THE ACCIDENT CRAIG LINCOLN ZAMORA "LET'S play a game!" sigaw ni Jace habang nakataas ang dalawang kamay na may hawak na bote ng alak sa ere. Tinawagan ito kanina ni Alixiel at ang iba pa kaya't nadagdagan nang nadagdagan silang nag-iinuman. Kung kanina'y anim lang sila, ngayon ay walo na. He's not complaining though because there is no dull moment with these morons—which he really need as a diversion to what he's feeling right now. "Tss, shut it. Alam na'ming lahat na kabulastugan lang 'yang naiisip mong game. Walang sasali riyan," pambabara ni Zac sa kaibigan saka kumagat sa barbequeng hawak at sumisimsim ng alak. Inis na napabaling dito si Jace na ibinaba na ang dalawang kamay. "Ina mo! Ikaw lang nakakaisip ng kabulastugan dito, 'wag mo kaming idamay," rebat nito na iwinagayway pa a