bc

Breakup Series: The Breakup Rebound

book_age16+
415
FOLLOW
1K
READ
second chance
playboy
comedy
straight
game player
city
childhood crush
sassy
virgin
engineer
like
intro-logo
Blurb

*** CHASE AND LORI'S ONLINE RELATIONSHIP LOVE STORY IS CURRENTLY ON HOLD. Thank you for your understanding.

Dreamesky chasing ClairMont. Chase is a writer, while Lori is a reader in Dreame.

Destiny will make them cross their paths. They are meant to heal the wounds of each other’s broken hearts.

Is it a coincidence that they met, or is fate playing with their destiny?

Because they become each other’s BREAKUP REBOUND.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 | Don't Chase
Isang taon na ang nakakalilipas nang hindi sumipot si Sevie sa mismong ika-limang taong anibersaryo namin bilang magkasintahan. Ang reason niya ay dahil he is comforting his bestfriend Zenia who broke up with his boyfriend. Pakiramdam ko ginagago ako ni Sevielle at hindi nga ako nagkamali dahil isang araw he broke up with me. Nakilala ko si Sevielle sa kolehiyo. We were classmates sa Accounting at Business Management subjects. Walang akong alam na kaya lang pala ako ginusto ni Sevie ay dahil sa pagkakapareho ko sa ex-girlfriend niya. Imagine limang taon ang naging relasyon naming dalawa. Ngunit nagsimula lang magbago ang lahat ng maaksidente si Sevie. Sa hospital kung saan dinala si Sevie ay natagpuan ko ang aking nobyo may kasamang iba. Animo’y magkasintahan ang mga ito. Pakiramdam ko gumuho ang aking mundo. Niloko ako ng kaisa-isang lalaking sineryoso ko. Ang babaeng nakita ko sa hospital at ang litrato sa condominium unit ni Sevie ay magkawangis. Siya kaya si Zenia? Mamamatay ako sa pagaalala at halos liparin ko na ang EDSA makarating lang sa Segovia Medical Center. Nagmamadali pa akong lumiban sa trabaho upang puntahan ang nobyo ko ngunit may kasama pala itong iba. Simula ng ma-aksidente si Sevie dumalang na ang pagkikita naming dalawa. Hanggang sa nagkita kami sa Charlie’s Cafe isang buwan na ang nakalilipas. Sevie broke up with me. Ang sakit ‘di ba? Limang taon. Limang taon nauwi sa wala ang lahat. Parang kanta lang ni Moira. Ako ang una ngunit siya ang huli. Ako ang kasama ngunit hanap mo siya. Sabihin na nilang katangahan ang palayain si Sevie. Pero anong magagawa ko? Hindi niya na ako mahal. Hindi naman magiging masaya ang aming pagsasama kung may mahal siyang iba. I tried everything I can upang maka move-on hanggang sa I got hooked on reading novels on Dreame App. An online platform for readers like w*****d or f******k Story. I became an avid online novel story reader in Dreame. I support ongoing and completed stories. And if the story is worthy of reading, I spend money and buy coins. Hanggang sa natagpuan ko ang kuwento ng “The Breakup Rule” written by Dreamesky. I fell in love with the story. The Breakup Rule helped me completely move on with my painful love story. Ang bawat katagang ginamit ni Dreamesky sa bawat rule ay sapol-na-sapol sa aking nadarama. Call me crazy but Dreamesky’s thirty-one days breakup rule guide to moving on worked out for me. Sa loob ng isang buwan ay ginamit kong gabay ang akda ni Dreamesky upang malagpasan ang sakit na dulot ng pag-ibig sa akin. Ngunit hindi ko inasahang ang taong nasa likod ng akdang hinangaan ko ay ang karugtong pala ng aking kahapon. # # # Breakup Rule #1 | Don’t Chase After Your Ex Una: 'Wag habulin ang boyfriend or girlfriend mong nakipaghiwalay sayo. Dahil they are the one who initiated the breakup hindi ikaw. Pangalawa: Hindi na siguro sila masaya sayo kaya iniwan ka na. Pangatlo: Siguro nakahanap na ng iba. Ang saklap ‘di ba? Pang-apat: Wala lang talaga siyang kuwentang tao at iniwan ka sa ere kung kailan hulog na hulog ka na. Pang-lima: Tanggapin mo ang katotohanang hindi kayo para sa isa't isa. Dahil ang totoo walang forever! Walang forever! Wala talaga dahil ang halat ay may ending. Nasasaktan ako. Datapwat dinurog ni Sevie ang puso ko. Hindi ko siya hahabulin. Kung bamilik man siya. ’Yon ay dahil ako ang pinili niya at ako ang mahal niya. Ang babaeng gusto niya makasama sa panghabang buhay. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng huling magkita kami ni Sevie. Kami na yata ang tinaguriang mag-kasintahan subalit once a blue moon lang kung magkita. Sevielle is an executive accountant at a marketing firm. Software engineer naman ako sa Chaminade isang foreign owned database company. Pang-umaga ang trabaho ni Sevie samantalang ako naman ay pang-gabi. Dahil sa work schedule namin na hindi magkatugma kaya madalang kaming magkita. Sevie called me the night before to meet up with me. He requested for a day leave upang bigyan raw ako ng time dahil halos anim na buwan na niya akong pinagwalang bahala. We decided to meet at Charlie’s Cafe, isang Italian coffee and pastry shop na madalas tambayan ko simula noong kami’y college pa. This cafe has been my sanctuary. A sip of Charlie’s famous caramel brulee cappuccino gives me comfort. Nakakalimutan ko ang lahat ng bumabagabag sa akin kapag nagagawi ako rito. AT CHARLIE’S CAFE . . . “Lori, maghiwalay na tayo,” wika ni Sevie after sipping his mocha latte. “Okay,” walang emosyon sagot ko. “Okay? Wala kang sasabihin?” takang tanong ni Sevie. “Ano ba dapat kong sabihin, Sevie?” I replied softly, still without emotions. “Pigilan mo ko!” pasigaw na sagot ni Sevie. Ramdam ko naman na kaya nagkipagkita si Sevie ay dahil makikipaghiwalay na ito sa akin. “Gusto mo makipaghiwalay ‘di ba? Tapos ngayon gusto mo na pigilan kita?" Ano ‘to? Naglolokohan tayo? You like to break up with me because you already have Zenia back . . . right?” Pinigilan ko ang butil ng tubig na nagbabadyang umalpas sa aking mga mata. “It’s fine with me.Totally fine with me. Oh, ano pa ginagawa mo rito? Naghihintay na si Zenia. Sunduin mo na! That’s what you’ve been doing for the past six months anyway.” “You knew?” takang tanong ni Sevie. “I’m not that stupid, Sevie. Galawgaw ako. Palabiro. May pagka-shunga. Sige, pagpalagay na natin,” I stopped, made a small bite on my ham and swiss cheese croissant sandwich. My eyes flashed to meet his. “No! Sabihin na nating isa akong tatanga-tanga. Pero hindi ako lubusang tanga na hindi ko alam kung anong pinagagawa ng boyfriend ko! Oh, Let me correct that. Ex-boyfriend ko na pala. So? Ito ang gusto mo? Okay, madali naman akong kausap. Sige, break na tayo!” inis na sigaw ko kay Sevie. “Lori, maayos naman tayong maghiwalay. ‘Wag ganito. Please.” “Sana naisip mo ‘yan bago mo ako niloko.” “Hindi kita niloko, Lori,” pagtatanggol ni Sevie sa sarili. “Huh?” A sarcastic smile painted on my face.”Hindi mo ako niloko? Mm-hmm . . . Let me remind you. Hindi ka lang naman sumipot sa anniversary natin dahil broken hearted ang pinakamamahal mong si Zenia at dinamayan mo siya.” “What are you talking about?” “Bakit, Sevie? Hindi mo ba alam na alam ko matagal na kayong nag-kikita?” “You act so natural. So normal. You did not make me feel you doubted me in any way. How would I know?” “I acted so normal dahil wala naman akong saltik. Ano palagay mo sa akin tatawa iiyak because you are not around? Because I darn miss you? Oo! Natural ang akto ko dahil nasanay na akong parati kang wala. How many times do you meet up with me in a month? Once? Twice? Pero si Zenia? Letse! Araw-araw! Sino ba ang girlfriend mo ako o siya?” “I am not breaking up with you because of Zenia. Babalik na ako sa Leyte at ang pinaka-ayaw mo ay ang long-distance relationship.” “Matagal na tayong LDR, Sevie. Ngayon mo lang ‘yan na-realize? Have I complained once that you don’t have time for me? Nagreklamo ba ako sa tuwing ‘you and me’ time natin parati kang nagmamadaling umalis? Ni minsan ba nag-inarte ako sayo?” mahinahon kong tanong dito. “That’s the problem Lori. You never complained. Akala ko. Okay lang ang lahat sayo.” “I know you are busy. Why would I bother to complain? Okay na ako sa kakarampot na oras na binibigay mo para sa akin.” “Bakit hindi ka man lang nag-demand ng time? Kahit phone calls man lang or text? It seems like you never cared. Wala kang paki-alam kung tawagan man kita o hindi dahil marami ka namang kaharotan sa trabaho mo. Mamatay man ang buong angkan mo. I bet you’re flirting with someone at work. Don’t lie to me, Lori.” Malakas na sampal ang ginawad ko sa kaliwang pisngi ni Sevie. Bumakat ang mga kamay ko sa kutis porcelana niyang mukha. Animo’y kamatis ang mukha ni Sevielle mula sa pagkakasampal ko. “Oo galawgaw ako pero kahit minsan I never lied to you. How dare you curse my entire kin, Sevielle? Bakit ka pa ba satsat ng satsat? We already broke up. Can we end this relationship at peace? I hate arguments, Sevie. Most of all if you know me better. I despise drama like what you are doing right now.” “Naknampucha naman, Lori! I only want you to fight for me. Bakit ang bilis mo akong bitiwan?” “Dahil gusto mong lumaya. You wanted us to break up? There, I give it to you. You are free. You have your freedom. They said if you love him. Set him free. Mahal kita, Sevie. Kaya ayan pinapalaya na kita. Sana maging masaya kayo ni Zenia.” “Hindi kami ni Zenia. She’s my bestfriend and she’s having issues with her fiancee. Breaking up with you is supposed to be a prank. Bakit ang seryoso mo naman? Wala na ba talaga tayo?” “Prank? Ginawa mong katuwaan lang ang relasyon na napakahalaga sa akin. So, prank lang pala ako? Tayo? I don’t joke around with relationships you know that.” Pagak na wika ko. Pinipigilan ko ang nababadyang pag-tulo ng maligamgam na likido sa aking mga mata. Ang dibdib ko ay animong sasabog na sa sobrang bigat ng pakiramdam na basta-basta na lang itatapon ang limang taong relasyon namin. “Lori, I’m sorry. Nagbibiro lang ako.” “Puwes! Seryoso ako. Tapos na tayo.” “Lori, please. Can we at least be friends?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.7K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook