Chapter 3

2058 Words
(Assy’s POV) The only way to defeat him is to prove him wrong. Hindi ako naniniwalang hindi man lang ito na-aattract sakin kahit konti. He's the first guy who rejected me and I will make him suffer because of that. Nakangiti ako sa harapan ni Adrian habang nandito sa receptionist area. Wala akong pakialam kahit busy siya o madaming guest na dapat asikasuhin. I'm a VIP here kaya ako dapat ang unahin niya palagi. Nakagawian ko na yatang tumambay dito bago ako pumasok ng unit ko. Alam niyo na kung bakit, para asarin siya. Sa tingin ko nga ay dalawang araw ng walang lalaking bumibisita sa unit ko. Medyo natutuwa kasi akong bwisitin ang lalaking ito. Maybe, I'm also restraining myself dahil nakaramdam ako ng kaonting hiya sa sarili dahil sa sinabi nitong madumi daw akong babae. Ganun na ba talaga ako kadumi sa tingin ng ibang tao? Wala na ba akong karapatan to defend myself? Am I that disgusting? Am I a total mess? Hindi ko maintindihan pero bumaon sa puso ko ang mga salitang binitiwan nito. Para akong natamaan ng lahat ng sinabi niya sakin, ang mga titig niya and how he pushed me away from him. It feels like he showed me how wicked and dirty I am. “Cute ba ako Adrian?” I showed him some puppy eyes. I placed my palms under my jaws and created a lovely eye expression. Wala na akong pakialam kung magmukha akong timang dito basta maappreciate man lang ako ng taong ito. May itinuro naman ito sa likuran ko. Ang plastic na naman ng ngiti niya sakin. “Mas cute pa rin yung puppy ni Grandma kesa sa'yo. You're below average Miss.” Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mas lalo talaga akong natutuwa kapag nagsisinungaling ito sakin. I know I'm pretty, ayaw lang nitong umamin sa sarili niya. “Ows? Baka para sa’yo cute yung matanda? Ganyan ba talaga katindi ang pangangailangan mo? Madami ka bang utang pre?” ngumisi ako sa kanya. "Gusto mo ba ng 4M? Matandang mayaman na madaling mamatay?" Napansin ko kasi dahil ilang araw ng siya ang apple of the eye ko ay umiiwas na ito kapag usaping pera o trabaho na ang nababanggit ko sa kanya. Hindi man ito sumagot pero ramdam kong naiirita siya sa mga topic na iyon. Hindi din naman siguro siya isang ligaw na tupa tulad ko. Dahil kung anak mayaman ito, sa paraan ng pananalita nito at personality ay walang magulang ang hindi magiging proud sa kanya. He's a passionate, dedicated and diligent guy. He don't deserve to work as a receptionist, kaya nitong maging CEO ng isang malaking kompanya. “Bakit natulala ka na dyan Ms. Sy?" nagulat ako ng nasa harapan ko na ang mukha ni Adrian. Nakangiti ito sakin habang kumakain ng spaghetting nakalagay sa isang styrofoam container. Masyado ata akong na-overwhelm sa panonood sa kanya habang nagtratrabaho at hindi ko na napansing inabot na ako ng 10am, break time na nila. "Sa tingin ko mas matindi ang pangangailangan mo sa'kin. Pinipigilan mo lang.” Kinindatan niya ako saka nilapit sa bibig ko ang tinidor niyang may spaghetti. Totoo ba ito? Susubuan niya ako ng spaghetti? Magkakaroon na ba kami ng indirect kiss? Namumula man ay nagawa kong ibuka ang bibig ko. Nakakahiya dahil ang daming tao sa paligid pero bahala na. Hinihintay ko nalang na isubo nito sakin ang pagkaing hawak niya. "Sabi na nga ba nangangailangan ka." tumawa ito sabay subo ng tinidor na hawak. Nakita ko kung paano nanliit ang mga mata nito habang unti unting lumalakas ang tawa niya. Bwisit ka talaga Adrian! Arrrgh! “You jerk! Tuwang tuwa ka talaga kapag naiinis at napapahiya mo ako! How dare you insult me! Ouch!” sigaw ko. Napaatras nalang ako ng tumama ang balikat niya sakin. Umalis ang loko! He's so arrogant, pina-asa lamang ako nito. Sinundan ko siya ng tingin, nakita kong naupo ito sa isang monoblock chair malapit sa main door at palinga-linga sa paligid. Talagang may gana pa siyang magpalamig? With all my charm, huminga ako ng malalim at lumakad papunta sa kanya. I gracefully flip my hair para mas maging romantic lalo ang approach ko. “Babe!” Hindi man lang siya lumingon. Ang epic naman! "Babe! Nasan na ang spaghetti ko?" Mas nilakasan ko ang boses ko. Lumapit ako sa kinauupuan niya at mahinhing naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Wala na siyang magagawa sa iskandalong ginagawa ko dahil sa ayaw niya’t sa hindi, iinisin ko siya hanggang bumigay siya sakin. Nilingon na lamang ako nito ng may baong ngiti sa labi. Nakakapanayo ng balahibo ang ngiti niya. "Spaghetti ba ang hanap mo? Tinapon ko na sa basurahan, kakainin mo pa ba kahit madumi na?" He slowly pointed his finger on the trash can. Napakalungkot na ng expression ng mukha nito. "Pupulutin mo ba dahil ganon mo ako kamahal?" Titig na titig ang mga mata nito sakin, pakiramdam ko nahihilo ako sa ugali ng lalaking ito. f**k him! I smiled at him saka ko kinuha ang panyo ko at umarteng pinupunasan ang gilid ng mga mata ko. “Alam mo dati ang lakas ng kuryenteng dumadaloy satin babe. Pero bakit ngayon ang hina na?!” malungkot na boses kong sabi. Umarte akong umiiyak kaya naman pinagtitinginan na kami ng lahat ng mga taong dumadaan. Pati mga guest na pumapasok sa condo ay napapailing nalang dahil sakin. Hahaha. Mukhang nanalo ako sa araw na ito. “Shut your mouth wench! Tigilan mo yang pekeng hagulgol mo. Wag ka ngang mag eskandalo dito!” tatakpan niya sana ang bibig ko pero mabilis akong nakaiwas. Umubo ako ng malakas at mas nilakasan ang mga pekeng hikbi ko. “Bakit ba babe?!” humagulgol na ako. Hindi niya ba alam na magaling ako sa drama? Alam kong inis na inis na siya sakin. Malalim at pikon na ang mga titig nito. Sinubukan niyang abutin ang balikat ko at itayo ako pero isinandal ko ang ulo ko sa katawan nito. Humanda ka ngayong six pack abs ka. Bwahahaha. “May nakikikabit ba babe?! Huh?” idiniin ko pa ang ulo ko sa kanya. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso nito. Namumula na din siya sa kahihiyan na nakukuha niya. Pumikit nalang siya at napahawak sa ulo niya. Panigurado sumasakit na ang sintido nito. “Alam mo kung ano ang nakikikabit? Ikaw yun eh! Umalis ka nga at magtratrabaho na ulit ako.” Sigaw nito sabay patid sa ulo ko. Deep inside tuwang tuwa naman ako dahil hindi na nito napigilan ang sarili, he burst out. “Hindi naman sa may kumakabit sadyang head over heels ka lang sakin. At isa pa Miss you're not my girlfriend. Gusto mo bang dalhin na kita sa mental hospital?” Asar itong ngumiti sakin. Susme! Ang mga ngiti nitong may mabigat na ibig sabihin. Lumakad na ito pabalik ng tinakbo ko siya at niyakap ng mahigpit. Isang super hug ang binigay ko sa kanya saka ko siya binulungan. Kung akala niya naubusan na ako pwes hindi. “Mental ba ang gusto mo? Pwes! Let’s party there! Tayong dalawa.” Saktong bumulong ako sa kanya ng may sumigaw sa likuran namin. “Audrey Sharon Sy! What are you doing with that guy! Sa isang public area pa!” napakunot ang noo ako ng marinig ang boses na yun! It's the devil! Ang walang hiyang tatay ko! Akala ko ba mawawala siya ng isang buwan? Bakit biglaan naman ata akong binisita dito? And how I am going to explain everything to him ngayong nakita niya akong may kayakap? Anong paraan na naman ang gagawin ko para matakasan to?! Oh! Come on! Pinagana ko ang utak ko, kelangan kong mag isip ng plano para matakasan ito. Napaubo naman si Adrian sakin saka niya ginalaw ang katawan niya. Sinusubukan niyang alisin ang pagkakayakap ko sa kanya. Oh no! Hindi ako pwedeng kumalas baka magkaroon kami ng riot ng matandang nasa likod. Kumapit ako ng mas mahigpit sa kanya at saka niyakap siya ng maayos. I can feel his rapid heartbeat at ganun din ang kaba ko. For goodness sake! Sino ba namang tao ang may ganang magyakapan pa sa ganitong sitwasyon. Worst is that, nasa baba na din ang manager ng condominium unit. “Tinatawag kita young lady! What are you doing?” Napangiti ako ng ideyang biglang pumasok sa isipan ko. “Tinatawag ka na ng papa mo Ms. Masungit.” Walang emosyong sabi sakin ni Adrian. Ginalaw pa nito ang kamay niya na para bang tinataboy ako at sinasabing bitawan na siya. Napangiti naman ako sa sarili ko. Wala namang masamang magsinungaling di’ba? Hindi din naman ako kayang pigilan ng lalaking 'to eh. I grab his hand at saka humarap kay Dad. Ramdam kong gusto ni Adrian na bitiwan ko ang kamay niya pero pinisil ko ito ng malakas. “Ouch!” wala na akong pakialam kung nasasaktan siya. Bahala na, kapit sa patalim na ako sa mga oras na ito. Kahit pa madurog ang darili niya sa pisil ko wala akong pakialam. Ngumiti lang ako sa Dad kong nanggagalaiti na sa galit. Para na kaming masusunog sa sama ng titig niya sakin. I just smiled at him wickedly habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Mr. Puruntong. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo to focus on your job? Binigyan kita ng chance to prove yourself pero wala kang ginawa kung hindi ipahiya ako!" hindi ko alam pero sa tuwing maririnig ko ang mga bulyaw sakin ng ama ko ay nakakaramdam ako ng panghihina at paninikip ng dibdib. "You're a disgrace! You're a slu---" “He’s my boyfriend Dad. Niyayakap ko lang ang lalaking mahal ko.” I cut him off. Ayoko ng marinig ang huling salita na dapat bibitawan niya. I know I am a slut! I know how dirty I am! I know! Mukhang nabigla si Dad. Tumitig naman sakin ang lalaking nasa tabi ko saka ako pinandilatan ng mata. He’s eyes asking kung ano ang kalokohang sinasabi ko. Bahala na! Nginitian ko lang din siya at saka tinapakan ang paa niya. “Wag ka ng umangal please? Utang ko 'to sa’yo babayaran talaga kita. Sky is the limit.” Mahinang bulong ko sa kanya saka ko hinila ang kamay niya. “Papasok na kami sa condo ko Dad. Pagod kami eh.” Mabilis na sabi ko, sa totoo lang ay kelangan ko ng magmadali dahil any moment ay tutulo na ang luha mula sa mga mata ko. I don't know! Nasaktan pa rin ako sa mga sinabi niya tungkol sakin. Patalikod na sana kami ng magsalita si Dad. “Tomorrow, 8pm at La Toreza Hotel. Bring your boyfriend with you young lady.” Asar! Nakarating kami ng condo ko ng magkahawak pa rin ang kamay namin ni Adrian. Kanina pa siya tanong ng tanong sakin kung bakit ko siya pinakilalang boyfriend sa ama ko. I just stared at him. Nakita kong napasimangot ito ng makitang tumutulo ang luha mula sa mga mata ko. Nakakahiya man pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Asar naman siyang tumitig sakin. Wala akong nagawa kung hindi kunin ang mga kamay nito at ilagay ang palad niya sa mukha ko. “Please be my boyfriend for 5 days? Kelangan kita hanggang sa umalis si Dad.” Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa kanya. He just stared at me, may halong inis pa rin ang mga mata nito. "Please. Ayoko ng makulong sa mansion namin. Ayoko ng mapunta sa isang madilim na kwarto. Ayoko ng mag-isa ulit." Napabuntong hininga siya. “Okay, I’ll be your boyfriend pero may kapalit.” Para akong nabunutan ng tinik sa puso ng marinig ang sinabi niyang 'yon. Ngayon ko talaga kelangan ng tulong niya, mabuti nalang ang mabuti siyang tao. “Anong kapalit?” I smiled at him. “Pagkatapos ng limang araw, hinding hindi ka na magpapakita sakin. Hahayaan mo na akong maging masaya sa trabaho ko. Hindi mo na ako guguluhin at aasarin. You'll act like you don't exist in my world. Payag ka ba sa gusto kong mangyari? Wag mo na ding asamin ang hot thing ko dahil hinding hindi ito mapapasa-iyo.” Tumatak sa utak ko ang mga sinabi niya sakin. He want to get rid of me. Akala ko mabait siyang tao at gusto niya akong tulungan pero he's heartless. Pilit akong ngumiti sa kanya. “Okay it’s a deal.” [Hello po, I'm still editing the Chapters. Please add it to your library po para mabasa niyo ulit ito kapag natapos na ang editing. I'm sure mas matutuwa at maiinlove kayo sa edited version. Thank you.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD