CHAPTER 9

986 Words
"Oh, umuwi ka agad?" tanong ni Leon. "Wala naman akong ibang gagawin sa isla na 'yon. Kahapon pa ako nakabalik, nag-stay lang ako sa hotel natin," Oscar answered Leon. It's Sunday, ngunit nagtatrabaho pa rin si Leon. Sa ngayon, ay marami silang projects dahil sa mga bagong investors. Kaya naman wala siyang oras para magpahinga kahit weekend. Pinuntahan ni Oscar ang kapatid sa Navarro's Mining Company dahil alam niya na dito niya makikita ang kapatid. "Bakit hindi ka pa dumeretso sa Mansion? Bakit nag-hotel ka pa?" Ngumiti nang malisyoso si Oscar. "Ayokong magdala ng babae sa Mansion. Baka doon nila ako puntahan at kulitin." He sat down on the swivel chair in front of Leon's desk. "By the way... "...tell me more about my secretary," Oscar continued. Sa totoo lang, ay pumunta lamang sya dito sa opisina ni Leon upang malaman lang ang ibang detalye tungkol sa kanyang sekretarya ng isang buwan. "Si Annika?" Leon asked him with confused look. Tumango lamang si Oscar at kinuha ang folder na nasa lamesa ni Leon na para bang ayaw niyang mahalata ng kapatid ang pagiging interesado nya sa babae. "Why?" Leon frowned. Oscar opened the folder and pretended to read what's in it. "Nothing. I need to know some of her information so, that I can work with her without feeling awkward. Isang buwan ko rin syang magiging secretary." Tumango lamang si Leon at sumandal sa kanyang swivel chair. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa arm rest and he interlock his fingers. He looked straight to his brother. Binaba na rin ni Oscar ang folder na hawak at tinitigan din ang kapatid. "Annika is 24 and She graduated Bachelor of Science and office administration. She's been working for two years as mom's secretary. She's new pero sobrang reliable. Sobrang naka-depende na si Mommy sa kanya." "You said, she's your friend? How come?" "It's kinda weird how the first time I met her..." Leon stood up, he turned around and look at the glass wall in his office. Kita niya ang mga katabing naglalakihan din na mga buildings. "...that time, I went to our family Doctor, si Doctor Reyes. Para sa check up ko noon sa sprained ankle ko. I saw her, she's in pain. Naglalabor na siya pero wala siyang kasama. Mag-isa siyang pumasok s hospital at pinilit maglakad." "Labor? May anak na siya?" Oscar was surprised. "Yes, daughter. Si Amara..." Humarap syang muli kay Oscar. "...I helped her that time, and it's kinda weird dahil hindi ko sya iniwan hangga't hindi sya natapos manganak kahit pa hindi ko naman siya kilala noon. At doon nagsimula ang aming pagiging magkaibigan." Tumango si Oscar. May anak na si Annika? Bakit parang mayroong kumirot ng kaunti sa kanyang puso? Bakit parang naiinis sya na malaman na mayroon ng nagmamay-ari sa babae. "Nasaan ang asawa niya at pinabayaan sya ng mga oras na 'yun?" "Wala siyang asawa. Tinakasan sya ng lalaki. Well, hindi naman totally sinabi ni Annika na tinakasan sila, ang sabi lang niya ay hindi nya alam kung nasaan ang ama ng kanyang anak. Pero ganoon na rin 'yun!" Kinuyom ni Oscar ang mga palad. Bigla siyang nainis na paano nagawa ng lalaki na 'yun ang iwan ang kanyang mag-ina? Naalala niya tuloy ang pag-iwan sa kanila ng kanilang ama. Muling naupo si Leon sa kanyang dating pwesto. "Is that enough, or you want me to tell you more?" "That would be enough, Leon. Thank you." Anong klaseng lalaki ang kayang iwan ang mag-ina? Lalo na kung kagaya ni Annika? Kung tutuusin, swerte na ang makaka relasyon nito. Napaka ganda! Simple ngunit litaw na litaw ang kagandahan. She also looks nice an sweet! Teka bakit ba siya apektado? Ni hindi nya pa nga ito nakakasama! Muli niyang naalala ang maliliit na ungol nito! Naiisip nya pa lang, ay nag-iinit na ang kanyang katawan. "ANNIKA, may nararamdaman ka ba kay Leon?" Napatigil si Annika sa paghuhugas ng plato sa tanong ni Mila. Nakasandal ito sa counter, naka krus ang mga kamay at nakatingin sa kanya. Natawa si Annika. "Seryoso ba 'yang tanong mo, Mila?" "Sorry sa tanong ko. Nakikita ko lang kasi na sobrang sweet niyo sa isa't isa. Kaya hindi ko maiwasan ang mag-isip." "Noon na hindi ko pa alam na tito sya ni Amara ay wala na akong nararamdaman sa kanya, lalo pa kaya ngayon na alam ko na?" She continued washing the plate. "The way kung paano ka kasi niya alagaan or hawakan. Parang may malisya." "Naku, Mila. Guni-guni mo lang 'yan. Si Leon ay natural na sweet. Siguro nagseselos ka, noh? Kaya mo ako tinatanong." "Anong nagseselos? Pinagsasabi mo dyan?" Nagpunas ng kamay si Annika dahil tapos na niyang banlawan ang mga plato. Pinagpatong patong niya ang mga ito at dinala sa lamesa. Kinuha ang pamunas. "Akala mo hindi ko alam?" At isa-isang pinunasan ang mga plato. Si Mila ay nanatiling nakasandal sa counter ngunit nakababa na ang dalawang kamay. "Na ano?" Mila asked her. "Na may gusto ka kay Leon. Sa tuwing dadalaw dito si Leon or kasama ko siyang umuwi dito, ay mas excited ka pa kaysa kay Amara." Naglakad si Mila at humarap kay Annika. "Ganoon ba ako ka obvious?" Tumawa muna si Annika at tumango. "Tingin mo nahahalata rin niya?" "I don't think so. Kahit kasi pa ganu'n-ganu'n si Leon, ay may pagka-naive 'yun." Napaupo si Mila at napatungo sa lamesa. "Hanggang crush na lang yata ako!" "Gawin mo na lang sa kanya 'yung ginawa ko kay Oscar. Lasingin mo tapos... alam mo na!" Tumawa pa si Annika. "Pass! Hinding hindi ko gagawin 'yun. Hindi ko kaya. Hindi ako kasing lakas ng loob mo, Annika." "Tulungan kita gusto mo? 26 ka na, Mila. Baka mamaya, paglabas mo para pumasok sa work, ay mabangga ka. Gusto mo bang mamatay ng virgin? Sabi nila virgin ghost daw ang madalas hindi natatahimik ang mga kaluluwa!" Sinabayan pa ng hagalpak ni Annika. "Baliw ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD