Sa dalampasigan ng isang Isla maraming tao ang nakikiusyoso, ito pala ay meron isang babaeng napadpad sa isla na walang malay o di kaya patay na. Kinuha ng mga taga isla sa kanyang bahay ang isang kilalang doctor na nagbabakasyon sa kanyang bahay sa Isla Montealegre, Si Dr William Montealegre. Nang dumating ito binigyan siya ng lugar ng mga tao para matingnan ang babae na walang malay. Matapos suriin ang babae ... "Kilala nyo ba siya? Taga rito ba siya sa Isla or sa kabilang isla kaya wala bang naghahanap sa isang babaeng nawala?" "Doctor wala naman kaming narinig baka taga Maynila po yan sa ganda ba naman ..." "Doctor saan natin siya dadalhin? sa bahay mo na lang Doc?" “Dalhin ko na lang sa bahay at least meron clinic doon, Elisa ikaw na lang muna care giver nya, Uuwi pa naman ako