CHAPTER 22

862 Words
"We kissed, Leon. Nahawakan mo rin ako. Pero bakit parang sa'yo ay wala lang ang lahat?" "Mila! Mahal ko si, Annika. Gaano ba kahirap intindihin 'yun? What we did is just a mistake. I don't know what got into me at bigla kong ginawa 'yun." Paaaakkkk... Isang malakas na sampal ang binigay ni Mila kay Leon. "How dare you, para sabihing isang pagkakamali 'yun? Para sabihin ko sa'yo. Mahal ni Annika ang kuya mo! Mahal na mahal! Kaya kahit anong gawin mo ay hindi ka niya magugustuhan!" Nagpanting ang tenga ni Leon sa mga narinig, isama pa na sinampal siya nito. Wala pang babae ang nakakagawa no'n sa kanya. He grabbed her by the face using only his left hand. "Wala akong pakialam kung gaano niya kamahal si, Oscar! I'm telling you Mila. Kahit ako man ay hinding hindi kita magugustuhan!" At pabalya niyang binitawan mukha nito. Halos maliko ang ulo ni Mila sa lakas ng ginawa ni Leon. She cried! 'Ang hirap magmahal ng taong may mahal ng iba!' Hindi sinasadya na makita niya ito sa lugar kung saan sila nag-team building. Masyadong masakit ang sinabi nito sa kanya! Hindi niya ito mapapatawad! "YOU already know, Calvin. So, this is his wife and my cousin, Maui." "Happy birthday, Maui," bati ni Annika at inabot ang regalo. Bumeso si Maui sa kanya. "Thank you, Annika." Hindi maalala ni Annika na pinakilala na siya ni Oscar, ngunit alam na nito ang kanyang pangalan. "Oh. Bukang bibig ka lang naman ni Oscar kapag nagkakatagpo kami ng landas. Kaya kilala na kita hindi pa man kita nakikita." Mukhang nahulaan nito ang kanyang pagtataka. Nakita pa ni Annika ang pagtingin ni Oscar nang masama sa pinsan. Binigyan niya ito ng warning look. "Lika ka, ipakikilala kita sa iba pa naming kaibigan." Hinawakan ni Maui ang kanyang kaliwang kamay. Pinigilan naman ito ni Oscar at hinawakan ang kanyang kanang kamay. "Not without me, Maui. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko." "Grabe, possessive, bru!" si Calvin ang nagsalita. "Naninigurado lang," he answered. Binitawan ni Maui si Annika dahil hawak na siya ni Oscar. Sumunod na lamang sila sa mag-asawa. Hinapit ni Oscar ang kanyang bewang na parang ayaw nitong malayo sa kanya kahit kaunti. Panay din ang halik nito sa kanyang ulo at balikat. "You really look good tonight, baby!" Napasinghap si Annika ng bumulong sa kanya si Oscar. Lumapat lang nang kaunti ang balat nito sa kanya ay naaapektuhan na siyang agad. She wore white bodycon offshoulder dress. Hapit na hapit ito sa kanya at kitang kita ang kanyang hubog ng katawan. Her hips is wide and her waistline is so small. She has meaty butt and round breast. Halos lahat din ng naroon sa party ay hindi pwedeng hindi mapatingin sa kanya. Mapababae man o lalaki. "This is Roland and his wife Kristine," si Maui ang nag-introduce. Bumeso si Kristine sa kanya. "Tama nga si, Oscar you are very beautiful, Annika." 'Pati siya ay kilala ako?' "Don't be surprise that we already know you. Madalas ka kasing mabanggit ni, Oscar," paliwanag ni Kristine. "Okay, enough of that. Nagugutom na kami. Pakakainin niyo ba kami or ibubuking niyo na lang ako?" seryosong tanong ni Oscar. Nagtawanan naman ang lahat kasama na rin si Annika. Pag-upo sa kanilang pwesto ay nagkaroon ng pagkakataon si Annika na titigan si Oscar. Simple lang ang suot nito. White polo shirt, pants and sneakers. Very casual, but he looks expensive. Hawak nito ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa at halos ayaw bitawan. Napapansin din ito ng kanyang mga kaibigan. At napapangiti na lang. Napaka gwapo nito! Hawig na hawig ni Amara. 'Sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Sana ay hindi ka magalit. Sana ay hindi ka na umalis kapag nalaman mo.' HINDI makatulog si Leon kakaisip sa pangyayari kanina. 'Bakit naman sa dinarami-rami ng pwedeng pagdausan ng meeting na ito ay dito pa sa kung nasaan si Mila?' Kinuha niya ang telepono at tinipa ang numero ni Annika. Nakailang-ring ito ngunit hindi sumasagot. Wala pa naman itong pasok ngayong araw. 'Tulog na kaya?' Pinatay niya ang tawag at sinubukang tawagan ang landline. It took 4 rings bago may sumagot. "Hello? Sino po sila?" "Nay Coring?" "Leon, anak? Oh, napatawag ka? Wala rito si Annika. Isinama ng kuya mo sa party raw." "Kasama niya si Annika? Kayo ang pinagbantay kay Amara?" "Oo, hijo. May sasabihin ka ba na gusto mong sabihin ko?" "Hindi na po, nay. Tatawagan ko na lang siya ulit bukas. Si Amara po ba ay tulog na?" "Oo tulog na. Kanina pa. Napakamasunurin na bata. Alam mo bang ang dami niyang habbit na kagaya ng sa kuya mo? Kung hindi ko lang alam na iba ang tatay nito ay baka isipin kong ang kuya mo ang ama." Tumawa nang bahagya si Leon. "Hindi siya ang ama ni Amara, nay. Sige na ho. Magpahinga na kayo at ibababa ko na ito." Binaba ni Leon ang tawag. Naihagis niya ang kanyang telepono sa galit. Pinagmasdan niya ang nasirang telepono. "Not again, Oscar! Not again! Hindi ako papayag na pati si Annika at Amara ay kukunin mo sa akin. Magkalimutan ng magkapatid tayo, pero hindi ko sila basta-basta ibibigay sa'yo!"

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD