang. Pagsakay ko ay siyang pag andar ng yate at mabilis na sumibat. Muli kong tinanaw ang venue kung saan kita ko ang mga dekorasyon at ang ingay mula sa resort. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo andrew pero mas gugustuhin ko ng isakripisyo ko ang sarili ko kesa sa madamay ka. Nakarating kami sa isang isla na hindi ko alam kung saan lupalop ba ito ng pilipinas pero pakiramdam ko naman ay malapit lang ito sa pinanggalingan namin dahil sa tantiya ko ay 30 minutos lang ang biyahe namin. " Baba!" Utos sa aking ng kutong-lupa na to. "May-araw karin sa akin." Gigil kong banta sa kaniya. "Wish mo lang.." Asar na sabi niya na siyang ikinatawa ko. Pagtalaga ako nakalabas dito uubusin ko kayo! Tinutulak-tulak pa ako ng mokong habang naglalakad. Mahal ko buhay ni andrew kaya hindi ako manlalaban at baka putukan siya bigla doon. Nakakainis lang dahil hindi man lang ako binigyan ng pagkatataon na makausap man lang siya sa huling sandali.. Hinahanap kaya nila ako? "Welcome, welcome Danaya dito sa aming munting isla!" Isang may edad na lalaki ang sumalubong sa amin at may mga nakapalibot na armadong lalaki. Tinignan ko lang siya. Siya yung lalaking matagal ko ng hinahanap! "Hindi kita binuhay para kalabanin ako.. Wrong move ka doon." Banta niya. "Saan lupalop kaba nagtago at sa tagal ng paghahanap ko sayo ngayon kalang nagpakita?" Na siyang ikinatawa niya! Tawang demonyo na ang sarap saksakan ng panting isang buwang hindi nilabhan! "You will never find me unless i'll come to you. Tulad ngayon.." "Anong ginawa mo kay chelsea bakit pinatay mo siya? Alam mo bang pinaghahanap ka na ng batas?!" "Ha! Batas??? Hindi mo ba alam na ako ang batas??! Walang sinabi yang mga pinagmamalaki mong batas! Hindi ako makakarating sa pusiyon ko ngayon kung wala akong maraming koneksyon. Kahit pugutan kita ng ulo dito oramismo at ipahatid ko sa taong mahal mo ay wala silang magagawa. Kahit ipamedia pa nila wala silang magagawa kundi ang iburol ka at ilibing." Nakakatakot niyang sabi. Aminado ako na natatakot ako sa sitwasyon ko maging sa pananalita niya. Kahit naman ang hitsura niya ang nakakatok din. "Ang gusto mo bang ipagmayabang sa akin ay may kapit ka sa batas? Sa gobyerno??" Swerte nalang kung makatakas ako dito pero kukuha muna ako ng impormasyon. "Magmula sa police,prosecutor,judge maging sa kulungan ay hawak ko.. Walang sino man ang makakapagpabagsak sa akin Danaya.. Maski ikaw. " *evil laugh* "Pasensyahan tayo pero hanggang dito ka nalang.. Osiya! kayo na bahala sa kaniya! Gawin niyo ang gusto niyong gawin sa kaniya. Basta hindi na siya sisinagan ng araw bukas!" Utos niya tsaka na siya tumalikod at humakbang palabas ng isla. "Ano to?! Iiwan moko sa mga kurimaw nato?!" Reklamo ko pero itinaas niya lang ang kanang kamay niya senyas na umpisaha na ako. "Huh! Sabi ko na sayo wish mo lang e!" Sabay dila sa labi niya na ikinangiwi ko! "Dugyot mo!" Nandidiring sabi ko. " Aba mag-iinarte ka pa! Titikman muna kita bago kita kitilan ng buhay!" Tsaka niya tinanggal ang sinturon niya pati ang pantaas niya. Bumalot ang takot sa katawan ko at muli nanamang nanumbalik ang nakaraan ko na pilit kong binubura! Maaring ginahasa ako noon pero hindi ko hahayaang maulit ito ngayon! kalmado kong dinidiskarte kung paano tanggalin ang pagkakabuhol ng aking tali. Hintayin mo lang akong makawala dito at tatapusin ko ang maliligayang ninyong lahat! Nagsitawanan naman ang mga kasama niyang armadong lalaki na ngayon din ay nagsisimula ng maghubaran! Nang maalis ko ang pagkakabuhol ng tali ay prente akong umayos ng upo. Kita ko naman na nagulat sila marahil umano ay nagtataka sila kung paano ko natanggal ang tali! "sayang pala ang pinag-aralan ko kung ganun may kapit ang boss niyo sa gobyerno.. Edi hindi ko na kayo maidadaan sa santong paspasan??" Tila nanghihinayang kong sabi sa kanila. "Alam mo miss. Kahit nakatanggal na yang tali sayo hindi ka makakalabas ng buhay dito." "Ha! Hindi siguro.." Nang marinig ko ang tunog ng helicopter na papalapit dito. Siya namang naging hudyat para isa-isa nila akong puntahan para umatake! "Atsaka alam niyo bang makakasuhan kayo ng Murder kapag pinatay niyo ako?! ahhhhhh.. Oo nga pala. May kapit pala ang boss niyo sa gobyerno pero ang tanong. Kung kasama kayo sa kapit niya???" I smirked. No choice ako kundi mag hand to hand combat dahil wala naman akong armas! Nagpalitan kami ng suntok nitong kutong-lupa na waiter kuno habang yung mga kasama naman niya ay ngumingiti lang ng nakakaloko! Pakiramdam ko ay pinagbibigyan lang nila ako dahil hindi nila ginagamit ang armas nila. Nagpatuloy kami sa palitan hanggang sa napatumba ko siya at hindi nagawang makatayo. "Oh. Next!" Kumpiyansa kong sabi. Pero ang matindi pinalibutan nila ako. Tatlo sila kasi ang iba ay kasama ng boss nila. Masyado nila akong minamaliit! Sabay-sabay silang umamba ng suntok at ako naman itong walang tigil sa kakailag.. Madalang lumapag ang atake ko pero sinusigurado kong tatama ito sa mga Vital parts! Una kong sinuntok ang biceps ng isa! Pangalawa ang sciatic nerve! at sa Pangatlo sa Groin na sinisigurado kong mababaog siya habang buhay! Sakto naman dumating ang Helecopter.. Malakas na hangin ang humahampas at isang mahabang taling hagdan ang ibinaba nila. Nakita ko si thaliya at sumigaw ng "Tara na!" kaya ngumiti naman ako at kumaway tsaka mabilis na umakyat.. Hindi ko alam kung papaano nilang nalaman na nandito ako pero saka ko na sila tatanungin kapag nakaalis na kami dito. Unti-unting umangat ang helicopter pero ang hindi inaasahan ay bago paman kami tuluyang nakaalis ay isang bala ng baril ang bumaon sa bandang likuran ko.. Mabilis namang binaril ni thaliya yung taong bumaril sa akin pati nadin yung mga kasama nito atsaka ako mabilis na inalalayan para tuluyan ng makaakyat.. Nandilim ang paningin ko hanggang sa pagmulat ko ay nasa Base na ako ni Nate atsaka sinabi sa aking buntis daw ako at buti nalang ligtas ang batang nasa sinapupunan ko.. END OF FLASHBACK "Did he. *gulp* Did he really forget me?? kasi as soon na matapos ito babalik ako Nate.. We have a son for pete sake! And remember kung paano na kaming kamuntik namatay ng anak ko?! You know that right?! Just because i don't want to see him hurt! Ayoko siyang madamay! " Dere-deretso kong sabi. Alam kong hindi dapat si Nate ang binubuntunan ko ng emosyon ko ngayon. He saved me from death.. Nagkibit balikat lang siya sa akin at sinabing.. "Kaya nga ikaw ang pinili kong gumawa ng misyon na yon para maalala ka niya..at yun ay kung Maaalala ka nga niya.." Yun lang atsaka na siya humakbang palayo.. Talaga bang kinalimutan niya na ako? Talaga bang ganun nalang kadali ang lahat ng pinagsamahan namin? Kasi ako.. Sariwa pa.. Sariwa pa yung mga masasayang ala-ala na binuo naming dalawa.. Lalo na ngayong may anak kami.. --- READ.VOTE.COMMENT! DON'T FORGET TO FOLLOW ME PARA UPDATED PO KAYO! :* STAY SAFE EVERYONE! -shobeybeloves
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD