"Thank you." Nakangiting wika nang dalaga habang inaamoy ang bulaklak. "Sabi ni Baby." dagdag nang dalaga saka tumingin sa binata. Hindi naman nakapagsalita si Eirick nang makita ang ngiting iyon.
"You're Welcome. baby." wika nang binata saka napatingin sa tiyan nang dalaga na ang tinutukoy ang bata sa sinapupunan nito. “Umuwi na tayo.” Wika nang binata saka inalalayan pa nito ang dalaga na pumasok at maupo nang makaupo ito saka naman nagmamadaling pumasok si Eirick sa Driver's Seat. Saktong pagpasok niya kakalagay lang nang dalaga nang seatbelt nito. matapos nitong ikabit ang seat belt. Muli nitong kinuha ang pumpon nnag lutos sa kandungan nito saka inamoy. hindi lang ang matamis na lasa nang lutos petals ang gusto niya maging ang amaoy nito.
"Give me that." wika ni Eirick saka hinawakan ang tangkay nang bulaklak.
"Wait what are you doing. Bininigay mo na to diba?" Parang batang nagreklamong wika ni Ren saka inilayo ang lotus sa binata. Napangiti naman si Eirick sa naging reaksyon nang dalaga.
"Alam mo bang gusto kitang ilagay sa bulsa ko ngayon." natatawang wika nang binata.
"Ginawa mo naman akong barya." reklamo nang dalaga dahilan para lalong mapangiti ang binata. Napatingin sa likod nang sasakyan ang binata saka kinuha ang isang Box.
"Here." wika nang binata at iniabot ang box sa dalaga. Napakunot naman ang noo nang dalaga. Pasimpleng kunuha nang binata ang pumpon nang lutos sa kamay niya. "I am not taking this from you. Hindi mo naman to pwedeng kainin nang ganito diba. So here." wika nang binata saka muling inabot ang box.
Hinayaan ni Ren na kunin ni Eirick ang lotus sa kamay niya saka tinanggap ang box na ibinigay nito. Inilagay niya iyon sa kandungan niya saka tinanggal ang takip. Ganoon na lamang ang ulat niya nang makita ang mga Lotus petals. Kanina pa siya natatakam sa lutos petals at nasa harap niya ngayon ang mga petals na pwede niyang kainin. Napatingin naman ang dalaga kay Eirick.
"Thank you." anang dalaga saka kumuha nang isang petals saka inamoy. "Sabi ni baby." wika nang dalaga na hindi tumingin sa binata. Napangiti naman ang binata saka binuhay ang makina nang sasakyan saka umalis sa lugar na iyon.
"Gusto mo bang sumama sa set nang filming ko ngayon?" tanong nang binata sa dalaga. Napatingin naman si Ren sa binata.
"Ano namang gagawin ko dun? Isa pa nandoon ang mga Fans mo. Baka magalit lang ang mga fans mo kapag nakita ka nilang may kasama." wika nang dalaga.
"Baka lang naman wala kang gagawin." Anang binata.
“Nga pala. Huwag kang pupunta sa University ko. Kita mo yung mga estudyante kanina? Saka anong sasabihin nila? Gusto mo bang ma eskandalo?” wika nang dalaga.
“Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nang binata na nakatoon ang mata sa pagmamaneho.
“Hindi. Nag-aalala ako sa katahimikan nang buhay ko. Masyado nang magulo ang buhay ko ngayon. Huwag ka nang dumagdag. Isa pa, bakit ka ba nagpunta dito?” tanong nang dalaga.
“Sabi ko na dati seryoso ako sa sinabi kong pakakasalan kita.” Wika nang binata. “Ayokong malungkot si baby.” Wika nang binata.
“That won’t happen.” Anang dalaga.
“One thing. Kapag ginulo ka ulit nang dati mong fiancé, you can use my name para umiwas sa kanya. I won’t mind.” Wika nang binata saka tumingin sa dalaga. “Para kay Baby.” Wika pa nito saka muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Napatingin naman ang dalaga sa binata. Bakit naman nito gustong gamitin niya ang pangalan nito para lang maiwasan niya si Nathan. Wala pa itong pakiaalam sa sasabihin nang mga tao. Sa pag-kakaalam niya, isa itong sikat na idol. Ano nalang ang mangyayari sa career nito.
“You are staring at me again.” Napangiting wika nang binata na nakatingin sa kalsada.
“I am just wondering. Why are you doing this?” Tanong nang dalaga. “I mean, Hindi naman kita hahabulin. You don’t have to take responsibility for what happened. Kung tutuusin biktima ka rin sa nangyari. With your career and status. Di ba dapat ang career mo ang iniisip mo? Kaya ko naman ang sarili ko. Gaya nang alam mo, I am not struggling financially. Kaya akong buhayin nang pamilya ko. And I am sure my parents and my-----”
“Hanggang kailan ka naman nila bubuhayin?” agaw nang binata. “You don’t plan in letting your parents take care of you for the rest of your life.” Wika nang binata.
“Of course not.” Anang dalaga.
“Then, allow me to take care of you.” Wika nang binata.
“Why?” tanong nang dalaga. Biglang impit na napatili ang dalaga nang biglang apakan nang binata ang preno. Napasubsob pa siya sa unahan ngunit mabilis ang naging reflexes nang binata. Agad siya nitong hinawakan sa balikat protecting her mula sa pagkakasubsob dahil sa biglaang pag preno nang binata.
“I’m sorry. Are you okay?” nag-aalalang wika nang binata saka tumingin sa dalaga.
“I’m Okay. What happened?” tanong nang dalaga saka natingin sa unahan. Napansin niyang gitgitan ang mga sasakyan dahil sa traffic.
“I’m sorry. I was pre-occupied.” Wika nang binata saka tingin sa dalaga at agad na na napansin ang kamay niya na nakasuporta sa dalaga. Agad naman niya itong binawi nang mapatingin ang dalaga sa kanya.
“Marunong ka ba talagang magmaneho?” tanong nang dalaga.
“Minamaliit mo ba ang kakayahan ko?” di makapaniwalang wika nang binata dahil sa narinig.
“Well, Baka lang kasi, mas sanay kang may driver ka.” Anang dalaga.
“I own a garage. I do car repairs myself. I participated in a car race. And here you are questioning my driving skills.” He scoffs.
“Can you blame me? Muntik na tayong bumangga sa bumper nang sasakyan sa unahan natin. Ano nalang ang gagawin mo kung may nangyari sa baby na---ko.” Wika nang dalaga na napahawak sa tiyan niya at muntik na niyang masabing baby nila. Lihim namang napangiti ang binata dahil narinig.
“Don’t worry. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mag-ina ko.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay niya sa kamay nang dalaga na nakahawak sa tiyan nito. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata dahil sa pagkabigla. Bukod doon, nang inilapat nito ang kamay nito sa kamay niya. Pakiramdaman nang dalaga may dumaloy na boltahe nang kuryente mula sa kamay niya hanggang sa buong katawan niya.
“Oops, sorry.” Wika nang binata saka binawi ang kamay niya saka inilagay sa manibela. “Dadalawin kita sa bahay niyo.” Wika nang binata sa dalaga.
“Why?” tanong nang dalaga.
“Para ligawan ka?” natatawang wika nang binata. “Ano bang ginagawa nang lalaki kapag dumalaw sa bahay nang isang babae?” dagdag pa nito.
“I don’t think it’s a good idea.” Wika nang dalaga.
“Bakit naman?” Tanong nang binata na sinimulang paandarin ang sasakyan nang makitang umandar ang sasakyan sa unahan nila.
“Alam mong galit si Kuya Xander saiyo hindi ba? I don’t think he is ready to accept you.” Wika nang dalaga
“Let me worry about that. Kasama naman yan sa pangliligaw.” Wika nang binata. Hindi naman kumibo ang dalaga at napatingin lang sa binata. Dapat ba siyang maniwala sa intensyon ito? Handa na ba siyang tumanggap nang ibang lalaki sa buhay niya matapos ang ginawa ni Nathan sa kanya?